Agot Isidro leaves ABS-CBN after 20 years "to try something new" on GMA-7

Singer-actress Agot Isidro debuts as a Kapuso in the upcoming GMA-7 primetime series One True Love, where she plays the mother of Louise delos Reyes.


Isa nang Kapuso ang singer-actress na si Agot Isidro.

Ang una niyang regular na programa sa GMA-7 ay ang upcoming primetime series na One True Love, na pagbibidahan nina Alden Richards at Louise delos Reyes.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Agot sa taping ng kanilang soap sa isang tenement sa Taguig City noong Sabado, June 2.

THE DECIDING FACTOR. Simula nang pinasok ni Agot ang showbiz—una bilang isang singer at sumunod ang pagiging aktres—ay na-identify na siya sa ABS-CBN.

Sa katunayan, dalawampung taon daw siyang nagtrabaho para sa Kapamilya network.

Kaya naman ang unang tanong kay Agot ay ano ang naging deciding factor sa kanya para lumipat sa GMA-7?

“Wala lang… just to try something new. Para hindi tayo nagsasawa, hindi tayo nag-i-stagnate.

“Kailangan nag-e-explore pa tayo ng different things.

“Although ABS took very good care of me, maganda naman ang mga projects ko. Talagang walang itatapon doon, e.

“And I spoke to them, my friends there, naintindihan naman nila," paliwanag niya.

Walang naging counter offer sa kanya ang ABS?

“Actually, hindi naman kami humingi rin ng counter offer.

“Nagpaalam. Ipinaalam lang sa kanila actually na ito ang desisyon namin.

“Si SK [Shirley Kuan, Agot’s manager] rin kasi ang nagsabi.

“Noong una, parang ‘Agot, teka…’ Sabi ko naman, ‘Ano lang, just let me try different thing,’ ‘tapos okay naman sa kanila.”

Nang lumipat siya sa Kapuso network, may mga ni-request ba siyang gusto niyang magawa o gawin?

Aniya, “Wala… yung teleserye.

“This has been my work naman na for number of years na.

“Wala naman ako na, ‘Gusto ko ganito, ayoko ng kontrabida ako. Ayoko.’

“You’re an actor so you’re supposed to be portraying roles.”

Okey pa rin sa kanya ang gumanap ng kontrabida roles?

“Oo… actually mas masarap nga yun laruin. Kapag api-apihan ka lang, iyak ka nang iyak, paawa nang paawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, kailangan may gawin ka with the character na medyo interesting para hindi pare-pareho.

“Even with the kontrabida roles, hindi naman puwedeng walang pinanggalingan ang galit.”

AGOT AS A KAPUSO. Kumusta naman siya ngayon sa Kapuso network?

“Okay naman. Very maalaga sila. ‘Ms. Agot, okay lang kayo?’

“Okay naman. Ang dali kong katrabaho!” natatawa niyang sabi.

Nararamdaman ba niyang naiilang pa sa kanya ang mga dinatnan niya sa Kapuso network?

“Hindi naman, I hope. Kasi, kumportable naman ako sa kanila and I hope, kumportable rin sila sa akin.

“Walang nega feelings,” sagot ni Agot.

CONTRACT ARTIST. Kung sa ABS-CBN ay per project lang ang kontrata ni Agot, sa GMA-7 daw ay may kontrata siyang talaga sa loob ng dalawang taon.

“Hindi ko alam kung ilang shows. Hindi ko alam ang mga ganoong detalye.

“Basta sinabi lang na ‘ito ang call time mo,’ pupunta lang ako ng location!” tawa niya.

Hindi siya naninibago ngayon sa kanyang bagong network?

“Siyempre, kasi some of them, like ang mga cameraman, galing lang din… siyempre, ang liit lang ng industriya.

“So, nakikita mo rin naman ‘yan. May mga PA [personal assistant] na galing ng ABS.

“Si Andoy, galing ng ABS din.”

Si Andoy Ranay ang direktor ng One True Love.

Malaking bagay ba na si Direk Andoy, na matalik niyang kaibigan, ang una niyang direktor sa GMA-7?

“Yes, of course, yun din… yun din siguro ang nakaka-kumportable sa akin na siya ang direktor na humahawak. At least, kaibigan ko.

“He will help me familiarize, di ba, with the working condition, sa mga tao.

“Siya ang nagsasabi na, ‘Naku, Mars, okay ‘yan, okay ‘to, ganito rito…’

“Magandang transition ang nangyayari.”

STILL NERVOUS. Nang makausap ng PEP si Jean Garcia, isa sa makakasama ni Agot sa One True Love, excited daw ito na makatrabaho ang singer-actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ganun din naman daw si Agot.

“Siyempre, excited na medyo nerbiyos,” sambit niya.

Biro naman namin, may nerbiyos pa rin siya?

“Siyempre, siyempre!” natatawang sabi ni Agot.

“Alam n’yo, kapag hindi ka ninerbiyos, masyado kang overconfident, hindi maganda yun.

“Kailangan may konting nerbiyos talaga. Para you also have to make yourself better, di ba?

“Parang nae-excite ako na nangyayari yun.”

Sa One True Love, gagampanan ni Agot ang papel ng asawa ni Raymond Bagatsing at ina ni Louise delos Reyes.

Gaano siya kakontrabida rito sa One True Love?

“Hindi naman yata ako papatay dito!” natawa niyang sabi.

“But I think, I will make life harder for Louise. Kasi, bunga siya ng pagtataksil sa akin.”

Bilang bago siya sa GMA-7, sino sa mga Kapuso stars ang gusto niyang makatrabaho?

“Sina Lovi [Poe]… mga bagets, alam mo na, para mag-feeling bagets din tayo!” tawa na naman niya.

Dagdag ni Agot, “Si Marian [Rivera]… pero alam mo si Marian, never ko pang na-meet.

“Si Alex [de Rossi], gusto ko rin siyang makatrabaho.

“Si Heart [Evangelista], never ko pa siyang nakatrabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN