Sam Concepcion on working with Ogie Alcasid and Eugene Domingo: "Just by watching them portray their roles, marami na ako kaagad nakukuha.”

Sam Concepcion takes the lead role in the musical and romantic comedy, I Do Bidoo Bidoo, featuring the songs of the Apo Hiking Society. Sam says he gets to sing the most number of songs—eight all in all—including "Blue Jeans," "Syotang Pa-class," "Ewan," and "Panalangin."


Nakagawa na ng ilang pelikula si Sam Concepcion, pero maituturing niyang biggest break ang pelikulang, I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila, sa ilalim ng Unitel Productions.

Bukod kasi sa pagiging isa sa mga bida nito, bigatin pa ang mga kasama niya sa cast na kinabibilangan nina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla at Eugene Domingo.

“Yes, I can say this is the biggest film I’ve ever done. Tapos nandiyan pa yung big cast namin na puro big names, hindi lang sa pelikula kundi pati sa music, di ba? And this is my first time to work with Direk Chris Martinez,” sabi ni Sam nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng I Do Bidoo Bidoo.

Nagkuwento rin si Sam tungkol sa kanyang role at takbo ng istorya ng pelikula.

“Ako si Rock Polotan. Ako yung anak nina Kuya Ogie at saka ni Ms. Uge [Eugene]. I play the lead role dito sa movie along with Tippy dos Santos as Tracy, yung girlfriend ko.

"Ngayon our families clash kasi yung parents ni Tippy, sina Sir Gary at Ms. Zsa Zsa, mayaman silang pamilya. Kami naman hindi.

“Hindi pabor yung parents niya na makasal kami. Kasi nabuntis ko dito si Tracy e, so kailangan naming ipakasal.

"So, yung story dun umiikot sa pag-clash ng dalawang families.”

May pressure ba sa kanya dahil first time niyang maging bida sa isang malaking pelikula?

“Yeah, oo naman po. Definitely, may pressure kasi malaki yung project, malaki yung role.

"Siyempre may pressure, pero every time I go on set I just give my 100 percent every time. Binibigay ko kung ano yung expected of me.

"I really do my best. Alam ko naman na given this production, the artists in it, we’re gonna do well.”

WORKING WITH VETERANS. Kumusta naman katrabaho sina Ogie at Uge?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya sa set lagi. It’s really very fun. Iba yung experience e.

"Just being on the set with these people, mga veterans, di ba? Just by observing them, just by watching them portray their roles, marami na ako kaagad nakukuha.”

Dahil nakakasama na ni Sam sina Gary at Zsa Zsa sa Sunday noontime variety show ng ABS-CBN, ang ASAP, wala nang ilangan sa set.

Si Ogie naman daw ay nakakasama na niya sa mga concert. Si Uge naman ay kakilala na rin niya.

Pero hindi ba siya na-intimidate dahil pawang malalaking pangalan ang mga ito sa industriya?

“Sabi ko nga, I’m working with really big names in the industry, mga veterans pa. But yun nga, parang they were so welcoming.

"They made me feel comfortable to be in the scene with them. Kaya naging madali for me to come out of my shell and perform.”

Bilang isang musical romantic comedy, tampok sa I Do Bidoo Bidoo ang mga kanta ng Pinoy music icon group na Apo Hiking Society. Ayon kay Sam, siya raw ang pinakamaraming kinanta sa movie na umabot sa humigit-kumulang walong kanta kabilang na ang "Blue Jeans," "Syotang Pa-class," "Ewan," "Panalangin," at iba pa.

Ano ang naging paborito niyang Apo song?

“Siguro yung mga talagang sikat like yung ’Panalangin’ at ’Ewan.’ Para kasing they transcended generations na e.

"From yung generation na lumabas ito, to my generation hanggang doon sa mga mas batang makakapanood nito.”

ON LOVETEAM AND LOVE LIFE. Kumusta naman sila ng ka-loveteam niya sa movie na si Tippy?

“Good, mabuti naman. I think I couldn’t ask for a better partner for this movie than Tippy.

"Because for one thing, I’ve known her for a long time na—since I was a kid. Isa yun kaya kumportable kami sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Secondly, she has an amazing voice. She sings very well. We’ve worked together sa theater.

"So, I think it’s perfect din para sa kanya yung role niya rito. I guess, she’s one of the most genuinely nice people I know in the industry talaga.”

Marami na raw silang pinagdaanan ni Tippy bilang magkaibigan. Pero ang friendship ba nila ay hindi pwedeng mag-level up sa isang romantic relationship?

“Tippy is definitely special to me. Kasi most ng mga ginawa ko in the early stage of my career was with her.

"Then nagkasama kami ulit sa Peter Pan. Well, yun lang siguro ang masasabi ko.”

Bakit ba hindi pa siya nagla-love life?

“Hindi ko naman masasabing hindi. Wala naman akong sinasabing hindi,” ang natawa na lang sagot ni Sam.

So, ibig sabihin meron pala? Kaya inusisa ng PEP si Sam tungkol dito. Pero tanging ngiti at tawa lamang ang isinagot ng young actor-singer sa amin.

May kinalaman ba ang diumano’y pagiging possessive ng fans kaya mas pinipili niyang maging tahimik tungkol sa kanyang love life?

“Hindi naman. Sigurado naman ako na my fans will be there to support me kahit, you know, sino pa mang girl yun.”

NOT IN A HURRY. Sa kabila ng malaking role ni Sam dito sa I Do Bidoo Bidoo, marami naman ang nagsasabi na kailangan pa niyang makakuha ng big role sa telebisyon para mas mapatunayan niya ang kanyang pagiging artista.

Hindi ba siya napu-frustrate na hindi pa siya nabibigyan ng lead o di kaya’y title role sa telebisyon?

“Actually, I just feel really blessed to have yung mga projects na ginagawa ko ngayon. I really don’t see any reason why I should be frustrated.

"Actually, this year [and last year] have been great for me.

“Kasi parang nagawa ko lahat e, I did theater [Peter Pan], tapos I have an album out under Universal Records and I’ll be doing an album again this year. That’s on the music side.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I just did two films last year, yung Way Back Home, tapos may entry sa MMFF. Sa TV, I did Angelito, tapos magbu-book two ulit kami ngayon.

“So, parang nagagawa ko siya lahat ngayon. Hindi katulad dati pag may teleserye ako, yun lang ang ginagawa ko.

"Pag break, puro album lang. Pero ngayon nagagawa ko lahat. So, I’m happy and contented.”

Hindi naman daw siya naiinip na mabigyan ng title role sa isang teleserye.

“Well, I guess it will come. Plus, I’m doing this movie and it’s very exciting.”

Sa tingin niya ba makakatulong ang I Do Bidoo Bidoo para mas umangat pa ang career niya?

“Oo naman, of course, definitely. With a movie like this, parang sino ba ang hindi mapapansin, di ba?”

Sa August 15, 2012 daw ang target playdate ng I Do Bidoo Bidoo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN