Part 3. BB Gandanghari to Zoren Legaspi: "Kung meron akong wish for Carmina [Villarroel]... No matter what, I just want her to be happy.”

BB Gandanghari (left) and Zoren Legaspi (right) hug after a moving interview aired on a showbiz talk show on June 2, 2012. In the interview, Zoren told BB: “This is a beginning for all of us. Na really, everything is under the bridge. You know, bagong pakikitungo sa isa’t isa. Kumbaga let’s start as a family…we can be a family…wala namang problema dun.” In turn, BB said: “Wow, yun yata yung pinaka magandang narinig ko


Sa ikatlong bahagi ng story ng Paparazzi Showbiz Exposed kay BB Gandanghari at Zoren Legaspi, kung saan in-interview ng huli ang una, nagbigay ng challenge si Zoren: Ngayong magkaharap sila, anong tatlong katanungan ang gustong ibato ni BB sa kanya?

Ani Zoren, “Bibigyan kita ng opportunity. Sige, tanungin mo ’ko ng tatlong tanong, na gusto mong itanong sa akin? Kahit na ano.”

THREE QUESTIONS. Na mabilis naming tinugunan ni BB ng, “Kahit ano?

"Bakit mo ako gustong ma-interview?”

Tugon ni Zoren, “Gusto kita talagang ma-interview, hindi ako, kundi si Carmina because I want that closure in the eyes of the public."

Si Carmina ay si Carmina Villarroel na pinakasalan at naging asawa ni BB noong siya’y si Rustom Padilla pa.

Patuloy ni Zoren, “Gusto ko sanang masara siya and maintindihan ng publiko na it’s really not a big deal, sa ating tatlo, it’s just a big deal dahil hindi pa tayo nagkita-kita.

"Pangalawa, sa akin, ang reason why gusto kitang ma-interview because I really want to get to know you, dahil kasama ka sa past niya, e.

"You’re part of her history. Hindi na yun mabubura kahit ano pang sabihin mo. You’re still included and gusto kitang makilala.

“And I’m very thankful na you said yes to this interview, nagkakilala tayo, and I’m very happy na nabunutan ako ng tinik sa mga narinig ko sa ’yo and lalo kitang nirespeto.”

RUSTOM OR BB? Pangalawang tanong ni BB kay Zoren, “Given the choice, sinong gusto mong ma-interview, si Rustom o si BB?”

Tugon ni Zoren after ilang segundong pag-iisip, “Sa tingin ko, ikaw, dahil mas marami akong magagandang itatanong sa’yo.

"Mas marami kang masasabi, mas magiging kabado ako kung si Rustom yung mai-interview ko.”

Pabalik na tanong ni BB, “Why?’

Paliwanag ni Zoren, “Magiging guy-to-guy talk, e, hindi kagaya natin, you know, mas calm, may tawanan...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"... Ikaw mas gusto talaga, mas gusto kita, close na nga tayo, di ba?" sabay tawanan ng dalawa.

HOW MUCH DO YOU LOVE HER? Pangatlong tanong ni BB, “Gaano mo kamahal si Carmina?”

Panindigang sagot ni Zoren, “Hindi pa ako nagloloko. You know, maraming hindi naniniwala.

"Maraming tukso, pero malaki talagang sakripisyo ko dito to keep my family intact.

"So, ang ginagawa ko talaga para makaiwas ako dun, hindi na talaga ako lumalabas, I mean I hang out with my kids.

“Gaano ko kamahal si Carmina? Ayoko kasing cliché yung sagot, e.

"Siguro right now, kasi she’s not good with money, siguro sa sobrang mahal ko sa kanya, I’m so afraid na mawala ako sa kanya.”

Singit na tanong ni BB, “Ang bata mo pa, ganyan agad isip mo?”

Paliwanag ni Zoren, “Ganito ako, e, sini-set ko na siya, just in case na mawala ako sa kanya, meron na siyang mga investment na hindi niya alam.”

Sunod nito ay nagbigay naman ng rebelasyon si BB.

Aniya, “Hindi ko alam kung sa kanya ko nasabi ’to or kung kanino. Nakita ko kayo, isang guesting siguro, that was a time na siyempre hindi naman ganito...

“...When I saw you both [of you], hindi ko alam kung sa commercial o sa isang TV guesting, but what I saw was enough.

“Sabi ko, parang I should be happy for them, because I think kung meron akong wish for Carmina, hands down, isa lang, e—just for her to be happy…

"No matter what, I just want her to be happy.”

Pasalamat naman ang naging sagot ni Zoren kay BB.

Lahad niya, “Thank you, tama naman yung nakikita ko, so from here sana, this is a beginning for all of us.

"Na really, everything is under the bridge. You know, bagong pakikitungo sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, let’s start as a family…we can be a family…wala namang problema dun.”

Maligayang sagot naman ni BB, “Wow, yun yata yung pinakamagandang narinig ko ngayon.

"Pero I’m really, really, I’m very happy that I finally talked to you.

"Hopefully, [I can] meet your whole family. That’s my wish, to really meet your family.”

Pagkatapos ng interview na ito, napag-alaman naming nagyakap sa studio ang dalawa bago pa man sila umakyat sa stage, kung saan may mga pahabol pang tanong ang mga co-hosts ni Zoren sa Paparazzi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN