Sheena Halili denies pregnancy rumors; says it’s Katrina Halili who’s expecting, not her

How did the pregnancy rumors start? Sheena Halili says she was spotted eating green mangoes and bagoong on the set of her sitcom and people simply jumped to conclusions. Another possibility is she is often mistaken for her namesake, Katrina Halili, who’s now pregnant.


Mariing pinabulaanan ng Kapuso actress na si Sheena Halili na nagdadalang-tao siya sa kanyang live guest appearance sa showbiz talk show ng GMA-7, ang Startalk TX, kahapon, June 2, 2012.

Nitong mga nakaraang araw kasi ay lumabas sa mga pahayagan ang balita tungkol sa diumano’y pagbubuntis ni Sheena. At ang itinuturo umanong ama ng baby ay ang rumored boyfriend nitong si Rocco Nacino.

Kaya naman binigyang-linaw na ito ng aktres sa Startalk nang interbyuhin siya ng mga host na sina Joey de Leon at Lolit Solis.

Nagbiro pa nga si Sheena habang naglalakad papalapit kina Joey at Lolit. Tinanggal niya ang high heels niya at naglakad nang naka-paa dahil aniya, masama raw sa buntis ang nakamataas na takong.

Pagkaupo ni Sheena ay agad siyang tinanong ni Joey kung buntis nga ba siya?

“Hindi po, hindi po, hindi, hindi,” paulit-ulit na tanggi ni Sheena.

Komento naman ni Lolit, “Palagay ko naman hindi siya buntis dahil ganyan nga kaganda ang katawan.”

Biro naman ni Joey, “Ang totoo po mga kaibigan, kapapanganak lang ni Sheena.”

Bagay na tinawanan na lang ni Sheena.

MISTAKEN FOR KATRINA. Bakit nga ba kumalat ang buntis isyu na ito?

“Hindi ko rin po alam. Basta tinanong ako ng Artist Center about sa isyu na ito Wednesday [May 30].

"Nuong Tuesday [May 29] kasi, galing ako sa taping ng Tweets [for my Sweet] ang bagong GMA-7 sitcom.

“Sa taping, kumain lang ako ng mangga at saka bagoong. So, pag kumain ng mangga, baka ganun na yun. Baka naisipan akong ganun [buntis].”

Sa kaugaliang Pinoy kasi ay mahilig daw sa pagkain ng mangga at bagoong ang mga babaeng buntis.

Sapantaha naman ni Joey baka nagkalituhan lang sa pagitan ni Sheena at ng isa pang Kapuso actress na si Katrina Halili, na totoong buntis ngayon.

Pareho nga sila ng apelyido dahil malayong magkamag-anak daw ang dalawa at pareho pang produkto ng StarStruck Batch 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya si Katrina yung tinutukoy sa tsismis?

“Pwede po. Kasi hanggang ngayon din naman pag nagmo-mall show ako, nababanggit pa rin nila, ‘Uy, si Katrina.’ Ako naman, ‘Sheena po,’ ganun. So, pwede.”

HIGH RESPECT FOR FAMILY. Ayon naman kay Lolit, “Actually, una kong narinig iyan sa isang presscon. May isang tao doon nagsabi, ‘Uy, alam mo ba ang balita? Buntis daw si Sheena Halili kay Rocco Nacino.’

"Kaya may nataranta roon at panay ang tawag sa Artist Center para iklaro, di ba?”

Sa tingin din daw ni Lolit ay maganda naman ang pagpapalaki kay Sheena ng mga magulang niya.

“Yun na nga po. At saka nirerespeto ko po yung… ako, kaya ko pong i-handle yung mga isyu na ito.

"Tatawanan ko lang talaga siya dahil alam ko naman kung ano ang totoo.

“Yun nga lang siyempre nirerespeto ko yung mga magulang ko at family ko na nasa Pampanga. Malaki po ang respeto ko sa kanila.

“At saka sa family din po ni Rocco, ayoko rin po na magkaroon ng isyu… yung trust issue. Siyempre gusto ko pong ipakita kung ano po talagang klase akong babae, yung ganun po.”

NOT IN A RELATIONSHIP WITH ROCCO. Kailangan nga naman para mabuntis ang isang babae ay meron itong karelasyong lalaki.

Pero ang paninindigan ni Sheena, “Single po ako ngayon. At saka kung mangyayari man iyang buntis na iyan… wala po akong gustong ma-offend.

"Pero siyempre ang hinihingi ko kay God ay sana mangyari yun kapag settled na ako, pamilyado na ako. Siyempre gusto ko pong ipa-experience sa family ko yung traditional na talagang nangyayari sa ating mga Pilipino.”

Pero mag-on ba sila ni Rocco?

“Hindi pa po.”

Kahit na madalas siyang sunduin nito?

“Ganun naman po talaga ang dapat gawin ng lalaki ay suyuin ang babae, sunduin…”

So, nanliligaw pa lang si Rocco?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro, pwedeng ganun na rin. Kasi nga nagde-date na rin kami.”

Twenty five years old na nga naman si Sheena, kaya nasa tamang edad na siya para sa mga usaping ganito. Pabirong tanong tuloy ni Joey sa kanya kung kailan siya mabubuntis?

Sinagot naman ito ni Sheena, “Siguro kapag nag-gown na ako ng puti at saka yun… ganun po ang hinihingi ko po kay God.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN