Sarah Lahbati denies romance rumors with John Prats, admits to a “special” liking for Alden Richards

Sarah Lahbati describes her friendship with Alden Richards as “sobrang special.” She adds, "At napakabait niyang tao. Bihira kang makakakita ng gano’n kabait at katotoong tao.”


Halos kalalabas lang ng balitang break na sina Bianca Manalo at John Prats kaya lalo sigurong nagtataka si Sarah Lahbati kung bakit inili-link siya kay John.

Wala raw siyang maisip na basehan para maugnay sila sa isa’t isa.

“Nagulat nga ako do’n,” sabi nga niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas nuong Linggo.

“Actually, wala naman po. Walang gano’n.

“Nagkakilala lang kami sa Bench fashion show, yung ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

“Pero since then, never ko pa po siyang nakakausap. Ni text, wala po. Walang anumang communication.”

NEW RUMORS. Isa pang inili-link sa kanya ngayon ay si Alden Richard. Pero paglilinaw ni Sarah, close friends lang daw sila.

Pero aware ba siya sa balitang may matinding crush sa kanya si Alden?

“Totoo?” sabay ngiti ng Kapuso star.

“Uhm… sobrang special sa akin si Alden. Kasi matagal ko na siyang kilala. At napakabait niyang tao.

“Bihira kang makakakita ng gano’n kabait at katotoong tao.

“So naa-appreciate ko yung mga ginagawa niya na hindi napapansin ng ibang tao.

“Yung mga maliliit na bagay. And… thankful ako na we’re friends.”

Ano naman ang masasabi niya tungkol sa friendship nila ni Derrick Monasterio na dati’y aminado na nanliligaw sa kanya at ngayo’y parang hate na hate daw na matanong tungkol sa kanya?

“Magkaibigan pa rin po kami,” napabungisngis na reaksiyon ni Sarah.

“Siguro, kaya ayaw niyang natatanong patungkol sa akin, kasi pare-pareho lang ang tanong.

“Kumbaga, pare-pareho rin lang kami ng sinasabi,” sabay tawa niya.

“Paulit-ulit na lang. E, wala naman talagang issue o anuman sa aming dalawa.

“Gano’n pa rin kami—we’re close friends. Wala namang nangyaring problema or away.

“Magkaibigan pa rin po talaga kami.”

NEW ROLE. Sa ngayon, excited si Sarah dahil magsisimula nang umere ang bagong serye ng GMA 7 na Makapiling Kang Muli sa Lunes, June 4.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dalawa sila ni Carla Abellana na leading lady dito ni Richard Gutierrez.

“Super-saya naman ng taping namin. Actually nakarami na kami ng nai-shoot.

“At malaking karangalan para sa akin na naisama ako sa cast ng show na ito.

“Something new para sa akin ang role ko rito. Laki akong Maynila. I come from a broken family then mapapadpad ako sa rancho.

“And then, mami-meet ko si Richard. Pero boyfriend ko si Mark [Anthony Fernandez].

“Tapos no’ng napunta ako sa rancho, si Carla naman, pumunta ng Maynila.

“So ang daming twist. Ang daming kaguluhan na mangyayari.

“Kami nga nasa-shock din sa script. Na week one pa lang, ang dami nang mga kaganapan.

“Week four na ang sunod naming ite-tape na sobrang tindi and exciting.”

DARING. May kissing scene sila ni Richard?

“Meron. Pero hindi pa nakukunan.”

First kissing scene niya ba ito?

“Hindi. Sa Boy Pick-up The Movie, may kissing scene din kami ni Dennis [Trillo].

"So… hindi na ako nati-tense kung pakikipag-kissing scene ang pag-uusapan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN