Sarah Geronimo and Gerald Anderson having trouble with their relationship?

Sarah Geronimo on status of relationship with Gerald Anderson: “Wala naman po kaming karapatan sa isa’t isa. Wala rin naman po akong karapatang magselos kung halimbawa may ma-link sa kanya kasi single siya. Single din ako.”


Sa gitna ng mga balitang patuloy sa panunuyo at panliligaw ni Gerald Anderson kay Sarah Geronimo, biglang lumabas ang mga balitang diumano’y nagkakalabuan na ang dalawa.

Kasabay nito ang isang blind item na diumano’y tila ang dalawa ang tinutukoy.

Si Gerald daw ay nakitang may kasamang ibang babae sa isang gimikan.

Hindi pa man kumpirmadong si Gerald ang tinutukoy sa blind item na ito, tila makahulugan ang naging magkahiwalay na panayam ng The Buzz kina Sarah at Gerald.

Sa isang interview kay Sarah, sinabi nitong, “Wala naman po kaming karapatan sa isa’t isa.

“Wala rin naman po akong karapatang magselos kung halimbawa may ma-link sa kanya kasi single siya. Single din ako.”

Sa panayam kay Gerald, katulad din ng naging pahayag ni Sarah ang naging reaksiyon nito.

Ayon sa young actor, “Wala rin po akong karapatan kung may gusto siyang i-date and vice versa.

“Sa ngayon, I am single and si Sarah is single.”

Sa premiere night ng pelikulang Born To Love You noong nakaraang linggo, naging kapansin-pansin ang pagdating ng dalawa—pero sa halip na magkasama ay magkahiwalay sila.

Nang tanungin ang tungkol sa hindi nila pagsasama sa panonood ng pelikula nina Coco Martin at Angeline Quinto, sinabi ni Gerald, “Actually, nagkita lang kami dito. Actually, nandito siya para kay Angeline yata.”

Nang si Sarah naman ang tanungin, sinabi nitong: “A, oo, nandoon siya. Nagulat naman ako, hindi ko naman alam na pupunta siya.”

Pero bakit hindi sila magkasabay?

Sagot ni Sarah, “Hindi ko po alam. May lakad po yata siya.”

Dahil sa naging pahayag nila, tila lumalabo ang posibilidad na mauwi sa magandang pagtitinginan ang anumang pagkakaibigan meron sila.

Nang tanungin si Sarah sa totoong estado ng relasyon nila ni Gerald, ito ang naging sagot ng Pop Princess:

“We are friends. At totoo po ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Totoo talaga ‘yan, walang halong showbiz na sagot.

“Hindi po kami nagdi-deny ng kahit na ano.

“So, okay po kami, magkaibigan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN