Bernadette Allyson hints at entering politics just like husband Gary Estrada

Bernadette Allyson keeps an open mind as far as going into politics is concerned. Being married to Gary Estrada, who belongs to a political family, she feels she has no choice but to follow Gary’s inclinations. She says: “Siya ang napangasawa ko. Mahilig siya sa politics. Ang pamilya niya, dugo niya, pulitiko."


Mahigit sa isang dekada na rin na ang pagsasama bilang mag-asawa nina Gary Estrada at Bernadette Allyson.

Biniyayaan sila ng tatlong anak na babae at masasabing sa kabila ng pagiging mga artista, naging matatag ang kanilang kasal.

Magkasamang dumating sina Gary at Bernadette sa Café Romulo noong May 26 ng gabi at nakakuwentuhan sila ng ilan sa entertainment press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

ROLLER COASTER RIDE. Kauuwi lang din nila mula sa isang buwang bakasyon sa Amerika.

“Masaya. But like any other marriages siguro, parang ano kami, roller coaster ride.

“Pero very thankful ako dahil si Gary, siya yung type of husband na naniniwala talaga siya sa sacredness of marriage.

“Sinasabi niya sa akin na yung paghihiwalay is not an option anymore kasi kinasal na kami.

“Parang exert talaga all effort to make it work. Parang hindi yung kada mag-aaway, aalis na ako. Ayaw niya ng ganoon.

“Kaya kahit may argument kayo to the point na gusto mong umalis or maglayas, ayaw niya ng ganoon.

“Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na, ‘Hindi tayo sa option na hiwalay… Wala na dapat yung option na yun.’”

PETTY DISCUSSIONS. Although wala pa naman daw silang matinding pinag-awayan.

“Naalala ko lang yung pinag-awayan namin before, I think it was the third time siyang tatakbo ulit sa politics.

“Ayoko na siyang patakbuhin. Pero siya, stubborn yan, e—Taurus.

“At the same time, nasa dugo niya ang politics and may goal siya in mind…

“Na kahit na sabihin ko o ng ibang tao na huwag ka nang tumuloy—pangatlo na yan—kasi mayor pa rin noon…

“Itutuloy pa rin niya kahit na sabihin ko pa noon na, ‘Tatakbo ka ulit, bawal kang tumanggap ng work.’

“Ilang buwang hindi puwede mag-showbiz, e. Siya rin naman, there was a time na may mga frustration siya sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He wants a certain role o gusto niya ng malaking comeback ulit sa showbiz, hindi mangyari kasi sabi ko nga sa kanya, ‘Paudlot-udlot.’

“Every three years, whoever it is at that time, napa-para rin. Kapag election, hindi na puwedeng tumanggap.

“E, tukso pa naman, kung kailan hindi puwede, saka may pumapasok.

“Tinatanggihan niyang talaga kasi, ipa-prioritize niyang talaga ang campaign.

“I think, that was the major thing na napag-diskusyunan namin ng paulit-ulit. The rest of our arguments, mga petty.”

WHIRLWIND MARRIAGE. Naging sila ng isang taon, nag-break at nang muling manuyo si Gary sa kanya, nag-propose na ito agad, at sila’y kinasal.

“Akala nga nila noon, buntis ako kaya ako nagpakasal. Pero ang nangyari sa akin, si Icee, talagang honeymoon baby.

“June kami kinasal, July ako nabuntis. So, it really depends on the people getting married.

“Kasi, na-prove ko naman na si Gary, seryoso."

Kilala si Gary noong binata na lapitin din ng mga babae at na-link na rin na ito sa iba’t ibang aktres. May pagkakataon ba na bumigay si Gary?

“Wala, sa pagkakaalam ko ha? Minsan, tinatanong ko siya baka naman meron talaga na hindi ko lang alam.

“Well, whatever it is, sana hindi ko malaman at sana, hindi ka magpahuli. Feeling ko naman, wala talaga.

“Kasi, mararamdaman mo naman yun sa kilos niya, sa galaw niya.

“Alam ko naman kung saan-saan siya nagpupunta at mararamdaman mo naman yun talaga.”

POLITICAL FAMILY. Sinabi ni Gary dati na kung sakaling matutuloy siya sa pagtakbo sa national position, gusto niyang si Bernadette ang hahalili sa posisyon niya bilang Board Member sa Quezon [province].

“Pinag-uusapan namin but my real concern is the kids. Talagang hindi lang ako sanay sa politics,” sagot ni Bernadette tungkol sa posibilidad.

“Dati nga, kung makakaiwas sa politics, iiwas ako. Kaya lang, I can’t do anything about it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya ang napangasawa ko. Mahilig siya sa politics. Ang pamilya niya, dugo niya, pulitiko.

“Ito naman, hinihiling niya sa akin kasi, wala namang ibang hahalili sa akin kung hindi siya lang.

“Wala naman, e, sino ang pagkakatiwalaan niya, wala naman? She only has one sister na may pamilya rin.

“Si Kiko [Estrada] kung puwede sana, hindi pa naman, bata pa naman. So, it all points to me.

“Parang sayang naman ang mga vision niya, mga plano niya if hindi ko siya matulungan doon.

“But my advice to him, dapat yung mga moves natin tama. So, we’re keeping our options open.

“Hindi naman niya sinasabing tatakbo siya sa mataas na posisyon agad, pero, may mga nag-aalok.

“So, iniisip niya. Kaya sinasabihan niya ko, nire-ready niya ko.”

SHOWBIZ CALLING. Kailan lang, may offer kay Bernadette para sa isang teleserye, kaya lang, may kissing scene. Payag ba siya at si Gary?

“May kissing scene yata, so, iko-confirm ko lang. May storycon na kami dapat sa Tuesday.

“Parang they asked me kung puwede yata na may kissing scene.

“Actually, akala ko hindi na tuloy kasi, matagal silang hindi nag-text hanggang yesterday, may nag-text sa akin na storycon, so, tumawag ako agad.”

Kapag may kissing scene, hindi na raw talaga niya matatanggap at hindi rin daw papayag si Gary.

“Kahit nga smack, parang ganoon. Siguro kasi, never ko naman siyang ginawa.

“Never naman akong nag-kissing scene noong hindi pa kami kasal, as in—never.

“Kaya ako nga, kahit sa sarili ko, iniisip ko, kaya ko kaya? Kasi siyempre, may asawa na ko, alam ko na baka mailang siya.

“I don’t know. Ngayon ko nga lang na-prove na nagseselos pala ang aking asawa kasi, akala ko hindi siya seloso.

“Kasi, hindi naman seloso yan. Hindi siya nagbabawal, kahit sa damit. Siya, anything goes naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ngayon lang siya nag-ano [nagbawal] na, walang kissing scene.”

Kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto niyang mag-host ng live show. Ang hosting ang nami-miss niya.

“Given a chance, kahit once-a-week lang na hosting, masaya na ko. I don’t have to be super busy.

“Sana, I want to get into a magazine or lifestyle show or morning show. Yung mga ganoon.

“Kaya siguro hindi rin ako masyadong nalulungkot o nanghihinayang na wala akong regular show kasi, parang actually, hindi ko nami-miss ang puyat.

“Ang nami-miss ko lang, you see them every week, nagkakaroon kayo ng bonding. So, yun ang nakaka-miss—bonding with your co-actors.”

POLITICS VS. SHOWBIZ. Sa huli, kung papipiliin si Bernadette, saan niya mas gusto na mag-concentrate ang asawa niya—sa showbiz o sa pulitika?

“Ngayon, I want him to be a successful politician.

“At his age naman, even yung mga kasabayan niya, kasi sa showbiz, parang may expiration date rin.

“Suwerte na rin nga na nandiyan pa rin siya. He’s been given nice roles din pagdating sa mga teleserye.

“Pero kasi, kilala ko si Gary, he wants to achieve something more. Narating na niya dati yung stardom.

“So, parang steady na lang din ang showbiz sa kanya. Sa politics, marami pang challenges at nakita ko rin na sobrang sipag niya.

“Hindi dahil asawa ko siya, hindi dahil si Gary siya.

“That’s why before, noong sinasabi nila na ang mga artista walang karapatang mag-politics, ngayon, naapektuhan ako.

“Hindi nila alam ang trabahong ginagawa ng mga artistang nasa politics.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN