Ogie Alcasid: It was not awkward shooting a love scene with Eugene Domingo

Ogie Alcasid (in photo) enjoyed shooting the musical comedy, I Do Bidoo Bidoo, with fellow singers, Gary Valenciano and Zsa Zsa Padilla. “Ang sarap e. Kasi si Gary at saka si Zsa Zsa nakakatrabaho ko lang sila sa mga concert. Sanay kami na nagkikita kami sa mga gigs. Working on a movie was even better because ang haba ng times naming tsumika. I never see them much because they are in ABS-CBN, I’m in GMA.


Showing pa lang sa June 6 ang Boy Pick-up The Movie ni Ogie Alcasid, pero may bago na naman siyang pelikulang tinatapos, ang I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila sa ilalim ng Unitel Productions.

Ayon nga kay Ogie, ito na yata ang pinakamalaki at pinakamahirap na pelikula na ginawa niya. Idagdag pa ang pagtampok sa pelikula ng mga kanta ng Pinoy music icon group na Apo Hiking Society.

“This is probably the biggest film I’ve ever done in terms of yung scope niya, the concept and the music. The music of Apo, you know, ang music ng buhay natin. Nakakatuwa, because ilang generations ang kasama namin dito.

“And finally, the music of Apo ay nasa pelikula na at nabibigyan ng ibang flavor dahil may istorya at hindi mo naman matatawaran ang mga artistang gaganap, di ba?

"Sina Gary Valenciano, Eugene Domingo, Zsa Zsa Padilla at Jaime Fabregas. Nandiyan din sina Sam Concepcion at Tippy dos Santos.

“Medyo natagalan kami sa pagsu-shooting nito kasi ang hirap naming pagsama-samahin. It wasn’t easy, it was never easy because shooting a musical is one of the hardest things talaga,” mahabang pahayag ni Ogie nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng I Do Bidoo Bidoo.

Nakadagdag ba sa hirap yung may iba pa siyang pelikulang ginagawa, bukod pa sa maraming TV shows niya sa GMA-7 kung saan gumaganap siya ng iba’t ibang characters?

“Hindi naman. Sanay na ako na iba-iba ako e. Babae ako, minsan lalaki, bading, sanay na akong ganun.

"It’s never hard. In fact, it’s always exciting. Mahirap lang kasi nung summer, kainitan tapos nagsu-shooting ka.

"Yun lang ang medyo konting discomfort. Otherwise, I really enjoy doing this movie.”

APO’S BLESSING. Nagkausap ba sila ng mga miyembro ng Apo Hiking Society na sina Jim Paredes, Danny Javier at Buboy Garovillo bago sila nagsimula ng shooting?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakita ko si Jim Paredes before we started. Nag-text pa nga siya sa akin.

"Sa sobrang excitement niya parang gusto na niyang ibalita sa akin na may project. Sabi ko sa kanya, ’Alam ko na yung project.’

"He’s so excited, and I’m sure the rest of Apo is excited about the project. It feels great na kumbaga may blessing ng Apo itong movie na ito.”

May alam ba siya kung magkano ang ibinayad sa Apo para magamit ang mga kanta nila sa movie?

“Alam ko may eroplano na sila ngayon e,” biro ni Ogie.

“I don’t know. I have no idea. It’s not just about the money.

"I think as a songwriter, I really know what they’re feeling, e.

"When your music becomes… you know [featured] on film, iba yun, e. And a musical is always a songwriter’s dream.”

Bilang isa ring songwriter, gusto niya rin ba ma-feature ang mga kanta niya sa isang pelikula?

“Oo, kaya lang kasi ang music ko kasi puro love songs e. Well, maybe, I don’t know.

"These things kasi, they just happen. Pero iba kasi ang music ng Apo. Ang music ng Apo iba-iba kasi ang tema e.

LOVE SCENE WITH EUGENE. Nagkuwento si Ogie tungkol sa kanyang role sa I Do Bidoo Bidoo.

“Ako si Pol Polotan. Ako ang asawa ni Ms. Eugene Domingo. Tatay ako ni Sam Concepcion. Ang mga kapatid niya sina Kiray [Celis] at Gerald [Pesigan].

"Isa akong laos na songwriter and kumikita lang ako sa royalties ng kanta kong ’Pumapatak Ang Ulan.’

“May pagka-happy-go-lucky yung character ko. Umaasa ako sa mga negosyong pinapasukan ng asawa ko na si Uge.

"Basically that’s my character. Kami ang katunggali ng pamilya ni Gary Valenciano at Zsa Zsa Padilla.”

Kumusta naman katrabaho si Eugene bilang asawa niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Working with Uge for the first time, ang sarap, ang saya.

"Talagang everything’s such a breeze. Si Eugene kasi kaibigan ko e, so hindi na naging mahirap para sa amin.”

May love scene daw sila ni Uge sa pelikula kung saan nag-duet sila sa isang kanta ng Apo.

“Merong kaming duet ni Eugene, yung ’Di Na Natuto.’ It’s actually our love scene.

"Well, you know, mag-asawa naman ang ginagampanan namin, so wala namang malisya or something. It’s a romantic scene na medyo may pagka-comedy ang dating.”

Bakit sinasabi ni Eugene, isa raw ito sa mga eksenang dapat abangan?

“Kasi galing kami sa away ni Uge, parang nagtampuhan kami. So, parang nilalambing-lambing ko na naman siya, just like what a husband does to his wife, di ba?

"Tapos yun, medyo nire-reject-reject niya ako hanggang sa bumigay din siya kaya nga ’Di Na Natuto,’ di ba? Then it ends in the scene na nakalagay ’They make love.’

“Noong una nga hindi ko alam… iniisip ko kung ano ba ang treatment ni Direk [Chris Martinez] dito.

"You know, as an actor iniisip ko, hindi naman siguro X-rated ito dahil pareho kaming nakakatawa. But I like what we did with the scene, very well-choreographed.”

Hindi ba sila nagkaroon ng ilangan sa love scene nila?

“Medyo kaming dalawa ni Eugene, wala na, wala nang hiyaan ito.

"Kung may malisya? Hindi ko alam. Hindi pwedeng meron,” natawa na lang na sabi ni Ogie.

“Basta it took a lot of commitment from both of us to make that scene work. Parang sinakyan na lang namin kung ano ang gustong ipagawa ni Direk.

"They’ve seen the rushes and they said ayos daw, okay daw.”

OTHER CAST MEMBERS. Ano ang masasabi niya kay Sam Concepcion, bilang gumaganap na anak niya sa movie?

“You know, Sam is really a good performer. Magaling siyang gumalaw. Magaling siyang kumanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos may look. I didn’t know that he was a very good actor. I think he was also relating to me.

“Although medyo weird tingnan kasi ang tangkad niya tapos ang tatay niya ang liit-liit. Although that happens.

"You know, while I was watching some of our scenes as father and son, there’s a mark of him as an actor na hindi na siya humihiwalay sa pagiging anak ko.

"Hindi siya si Sam Concepcion, siya si Rock habang nasa eksena kami.”

Kumusta namang katrabaho sina Gary at Zsa Zsa?

“Ang sarap e. Kasi si Gary at saka si Zsa Zsa nakakatrabaho ko lang sila sa mga concert.

"Sanay kami na nagkikita kami sa mga gigs. Working on a movie was even better because ang haba ng times naming tsumika.

"I never see them much because they are in ABS-CBN, I’m in GMA.”

Hindi naman daw isyu sa kanila kahit nagtatrabaho sila sa magkalabang TV networks at magkatapat pa ang show nilang ASAP at Party Pilipinas tuwing Linggo.

“We’ve always been friends. Si Gary ay kumpare ko, ninong siya ni Nate.

"Si Zsashing, you know, sila ni Regz [Regine Velasquez, asawa ni Ogie] parang magkumare na rin. So, ang sarap na magkakatrabaho kami.

“Yung isyu sa tapatan ng show, wala na yun. Masyado na kaming matatanda para sa mga ganya-ganyan.

"It’s work, they have to do their best, and we have to do our best. Ganun lang yun. Friendly, even brotherly competition. We never take it personally.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN