Sarah Lahbati on posing sexy for a magazine cover: “There are other ways para rin mapaganda yung career aside from posing for men’s magazine.”

Sarah Lahbati possesses a beautiful face and attractive body so it’s not surprising that she gets pictorial offers from men’s magazines. Lately, she has turned down all of these. She reasons: “Ayoko lang, wala talaga sa list o goal ko.”


Parang hindi maiwasan na magkaroon ng sunud-sunod na projects ang StarStruck V Ultimate Female Survivor na si Sarah Lahbati mula sa GMA-7.

Habang tumatagal kasi ay marami nang nakakapansin, hindi lamang ang kanyang magandang rehistro sa screen, kundi maging ang kakayahan niya sa pag-arte.

Pagkatapos ng launching afternoon soap niyang Kokak, si Sarah ay isa sa dalawang leading ladies ni Richard Gutierrez sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Makapiling Kang Muli.

Ayon kay Sarah, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Makapiling Kang Muli noong May 29, isa na namang bagong opportunity ang ibinigay sa kanya ng Kapuso network.

“Ibang-iba po talaga ang mga nagawa ko o gagawin ko ngayon sa Makapiling Kang Muli.

“Talagang hindi ko pa po nagagawa sa mga dati kong mga roles,” sabi niya.

Paano ba siya mag-motivate ng sarili, lalo na sa mga eksenang halos puro iyakan?

Ayon kay Sarah, “May mga eksena po na nire-require talaga akong umiyak.

“Yung tipong wala akong maisip na experience ko para i-konek doon sa scene.

“Of course, ang ginagawa ko, e, I prepare for the scene. I try to connect with my character and co-actors doon sa eksenang yun.

“At saka yung director, kung anuman po ang utos niya sa akin.”

RICHARD & MARK ANTHONY. Kumusta si Richard bilang una nilang pagtatambal ang Makapiling Kang Muli?

“He’s a gentleman. He’s very professional at walang arte. At saka, yung mata niya, yun ang una kong napansin sa kanya.”

May mga kissing scenes sila ni Richard sa Makapiling Kang Muli, pero si Mark Anthony Fernandez ang talagang karelasyon ni Sarah sa teleseryeng ito.

“Hindi pa po namin nakukuhanan ang mga kissing scenes, daring scenes. Ayoko munang isipin.

“Kasi, kapag inisip, pangungunahan ko na o gagawa na ako ng dapat ganito, dapat ganyan.

“Mas maganda yung maging spontaneous sa moment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, kapag nasa moment na yun na, sa utos ng director, kung ano ba yung dapat gawin.”

Kina Richard at Mark, kanino siya mas may nararamdamang pagka-ilang pa?

“Kasi po si Kuya Mark Anthony, nakatrabaho ko na siya before sa Little Star, leading man siya ni Ate Jennylyn [Mercado].

“Si Chard naman po, first time kong makatrabaho, pero nawala rin naman agad ang ilangan factor and yung kaba dahil he’s very friendly," sabi ni Sarah.

GIRLFRIEND POTENTIAL. Sinabi ng ilang entertainment press kay Sarah na ang beauty niya ay isa sa type ni Richard kung pagbabasehan ang ilan sa na-link sa Kapuso actor in the past.

“Ay, grabe naman!” natawang sabi ng 18-year-old actress.

“Hindi po, pareho po kaming sobrang seryoso sa project na ‘to. Hindi na namin naiisip yung mga ganoon.”

May nagbiro kay Sarah na marami raw kasi siyang manliligaw—sampu.

“Sobra naman kayo!” natatawa lalo niyang sabi.

“Alam naman nila na ano ’ko sa trabaho… workaholic.”

Pero hindi ba’t masaya rin naman na may inspirasyon siya?

“Of course, of course naman. Masaya at masarap maging inspired.

"But you can find ways that you can be inspired without specifically being inspired or in-love.

“Pero darating din ang right time po.”

MEN’S MAGAZINE COVER GIRL. Sa ganda at kaseksihan ni Sarah, siguradong marami ang magnanais na makita siya bilang cover girl ng men’s magazine, ’tulad ng FHM.

Papayag ba siya kung saka-sakali?

“No... no agad,” mabilis niyang sagot.

“Wala akong against sa mga nagpu-pose sa FHM. But for me, I don’t see myself posing for a men’s magazine.

“Kumbaga, hindi ko lang talaga ma-imagine ang sarili ko. Hindi naman ako karapat-dapat para magganoon.

“Ayoko lang, wala talaga sa list o goal ko.”

May nag-attempt na raw kumuha sa kanya.

Pero sabi ni Sarah, “May nagtanong kung willing po. Pero ayoko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Final answer?

“Yes. Kumbaga, naniniwala ako na nakakatulong din siya sa career but there are other ways para rin mapaganda yung career aside from posing for men’s magazine.”

VALUES. Alam naming aktibo si Sarah sa Christian church na kinabibilangan niya sa Switzerland kung saan siya lumaki.

May koneksiyon ba rito ang pagtanggi niya na maging cover girl sa men’s magazines?

“Yes,” nakangiti niyang sabi.

“Yes, of course. Ever since, hindi ko plinano na gumawa ng ganoon. Yun na yun, e.

“Hindi ganoon. May sari-sarili po tayong choice sa buhay.”

Pero kahit naman daw ang mga magulang niya ay hindi rin naman okey sa ideya na yun.

“Yung parents ko, hindi sila overprotective over their only daughter.

“Siyempre, normal lang naman yun na ingatan nila ako. At sinabihan nila ako na ayaw rin nila, which I understand.

“Unang-una, Pinay po ang aking nanay. Alam n’yo naman ang mga Pinay, mapagmahal, protective.

“Ayaw nilang may mangyaring masama.

"Pangalawa, ang daddy ko naman, Moroccan, Muslim.

“Parang Pinoy rin ’yan—protective.

“So, talagang nagtambal ang dalawang protective, which is wala naman akong ano do’n… against, sa mga desisyon nila.

“I know naman na para sa akin din yun," pahayag ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN