Part 1. Zoren Legaspi on meeting BB Gandanghari for the first time: “Handa ako, hindi ko lang alam kung paano n’yo kami i-introduce sa isa’t isa.”

In a VTR aired on a showbiz talk show on June 2, 2012, Zoren Legaspi (right) explained why it’s time for him to meet BB Gandanghari (left), who was once married to Zoren’s partner, Carmina Villarroel: “Sooner or later magko-cross naman talaga ang paths namin, so sabi ko might as well do it now kaysa yung mga awkward moments na nasa party kami na hindi nagpapansinan.”


Kahapon, June 2, sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5, naganap ang kauna-unahang paghaharap nina Zoren Legaspi at BB Gandanghari, mga taong parehong may kinalaman sa buhay, past and present, ni Carmina Villarroel.

Maituturing na isang pambihirang pagkakataon ang nasabing pag-uusap at paghaharap dahil inakala ng lahat, noong unang nag-guest ng live si BB sa Paparazzi, ay magkikita na sila ni Zoren. Hindi ito nangyari dahil halatang umiwas si Zoren.

Sa unang bahagi ng video tape recording (VTR) na ipinalabas ng show, kinuwento ni Zoren na ito na ang tamang pagkakataong magka-usap na rin siguro sila ni BB at magharap dahil, “Sooner or later magko-cross naman talaga ang paths namin, so sabi ko might as well do it now kaysa yung mga awkward moments na nasa party kami na hindi nagpapansinan.”

Ayon naman kay BB, “Hindi ko naisip na magkakaroon kami ng pagkakataon na magkita nang personal, wala akong nakikitang rason to do it!”

Tanong naman ng Paparazzi kay Zoren kung napag-usapan ba nila ito ng asawa niyang si Carmina at ito ang sagot niya, “Oo nasabi ko sa kanya, ’Matutuloy na ha.’

"Well, lagi naman kasing matutuloy e, pero hindi naman talaga nangyayari pero ngayon, sa tingin ko talagang mangyayari na. Wala naman siyang sinabi sa aking ’Good luck.’”

Pero ayon kay BB, “I really don’t know what’s gonna happen kapag nagkaharap kami, I know it’s gonna be awkward.”

Sa unang bugso ng istorya ng napipinto nilang pagkikita ay naitanong din ng Paparazzi kung handa na nga ba silang dalawa na magharap.

Sagot ni Zoren, “Nasi-CR ako, ewan ko kung bakit. Handa ako, hindi ko lang alam kung paano n’yo kami i-introduce sa isa’t isa.”

Sabi naman ni BB, “Is he ready?”

Sabay tingin sa camera na parang kinausap si Zoren, “Are you ready?”

CLICK HERE to read Part 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN