Julie Anne San Jose and Elmo Magalona nervous about taking over timeslot of Tween Hearts

Elmo Magalona and Julie Anne San Jose will be launched as a loveteam in the new teen-oriented afternoon series Together Forever, which will replace the timeslot of the high-rating Tween Hearts.


Naganap noong May 29 sa GMA Annex Building ang story conference para sa bagong teen-oriented series na Together Forever, kunsaan bida ang tambalan nina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona.

Ang Together Forever ang papalit sa magpapaalam nang Reel Love Presents Tween Hearts, na napapanood tuwing Sunday afternoon pagkatapos ng Party Pilipinas.

Aminado sina Julie Anne at Elmo na nakakaramdam sila ng matinding kaba dahil ang programa nila ang papalit sa timeslot ng Tween Hearts, na almost two years namayagpag sa ere.

Ilang shows na ang nagtangkang tumapat sa Tween Hearts, pero napanatili nito ang mataas na ratings.

Sabi nga ni Julie Anne sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Siyempre po, we feel nervous kasi nakasanayan na ng marami ang Tween Hearts every Sunday.

“I had the privilege to be a guest sa Tween Hearts at nakita ko how hard they work.

“I’m happy na kahit saglit lang, naranasan ko ang mapabilang sa Tween Hearts.

“Kaya sobrang challenge ito para sa amin ni Elmo. We want to give them a good show as well.

“Sana suportahan po nila itong Together Forever ‘tulad ng pagsuporta nila sa Tween Hearts para masaya tayong lahat.”

Para naman kay Elmo, ito na raw ang malaking test para sa team-up nila ni Julie Anne.

Napatunayan na nila ang galing nila sa pag-perform sa Party Pilipinas at nagkasama na rin sila sa iba’t ibang shows, ‘tulad ng Andres de Saya at Daldalita.

Saad ni Elmo, “Hindi pa po kasi tapos ang movie namin ni Julie na Just One Summer kaya sa Together Forever muna nila kami mapapanood talaga as a certified loveteam.

“Kahit naman po ako, nakapag-guest din ako sa Tween Hearts before and there’s really teamwork sa show na iyon kaya sila tumagal at nag-top sa ratings.

“We hope to have that same teamwork dito sa Together Forever.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag maganda kasi ang work environment, maganda ang magiging product ng trabaho namin.

“We all promise sa mga sumusuporta sa amin ni Julie na we will do our best at hindi namin sila bibiguin sa mga expectations nila sa amin.

“Pareho po kami ni Julie na gustong makabigay ng magandang show for our fans. Kaya ito na iyon and we need the big support.

“Kaya thank you po in advance sa suporta na ibibigay nila sa JuliElmo.”

Bukod kina Julie Anne at Elmo, kasama rin sa cast ng Together Forever sina Steven Silva, Enzo Pineda, Sef Cadayona, Janine Gutierrez, Matthew Mendoza, Bernadette Allyson, Patricia Ysmael, Gerald Madrid, at Jackie Lou Blanco. Mula ito sa direksyon ni Dick Lindayag.


TEAM-UP WITH BARBIE. Tinanong din si Elmo kung hindi ba nagseselos ang JuliElmo fans dahil parang itinambal siya kay Barbie Forteza sa comedy series na Tweets For My Sweet.

“Hindi naman po sila nagselos,” sagot ng young rapper-actor.

“Naintindihan naman nila na it’s work and excited naman silang abangan itong Together Forever.

“Yung sa amin po naman ni Barbie sa Tweets For My Sweet, doon lang naman ‘yon sa show. May tina-try out lang sila sa amin ni Barbie.

“I have no problem with that naman kasi it’s work and we have to be professional about it.

“Si Julie din naman po, she was paired to Jake Vargas sa Tween Hearts. Okey din lang because trabaho iyon, e.

“The JuliElmo fans understands and kahit na sino ang i-pair sa amin, they will still support us pa rin.”

LAUNCHING MOVIE. Tungkol naman sa launching movie nila under GMA Films, ang Just One Summer, hindi pa raw tapos ang maraming malalaking eksena nila.

Nagkaroon din ng conflict sa schedules nila at sa iba pang kasama sa pelikula, kaya wala pa raw masabing final playdate hanggang hindi pa ito natatapos ng buo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Julie Anne, “Inabot na nga po kami ng rainy season.

“Puro kasi kami location ‘tapos nagkaroon ng problema sa schedules.

“Pero inaayos naman po nila para matapos kaagad ang movie namin ni Elmo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN