Carla Abellana on “hot scenes” with Richard Gutierrez in Makapiling Kang Muli: “Konti pa lang ’yan, later on mas marami pa.”

Carla Abellana dreams of portraying a character who’s obsessed: "E, kasi Psych [psychology] major ako so parang ang sarap lang mag-research. So, iba-iba. Not necessarily obsessed sa lalaki, puwede sa babae na gustong gayahin, gusto ko yun.”


Sa trailer pa lang ng Makapiling Kang Muli, ang bagong soap opera ng GMA-7, matindi na ang kissing scenes nina Carla Abellana at Richard Gutierrez.

“Konti pa lang yan, later on mas marami pa,” ang natatawang sinabi ni Carla.

PERMISSION. May paalaman bang naganap sa boyfriend niyang si Geoff Eigenmann?

“Wala, hindi naman kailangang ipaalam.

“Kapag may soap opera naman, siyempre kasama yun, that’s part of your work, that’s part of the whole soap opera.

“Hindi maiiwasan na may kissing scenes at kung anu-ano pa.

“Normal lang iyon, hindi kailangang ipaalam.

Maganda ang leading lady ni Geoff sa afternoon soap na Kasalanan Bang Ibigin Ka.

“Si Jackie Rice! Oo at ang payat-payat.”

Hindi ba siya nagseselos?

“Hindi naman. Magkakilala kami ni Jackie, she seems like a pleasant person, so wala naman, hindi naman ako kinakabahan.”

PATIENT AND SERIOUS ACTOR. Kumustang leading man si Richard Gutierrez?

“Okay, in all fairness. Napakahaba ng pasensiya niya, napaka- serious niya.

“Pasensiya, kasi siyempre with the shots of Direk Ricky [Davao], like our big scenes, ilang takes inaabot e, ilang oras inaabot para lang sa isang eksena.

“Wala. Hindi mo makikitang umaalma si Richard or nagrereklamo siya.

“Very patient and he’s very, very serious about his craft.

“Talagang he looks at all the details tapos gusto niya, perfect lahat.

“So very patient, very serious sa pag-arte, napaka-professional, in all fairness.”

WORK ADJUSTMENTS. Ang Kung Aagawin Mo Ang Langit ang huling full-length project ni Carla sa GMA at pangalawang full-length project sa primetime; ang una ay Rosalinda.

“Although nag-appear ako sa mga short roles sa other primetime soaps.”

May mga adjustments ba siyang ginawa dahil medyo matagal na rin ang Rosalinda?

“Walang adjustment, pareho lang naman magtrabaho sa panghapon na soap opera at sa panggabi.

“Mas mahirap pa nga sa panghapon, e.

“Because you have less taping days and there are less artists so mas marami kang eksena, mas may effort, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So in terms of adjusting hindi naman masyado, walang masyadong difference.”

MARRIAGE PLANS. Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kasama si Michael de Mesa, ang ama ni Geoff, sa presscon ng Kasalanan Bang Ibigin Ka. Nalaman ng PEP na kung magpapaalam daw si Geoff na pakakasalan na nito si Carla ay papayag daw si Michael.

“Magpaalam din siya sa family ko!” sabay-tawa ni Carla.

“Dapat! Siyempre dapat formally, if you have plans of getting married, you ask for permission from the family of the girl also, di ba?”

Papayag ba siya?

“Ayyy, hindi pa, parang hindi pa. Unang-una, alam ko namang hindi pa magpo-propose si Geoff.

“Pangalawa, kung magpo-propose man siya, it’s going to be a long engagement.

“If I say yes man lang… kasi ang saya ko sa trabaho ko, e.”

Gaano katagal ang long engagement?

“How long? Siguro more than a year. Puwede naman, kasi nag-e enjoy akong masyado sa trabaho ko.”

Sa isang taon na yun, kasama na ang pagpaplano ng kasal?

“Puwede na rin, iyon na rin para hindi rin madalian, hindi ngaragan… Makakapag-concentrate pa rin sa trabaho.”

Kailan kaya sila magpapakasal?

“Matagal pa, mga three years pa siguro yan.”

MEN’S MAGAZINE PICTORIAL. Hindi pa nagpo-pose para sa FHM si Carla, although na-offer-an na siya.

“I think there was an offer before, I don’t remember if it was two years ago, or three years ago.

“Tinanggihan namin. Kasi bukod sa hindi talaga ako ready, ayaw talaga ng lola ko at ng daddy ko, ayaw nila ‘yan.

“At pinramis [promised] ko ‘yan sa daddy ko at sa lola ko—hindi ko ibe-break yung promise ko.”

Kahit siya ang papiliin ng concept?

“Hindi na lang, no thanks! Unless fully-clothed, di ba? E, hindi puwede iyon so hindi mangyayari yun.”

HORSEBACK RIDING. Nag-aral mangabayo si Carla para sa Makapiling Kang Muli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes thankfully, naka-ilang lessons din kami, kasi iba, e.

“First time kong mangabayo… professionally, ha?

“Kung meron man akong experience nung bata ako, yung sa Tagaytay, or Baguio lang.

“Ito, first time natuto ako, nagkaroon kami ng ilang lessons.

“Kasi hindi biro yung mga kabayo, hindi iyan yung mga kabayo na nakikita mo na diyan-diyan lang.”

LOYALTY. Masaya si Carla na nanatili siya sa GMA…

“Of course! Very happy. At least makakatulog ako nang maayos gabi-gabi knowing that I am in good hands, that I have regular work.

“Na I’m still with people I love di ba? Hindi ko kailangang mag- adjust, ito pa rin yung mga familiar faces so, masayang-masaya.”

Three years ang contract ni Carla sa Kapuso Network.

Naalarma ba siya sa balitang bilihan between GMA and TV5?

“Nagulat ako the first time I found out na ‘Aba, puwede palang bilhin ang isang network!’

“Napakalaking network, ang laki ng worth.

“But I really don’t know kung anong nangyayari, e. Wala akong alam diyan wala rin akong say diyan.

“Basta maalagaan kaming lahat na mga artista at mga empleyado, e, di iyon lang.

“Yun lang ang importante di ba? Na alaga pa rin ang lahat.”

DREAM ROLE. Carla’s dream role…

“Gusto kong maging obsessed na tao.

“Na puwedeng obsessed sa tao, sa bagay, kung anuman, sa babae, sa lalaki, sa magulang, basta yung obsessed.”

Bakit iyon?

“E kasi Psych [psychology] major ako so parang ang sarap lang mag-research.

“Kung mabibigyan ako ng ganung role, ang sarap mag-research dahil meron naman akong mga materials.

“’Tapos ang sarap paglaruan yung obsessed na character.”

Tulad daw ng role ni Leighton Meester sa The Roommate, at ng mga pelikulang Fatal Attraction at Single White Female.

“So iba-iba, not necessarily obsessed sa lalaki puwede sa babae na gustong gayahin, gusto ko yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MISSING HER PET. Kung meron siyang gustong sabihan ng “makapiling kang muli,” sino?

“Puwedeng hindi tao? Gusto ko yung aso ko. Namatay siya three years ago, si Rocky—terrier siya.

“Nung nakatira pa ako sa house ng lola ko yun. Twelve years old siya nung namatay siya.

“Best friend ko talaga siya, baby ko yun. Very unexpected ang death niya, wala ako sa bahay.

“Umiyak ako nun, hagulgol talaga ako. Minsan nga nagagamit ko pa sa eksena iyon e, ‘pag naaalala ko siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN