Sam Milby hopes project with Judy Ann Santos pushes through despite Alfie Lorenzo’s objection

Sam Milby leaves the matter of negotiating his projects with his managers as objections about his team-up with Judy Ann Santos surface. He says: “I would leave that to my management. I think that is something that they should handle."


“Over my dead body” ang bitaw na salita ni Alfie Lorenzo, beteranong kolumnista at manager ni Judy Ann Santos, nang matanong tungkol sa pagsasama ng kanyang alaga at ni Sam Milby sa isang nilulutong proyekto ng ABS-CBN.

Sa mga panayam sa manager ni Juday, bukas ito sa pagsasabing ayaw niyang makapareha ng alaga niya si Sam.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Sam nung dumating siya galing New York.

Sa tinurang ito ng manager ni Judy Ann, iwas magbigay ng komento si Sam.

Hiling din niya na sana ay matuloy ang nasabing proyekto, lalo’t gusto niya talagang makatrabaho ang young superstar.

Aniya, “I don’t want to comment on that, pero sana naman matuloy… sana matuloy yung teleserye.

“For me, napakasuwerte ko talaga na maka-pair si Juday, so sana tuloy talaga siya.

“Sa akin, after hearing that, I know that there are a lot of people either they don’t like you as a person or your manager. Lagi namang ganun.

“Ako, I hope for the best.

"You can let it affect you or not but for me, sana naman tuloy yung teleserye.”

Tinanong din ng PEP si Sam kung personal niyang kilala si Alfie.

Kung magkakaroon ba ng pagkakataon na magkita sila, kakausapin ba niya ito para malaman kung ano ang problema?

“Last time I saw him, matagal na.

“Nung dati, okay naman kami, so I really don’t know kung sinabi niya nga talaga yun.

“I would leave that to my management. I think that is something that they should handle.

“Not me, kasi it’s been a long time since I talked to him and parang… I really don’t know.

"I would leave it to my management," sabi niya.


GOOD FRIENDS. Hindi naman maitago ni Sam ang excitement niya na makatrabaho kung sakali si Judy Ann, lalo’t kilala niya ito pati ang mister nitong si Ryan Agoncillo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course I’m honored. I mean, it’s really my first time to work with her and I’m friends with her and Ryan.

“I think it’s gonna be a lot of fun, especially when you get to work with someone of her status, [na] ganun kagaling.

“There’s a lot you can learn from her and that’s what I’m excited for, too.

“Ako, I met Juday earlier this year, or I think last year. Siyempre same station [ABS-CBN], you can see each other.

“There were a few times even with her and Ryan, we ended being in the same restaurant so we were all talking naman.”


NEW ACQUAINTANCE. Naging open din si Sam na may nakilala siyang modelo/teacher sa New York na nagustuhan niya at malalim ang kanyang paghanga.

Bukas daw ang kanilang komunikasyon, pero inamin ng Fil-Am singer-actor na may boyfriend na pala ang nakilala niyang model-teacher.

“Constant naman ang communication, last birthday ko, she greeted me, hindi siya tumawag, nag-text lang.

“Sinabi ko naman na friends lang talaga kami dahil may boyfriend siya.

“Pero hindi naman ibig sabihin nun na di ko siya puwedeng i-like… friends lang talaga.”


DUE RESPECT. Nagbitiw rin ng salita si Sam na marunong siyang rumespeto kapag alam niyang committed na ang isang babae.

Siya mismo ay ayaw niyang gawin ito sa kanya ng iba.

“Just thinking about it, kung ako yung boyfriend, magagalit talaga ako ‘pag may lalaking inaagaw ang girlfriend ko.

“Parang mali naman yun.

"For me it’s like friends lang kami and ayoko na iniisip ng boyfriend niya na ganun ako.

“It’s difficult to befriend someone who is committed, ‘tapos you like pa the girl.

“Pero hindi naman ako in love. One month pa lang kaming magkakilala.

“And alam ko naman yun na she’s committed before we became friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When we became friends, alam ko na may boyfriend siya.

“So it’s not like I’m going to allow myself to fall for that girl, kasi alam ko na ang sitwasyon.

“It’s not also we get to talk a lot, kasi mali din yung lagi kaming nag-uusap kasi nga may boyfriend siya.

“We keep in touch, we are friends, pero hanggang dun lang yun.

“Magwa-one year na sila ng boyfriend niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN