John Lapus on people against LGBTs: "Kabahan na kayo, konti na lang kayo!"

"If there’s one thing na naobserbahan ko, kakaunti ang tao na actually, sasabihin face to face…in front of the camera or on record na ayaw nila ang bakla. Kakapiranggot. Tingnan n’yo si Manny, na-misquote, agad-agad nag-retract. Sinabi niya na ’hindi ko sinabi ‘yan,’" says John lapus when asked about those who can’t fully embrace or understand the existence of LGBTs in the society.


Isang bading na cowboy ang karakter na ginagampanan ni John “Sweet” Lapus sa bagong GMA-7 primetime series na Makapiling Kang Muli.

Kumpara sa unang nasulat noon na tila tago ang pagkabading niya sa kuwento, lantad na raw ito ngayon na hindi niya itinatago o ikinahihiya.

Ito ang unang ikinuwento ni Sweet nang makausap ng PEP.ph (Phillippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa press conference ng Makapiling Kang Muli sa Studio 7 ng GMA Network.

“Yung role ko dito, for the record, siya ang kauna-unahang cowboy—baklang cowboy on Philippine television.

“I’m sure, nakita n’yo sa VTR kanina, si George, isa siya sa magaling na cowboy.

“Siya ang nag-train kay Martin, yung character ni Richard Gutierrez.

"Kasi si Martin, itinago siya. Nakita n’yo naman sa VTR.

“So, finally, noong bumalik sila ng lolo niya, played by Robert Arevalo... noong bumalik sila sa rancho... I think that was about 10 or 12 years old na [siya].

“Yung Kuya George niya ang nag-train sa kanya kung paano maging cowboy.”

OPENLY GAY. Kung may maganda man daw sa karakter ni Sweet, hindi niya itinago ang pagiging bading niya.

“Yun ang maganda sa karakter ni George. Kaya medyo maaskad siyang kumilos kasi hindi siya pa-mhin [pa-macho].

“Laki lang si George sa lugar na puro lalaki, so na-imbibe niyang kilos. Di ba, ganoon yun?

"Pero si George, proud siya na bakla siya.”

Masasabing napapanahon nga ang karakter niya sa Makapiling Kang Muli dahil mainit pa ring usapin ang tungkol sa isyu ng mga Lesbian Gay Bisexual Transvestite o LGBT.

“Matutuwa na naman ang LGBT sa character ko dito—ako ang kauna-unahang gay cowboy sa Philippine TV.

“So, clarify lang na hindi siya nagpapaminta [nagpapakalalaki kumilos]. E, lumaki siya na puro lalaki ang kasama niya.

“May eksena ako dito na tumutumba ako ng baka. Yung ganoong level. Nangangabayo ako!” sabi pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COWBOY TRAINING. Gaano kahirap ang training niya, lalo na sa pangangabayo?

“Physically, natsa-challenge na naman ako. Until now, hindi pa tapos ang training namin.

“So, ang ginagawa namin, ang umandar ang kabayo. Pero may mga eksena kasi kami in the future na kailangan, tumatakbo.

“And in fairness sa GMA, meron kaming trainor. So, kapag hindi mo pa eksena, magti-training ka sa kanya.

“E, ang pinagsu-shooting-an namin, rancho ng mga Ayala at Zobel na pagkalaki-laki.

“Nandoon ang mga kabayo, mga baka sa Calatagan, Batangas.

“Mahirap! Hindi pala basta-basta. At saka ano ba, bakla ako!

"Ang sanay kong binubuhat, make-up kit, foundation!” natatawa niyang sabi.

RICHARD GUTIERREZ. Kumusta naman sila ni Richard dahil sila ang palaging magkasama sa mga eksena?

“Yun nga ang sinasabi ko, tinatanong ako, ’Award-winning actor ka na, best supporting actor ka na, bakit support ka pa rin ni Richard Gutierrez?’

“Sabi ko naman, ‘Kung si Richard Gutierrez ang susuportahan ko, e, anytime naman.’

“Isa siya sa mga eligible bachelors ng ating bansa. One of the prime artists ng Kapuso network.

“And other than that, magandang suportahan si Chard kasi nakikinig. At the same time, willing matuto.

“Ito ngayon, inoobserbahan ko siya kapag kaeksena niya si Rio Locsin, si Tita Gloria Romero, ako.

“Sinasabi ko sa kanya, ‘Kapag sinabi ko ‘to, ito ang isasagot mo ha.’ Nakikinig siya.

“Minsan lang, nalilito siya kasi natatawag niya akong George lang. E, yung bodyguard niya, George rin ang pangalan.

“Sabi ko, ‘Chard, Kuya mo ako.’ Sorry naman siya.

"E, kuya… kaibigan. So, dapat makita ang line na yun.

“Ang galing-galing ni Chard kasi, ano ba, hindi naman niya ako kuya in real life.

“At saka pumayag akong sumuporta dahil ang role ko dito, hindi lamang siya the usual gay character na pinasok sa soap opera to elicit laughter. Hindi.”

CREATIVE CONSULTANT. Nang lumapit naman si Direk Ricky Davao sa interview namin kay Sweet, sinabi nito na baka gawin din daw nilang creative consultant ng show si Sweet dahil ang dami raw nitong suggestions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Sweet, “Sa mga eksena ko lang. Kasi, lalo na ngayon, yung mga eksenang kinukuhan namin, fourth week pa lang.

“Yung character ko, nandoon pa lang siya sa point na nag-i-introduce siya ng laughter.

“But yun nga, alam naman naming lahat kung saan tutungo.

"In six weeks, mari-reveal na ang kahalagahan ng character ni George.”

LGBT. Masyadong mainit ngayon ang ilang usapin sa LGBT. Kahit si Manny Pacquiao, nag-retract agad nang ma-misquote lang daw ito sa kanyang statement tungkol sa LGBTs.

(CLICK HERE to read related story.)

Sabi ni Sweet, “Uso na kasi ngayon ang mga bakla.”

Ngayon lang ba nauso?

“Well, noong araw kasi, may defiance pa rin.

"If there’s one thing na naobserbahan ko, kakaunti ang tao na actually, sasabihin face to face… in front of the camera or on record na ayaw nila ang bakla. Kakapiranggot.

“Tingnan n’yo si Manny, na-misquote, agad-agad nag-retract.

"Sinabi niya na, ’Hindi ko sinabi ‘yan.’ Konting-konti.

“It’s the fact na, I know, deep inside, in their hearts, alam din nila na mali, e.

"Alam nila, they will get in trouble.

"Mas marami na ngayon ang pro-gays kesa sa anti.

“Yung mga anti, kakapiranggot na lang. Middle-Eastern country, some very few Muslim cities.

"But the majority of the earth, niyakap na.

“Sino ang mag-aakala na darating ang araw na isang African-American President ng Amerika will actually endorse same-sex marriage.

"Hindi lang siya basta-basta pro-gay, todo na.

“So, yun ang sinasabi ko sa mga ngayon na anti-gay pa rin o anti-LGBT for that matter—kabahan na kayo, konti na lang kayo.

“It’s about time to change your mind.

"I think, it’s about time for them to realize na if you cannot beat them, join them.”

SAME-SEX MARRIAGE. Personally, wini-wish din ba niya na sa Pilipinas ay mangyari rin na ma-allow at ma-legalize ang same-sex marriage?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam n’yo, to be honest, ako, noong tinatanong ako ng ganyan, wala akong balak.

“Sinasabi nila, siguro it’s so easy for me to say, kasi wala raw akong dyowa [partner].

“Of course, I will cross the bridge when I get there.

“So far, wala naman akong balak magpakasal.

"But, hindi ko naman ikokondena o hindi ko naman kakamuhian ang kahit sino na meron.

“As a matter of fact, dalawang beses na akong nag-ninang sa kasal ng same-sex [marriage] dito sa Pilipinas.”

Dati raw sa Malate ginaganap yun, pero hindi raw niya alam kung buhay pa ang paring nagkasal.

“Ngayon daw, nasa Quezon City na raw kunsaan naging Reyna Elena pa nga siya sa Santacruzan sa may Barangay Pinyahan.

“Nandoon ang office nila. Puwedeng pumunta doon ang mga bakla, tomboy at magpakasal doon.

"I was surprised, ha. Siyempre, sa Pilipinas, hindi yun kinu-consider.

"Pero kinokonsider ang certificate na yun sa mga bansang legal.

“Like Australia ba... yung binanggit sa akin and, of course, Canada.

"Naloka ako, kinu-consider. Yung tawag, partner.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN