Part 2. BB Gandanghari on her sexuality: “My sexuality is an orientation; it’s not a preference..."

BB Gandanghari (left) explains her sexuality to Zoren Legaspi (right) in a taped interview aired on a showbiz talk show on June 2, 2012. In the interview, BB revealed there were three people she wanted to "come out" to. Her mother, the family, and former wife Carmina Villarroel, who is the current partner of Zoren. In reality, BB was only able to speak to Carmina.


Sa pangalawang bugso ng istorya ng Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5, ipinakita na nga ang pagdating ni BB Gandanghari sa location ng nakatakda niyang panayam kay Zoren Legaspi. Naganap ang kanilang panayam sa Napa Bar & Restaurant along Scout Borromeo sa Quezon City noong May 30, 2012.

May inihandang bouquet of flowers ang show para kay BB. Ayon sa isang insider ay pinagdiskusyunan ni Zoren at ng staff kung sa huli ba ng interview ito ibigay o mismo sa kanilang pagkikita.

Pero nanaig daw ang nais ni Zoren na ibigay ang bulaklak kay BB bago pa man ang kanilang interview dahil gusto daw niya na makapalagayang loob na niya ang kontrobersiyal na si BB Gandanghari, ang bagong katauhan ng namayapang si Rustom Padilla (ayon mismo kay BB).

Sinimulan ni Zoren ang kanyang interview, “Good afternoon mga Kapatid! I don’t know where to start, matagal nang hinintay ’to, pero urong-sulong ang communication kung magaganap ba o hindi.

"Pero ngayon, believe it or not it’s going to happen… and I’m here right now with Madame BB Gandanghari.”

Simpleng "Hello" lang ang naging tugon ni BB sa mahabang introduction ni Zoren, kaya naman nag-follow up question agad si Zoren: “Is that correct? OK lang ba sayong tawagin kitang Madame BB Gandanghari?”

Na sinagot naman ni BB ng, “Pwede bang BB lang?” sabay nagkatawanan na ang dalawa.

Dagdag pa ni Zoren, “Kasi, unang-una, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Papaano ko ba... how do I [address] her?”

Pero para kay BB, “No thank you, but yeah, BB is fine.”

Sabi naman ni Zoren, “This is really the first time na magkikita tayo.”

Pagsang-ayon naman ni BB, “Tama! Tama! Actually, tinanong ako kanina dun sa pre-interview. Sabi ko ’Hindi pa kami nagkita. He has never met Rustom and I guess he’s gonna be meeting BB,’ so yeah.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Medyo palagay na nga ang dalawa sa kanilang paghaharap kaya nagsimula nang magtanong si Zoren.

NO RESENTMENTS. “...Nanay Cristy [Fermin] asked me, ’Kung iinterbyuhin mo si BB Gandanghari, ano yung unang itatanong mo sa kanya?’

"Out of nowhere I said, ’I want to know kung meron siyang sama ng loob sa akin or hinanakit.’ Or something... na hindi mo pa nasasabi sa akin.”

Mabilis naming sinagot ni BB si Zoren ng, “Honestly wala, kasi sa totoo lang, wala ka naman talagang kinalaman dun sa kung ano man yung nangyari sa past ni Carmina at ni Rustom."

Si Carmina Villarroel ang dating asawa ni Rustom.

"At kung meron akong nararamdaman tungkol sa ’yo, hindi siguro sama ng loob o galit kundi pasasalamat actually, na I can see that you’re taking care of Carmina and I’m very happy.

“Ang gusto ko lang naman is mapunta sa maganda si Carmina... and I think that she’s very happy with you. If only for that, wala, wala, [akong] sama at samaan ng loob, wala. Galit, wala.”

Sagot naman ng pasasalamat ang itinugon dito ni Zoren, “Thank you! A, siguro para sa akin isang... how would I say it? Isang malaking tinik ang nawala sa akin…

"Dahil ayoko naman na meron kang sama ng loob sa akin… but you’re really correct, dahil I came when everything was already gone.”

Tugon naman ni BB, “Kung ang pag-uusapan si Rustom ha, kumbaga, bago pa namayapa si Rustom, hindi siguro sama ng loob yun o tampo, kung hindi, of course, at that time, parang siguro wini-wish niya na yung happiness na nararamdaman ninyong dalawa is sana na-experience din niya yun, siguro yun lang yun.”

COMING OUT. Ang sunod na tanong ni Zoren, “Sino yung mga unang pumasok sa isipan mo sa iyong pag-amin na ’This is me.’ Sino yung top three?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni BB, “Actually, dalawa lang, e—sa nanay ko [Eva Padilla], siguro kasama na yung pamilya… at saka kay Carmina… si Carmina.”

Sunod pang nilinaw ni Zoren, “Dun sa mother mo muna, ano yung initial reaction niya and how [did] you say it?”

Nilinaw naman ni BB, na isa pa lang talaga ang napagsabihan niya, “Yun na nga, pero alam mo, parang ironic, doon kasi, dun sa tatlong yun, si Carmina lang ang nakausap ko.”

Nagulat naman si Zoren sa rebelasyong ito ni BB, “What? Seriously?

"OK, nung aamin ka kay Carmina noon... nagpaalam siya sa akin and to be frank, I was afraid for her. Sabi ko, ’Teka, are you sure?’

“Alam mo, sabi niya sa akin, ’I think I owe him this.’ Kasi the time na she needed to talk to you, pumayag kang kausapin siya… sabi niya, ’In return,’ sabi niya, ’Papayag ako.’"

Dito na medyo sobrang naging seryoso ang usapan.

Dagdag pa ni BB, “Dun ko nakilala si Carmina, dun nabuo yung respeto ko sa kanya… bilang tao.

"At sabi ko sa sarili ko na siguro sa lahat ng nangyari, it was a blessing na si Carmina yung naging parte kung may masakit man na nangyari o kung ano man pero… it was a blessing na kay Carmina.

“Lahat ng naging experience [ko] kasi napakaganda ng handling ng mga nangyari.

"I was very thankful and I was also very grateful na pumayag ka, kasi siyempre that time, may sarili na kayong buhay, e.”

Sagot naman ni Zoren, “Yes, pero you know, isa lang naman yung kinuwento niya sa akin, e, dun sa pag-uusap ninyo. You said sorry to her, you said sorry to her, and nagtawanan na lang kayo after that.”

"Oo" lang ang naisagot ni BB sa kanya at nagbato na ulit ng katanungan si Zoren.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Was it difficult for you to say ’Sorry?’ Or was it difficult for you to say ’Eto ako. And I’m sorry for all those years or whatever na nagtago ako?’”

Seryosong sagot ni BB, “Yes and no, kasi it was difficult because I didn’t wanna make her feel na there was deception at that time because probably there wasn’t.

"So yung pagso-sorry is, kung mangyayari man ito ngayon, baka masaktan ka. Kaya ako nagso-sorry, or baka maapektuhan ka, or baka meron kang maisip na hindi maganda. Kaya ako nagso-sorry.

“It was difficult also na sabihin sa kanya yun kasi ayoko na kasi pahabain, e, di ba?

“But nangyari yun kasi out of respect.

"Kasi kung merong isang tao na nakakilala kay Rustom, I think si Carmina yun, e, so I just thought I owed it to her… the honesty and all.”

RUSTOM AND BB. Kasunod na tanong ni Zoren ang tungkol mismo kay Rustom at BB.

Saad niya, “OK let’s compare, you and Rustom, not in a physical way, but more on character. Ano yung wala si Rustom noon, at si BB meron?”

Sagot ni BB, “Siguro one, puwede ko masabi, Rustom is very insecure.

"Masyadong people pleaser si Rustom, e, siguro that’s one major different sa ’ming dalawa.

"Ako ngayon, I’m very self-assured, I know what I want, I know what I can do, and I don’t please people.

"If people like me, well I’m good… kung hindi naman, wala tayong magagawa… talagang ganyan, you can’t please everyone.”

Dugtong pa ni Zoren, “Some people tinitingnan nila, ’O, si BB she’s this now, wearing heels, but deep inside... marami pala siyang pinagdadaanan.

"Anong plano mo sa future? Can you honestly say na kompleto ka na?"

Tugon ni BB, “Well, I can say I’m happy, but I can be happier, I always say that…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero napansin ni BB ang tingin ni Zoren sa kanya kaya naman nasabi niyang, “Naba-blanko naman ako sa tingin mo,” sabay halakhak niya.

Next na tanong ni Zoren, “Tama pala yung mga hinala ko na it’s not that easy, meron talagang pinagdadaanan at merong mga trial araw-araw.”

Na sinang-ayunan naman ni BB, “Yes, yes! In fact, tinatanong nga nila if this a preference or what. Sabi ko, ’No, this is an orientation, my sexuality is an orientation; it’s not a preference…’

"So it’s not a choice, because if this is a choice, wow!

"One hundred times kong iisipin if this will be my choice… but it’s not a choice… so kahit mahirap siya, kailangan mong harapin, kailangan mong tanggapin.”

CLICK HERE to read Part 3.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN