Pauleen Luna says she’s not threatened by Solenn Heussaff joining Eat Bulaga: "Magkaibigan kami ni Solenn."

Pauleen Luna refuses to comment on the status of her relationship with Eat Bulaga! co-host Vic Sotto. Now that Solenn Heussaff is joining Dabarkads next week, there are rumors that Vic may pursue the new girl. Pauleen comments: “Kung ili-link man siya, I mean, anyone can like anyone. Hindi ko naman control kung sino ang magustuhan kanino. It’s out of my control, it’s out of anyone’s control."


Pinasyalan kahapon ng PEP ang bagong bahay na ipinapatayo ni Pauleen Luna sa Tierra Pura Subdivision.

Proud ang aktres dahil ang laki raw ng pinaghirapan nilang buong pamilya sa bahay na iyun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Tantiya ni Pauleen, isang buwan pa bago nila malilipatan ang naturang bahay.
Halos isang taon daw nilang ipinagawa ang bahay, at ang laki raw ang hirap nila rito dahil ito raw ang kanilang dream house.
Nang napabalita ang pagpapatayo ni Pauleen ng bahay, kaagad nabalitang si Vic Sotto daw ang gumastos nito.
Napagbintangan tuloy si Paulenn na gold digger dahil malaki na raw ang nabibigay sa kanya ng main host ng Eat Bulaga!
“Nakakalungkot lang kasi hindi yata nila alam kung gaano ako kasipag magtrabaho, at gaano ako kasinop sa pera,” pakli ng 24- anyos na aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
“I really keep my money intact. Tingnan niyo naman everyday, nagtatrabaho ako, tapos tumanggap pa ako ng soap.
“I really work hard, lahat na ginagastos ko sa pagpapatayo ng bahay is really from me and my family,” patuloy niyang pahayag.
Ipinagmamalaki pa nito na konti lang nga raw ang naiambag niya sa mga gastusin sa pagpapatayo ng bahay dahil karamihan doon ay mula sa magulang niya.
“I can proudly say na lahat na ginastos dito sa bahay—it came from my Mom and my Dad, with the little bit of my help na pinilit ko pa na tumulong ako.
“Sila talaga, and I can proudly say na walang ibang tumulong sa amin dito aside from kami-kaming pamilya lang talaga," aniya.
Ang buong third floor ng bahay ay nilaan sa kuwarto niya at sa walk-in closet lang daw napunta ang pera niya.
Malaki nga raw ang pasasalamat niya dahil niregaluhan pa siya ng Renew Placenta (na ini-endorse niya) ng bagong kama. Kaya nagtataka siya bakit pinipilit daw ng ibang tao na si Bossing Vic ang gumastos nito gayung wala raw talaga itong naibigay kahit singko.
“I really don’t know, like what I’ve said before, as long as alam ko naman na wala naman akong ginagawang masama. Hindi naman totoo ang ibinibintang sa akin, e di okay lang ako,” pahayag pa nito.
ONLY A TV SET. Sa pagkaalala raw niya ay isang television set ang naibigay ni Vic para sa bagong bahay niya, na regalo sa kanya nuong nakaraan niyang kaarawan.
Pagdating kay Vic, tipid na ang mga sagot ni Pauleen. Wala pa rin siyang sagot sa tunay na relasyon nila ngayon.
Ayaw rin niyang pag-usapan ang isyung tutol daw ang mga magulang niya sa relasyon nilang dalawa.
“Sila naman, they just leave everything up to me,” sagot nito.
“Kung saan ako masaya dun din sila. Pero sometimes, merong mga below the belt. Of course, they talk to me about it. I try to ease whatever is bothering them.
“Mawawala konti, tapos balik na naman. They’re quite bothered, but again, alam naman nila kung ano ang totoo. So we stick to that,” dagdag pa niyang pahayag.
Tinitiyak naman daw niyang hindi madi-disappoint ang magulang niya sa kung ano ang desisyon nito pagdating sa kanyang love life.
“I will not disappoint them. I really think of the decisions I make in life. Hindi katulad nung dati kung anu-ano na lang ang napagdesisyunan.
“I think nagma-mature na rin ako na marami na rin naman akong natutunan. Kung ano ang napagdesisyunan ko napag-isipan ng matagal.
“Ang parents ko naman kung saan ako masaya, dun din sila as long as wala naman akong ginagawang masama,” saad pa nito.
Nahihiya lang daw siya sa mga magulang niya dahil nga sa pambibintang sa kanya na hindi naman totoo.
“Sa totoo lang, nahihiya na talaga ako sa magulang ko kasi sila talaga ang affected.
“Ako, hindi naman naapektuhan because maybe nasanay na rin siguro. Pero nakakahiya kasi I know and we know for a fact kung ano ang totoo.
"Tapos kung anu-ano pa ang naririnig namin, tapos minsan the way people say it with conviction pa, na alam nila what’s going on.
“But I guess it’s really an unfair business [because] you get judged easily, sana naman maging bukas ang mga mata ng mga tao.”
ON SOLENN. Dagdag pang intriga kay Pauleen ay ang nalalapit na pagpasok ni Solenn Heussaff sa Eat Bulaga!
Sa Lunes na ito magsisimula bilang bagong Dabarkads ng naturang noontime variety show, pero kay Pauleen agad ito nagkaisyu.
Naiintriga agad na baka magustuhan din daw ito ni Bossing Vic at baka maging threat ito kay Pauleen na ika-insecure ng huli.
Nagulat din si Solenn sa intrigang iyan dahil magkaibigan daw sila ni Pauleen at malabong maintriga raw siya kay Bossing Vic, dahil may boyfriend na nga raw siya.
Pahayag ni Pauleen: “First of all, magkaibigan kami ni Solenn.
"Nung sa party ni Kuya Bong [Revilla] for Lakas-CMD, magkasama kami sa dressing room.
“Of course kaming magka-Dabarkads one addition to the family is good. Masaya kami, sobrang nagkakasundo kami lahat.
"We’re very happy every time na may sumasama sa amin. Not because may sumama sa amin, nagkakaintriga. Especially Solenn, she is a very nice girl.
“Kung ili-link man siya, I mean, anyone can like anyone. Hindi ko naman control kung sino ang magustuhan kanino. It’s out of my control, it’s out of anyone’s control,” ang ligtas niyang sagot.
Bukod sa Eat Bulaga! ay excited si Pauleen sa role na ginagampanan nito sa bagong telefantasya ng GMA-7 na My Daddy Dearest.
Nagsimula na rin siyang mag-aral ng Culinary Arts sa Cuisinier Bistro and Culinary Studio dahil gusto raw niyang matutong magluto para sa dinesign niyang kitchen sa kanyang bagong bahay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN