Louise delos Reyes says rumored boyfriend Enzo Pineda knows her closeness to screen partner Alden Richards

Louise delos Reyes and co-star Alden Richards in their new primetime teleserye One True Love share their unforgettable scenes with co-stars Agot Isidro and Jean Garcia: “Tapos si Ms. Jean, kinakabahan talaga kami. Teaser pa lang, si Alden, nasira ang polo niya. Ako, eight times akong nasampal ni Ms. Agot sa teaser.”


Sa pagtatapos ng My Beloved sa Biyernes, June 8, muling mapapanood dito sina Louise delos Reyes at Alden Richards para sa wedding scene nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Maaga kasing nawala ang dalawa sa My Beloved dahil sinimulan na nila ang taping para sa pagbibidahan nilang primetime series—ang One True Love na papalit sa timeslot na iiwan ng magtatapos nilang serye.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Louise sa taping ng My Beloved sa Sta. Ana Church noong Biyernes, June 1.

Nabanggit ng young actress sa amin na aware naman sila ni Alden na babalik sila para sa wedding scene nga nina Dingdong at Marian.

“Alam ko po kasi, sinabihan din po kami na, ‘O, basta sa last taping o sa kasal, basta, babalik kayo.’

“Parang yung lahat ng nawalang character po yata before, babalik.

“Yung mga hindi po namatay, babalik para sa espesyal na okasyon nina Sharina at Benjie.

“Pero nagbago po siya na, ‘Paano kaya kung susulat na lang kayo para hindi kayo makita na nasa My Beloved, ’tapos nasa One True Love?’

"Pero yun nga po, okay naman na makikita kami rito.”

STILL AS LOVETEAM. Hindi naman maitago ni Louise ang kanyang excitement sa One True Love, ang seryeng maglulunsad sa loveteam nila ni Alden sa primetime.

Noong kausap namin siya, hindi pa raw siya nakakapag-taping dahil puro mga eksena muna nina Agot Isidro, Jean Garcia, at Raymond Bagatsing ang kinukunan.

“Sobrang excited po!" sambit ni Louise.

"Hindi pa po ako nagsu-shoot. Pang-third taping pa lang po.

“Kumbaga, twenty years before pa lang. Yung background—kung ano ang nangyari sa mga anak nila, paano nabuo yung mga alitan nila before.

“So, yun. Medyo excited po kasi next week na raw po mag-i-start yung kaming dalawa ni Alden at sabay raw po kaming lalabas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanggap ng mga fans na walang relasyon sina Louise at Alden sa totoong buhay. Hindi lingid sa marami na si Enzo Pineda ang talagang malapit sa puso ni Louise ngayon.

Tinanong ng PEP si Louise kung ano ang meron sa kanilang loveteam ni Alden at binigyan pa sila ng bagong pagbibidahang serye ng GMA-7.

“Siguro po kasi, naibibigay namin yung hinihiling ng mga fans na sweetness kahit hindi kami.

“Sobrang kumportable kami sa isa’t isa at nakikita yun ng mga tao on screen.

“Yung mga nanonood sa amin… natutuwa rin silang tingnan kami,” sagot niya.

PRIMETIME SERYE. Masasabing sina Louise at Alden ang bagong pinu-push na loveteam ng Kapuso network dahil pagkatapos maging suporta sa My Beloved, pagiging bida na ang ibinigay sa kanila.

Ayon kay Louise, “Hanggang ngayon, parang hindi pa rin kami makapaniwala.

“Hindi pa kami tapos sa My Beloved, ‘tapos binigyan agad kami ng One True Love.

“’Tapos, hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko na ito, primetime na.

“Noong sinabi na, ‘May bago kang gagawin,’ ang naisip ko, baka kasama lang kami o may kagrupo kami.

“Hindi ko talaga iniisip na kaming dalawa.

“Until na plug shoot na namin, tinanong ko talaga si Ms. Redgie [Magno, GMA-7 executive], ’talaga po bang kami ang bida rito?’

“Sabi niya, ‘Oo, malamang, kayo ang nasa plug shoot, e!’” natatawa niyang sabi.

Dagdag ni Louise, “Iniisip ko pa po, baka panghapon since galing na kami sa panghapon. Yung kaba, konti na lang po.

“Pero kapag sinabing primetime, parang mas mabigat na obligasyon para sa amin na itaas ang rating, i-maintain.

“Parang pagkatapos nito, kailangan meron ka ulit next project na ikaw ulit ang bida.

“Ang hirap… nakaka-pressure talaga siya.”

Puwedeng ring sabihin na bukod sa rating, may pressure rin ba na magagaling at beteranong mga artista ang makakasama nila sa serye?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Opo! Parang kailangan naming patunayan sa sarili namin na kaya naming maipantay ang acting namin sa tatlong naglalakihang artista na kasama namin.

“Siyempre, si Ms. Agot na first project niya ito [sa GMA-7], kaming team ang magwe-welcome sa kanya.

“’Tapos si Mr. Raymond Bagatsing, first time ko siyang makakatrabaho.

“’Tapos si Ms. Jean, kinakabahan talaga kami. Teaser pa lang, si Alden, nasira ang polo niya.

“Ako, eight times akong nasampal ni Ms. Agot sa teaser.”

Sa isang banda, parang reunion naman sa kanilang tatlo nina Alden at Jean dahil una silang nagkasama sa afternoon soap na Alakdana noon.

PRIOR NOTICE. Sinabi ni Alden sa isang interbyu na sinabihan daw siya na sabihin kay Enzo na huwag magseselos sa mga sweet nilang eksena ni Louise dahil trabaho lang naman ito.

Ano ang masasabi ni Louise dito?

“Sila ang nag-uusap. Labas ako doon kasi magkaibigan din naman sila.

“Ako rin, kasi kapag work, work lang din naman. Ito yung committed ka sa trabaho mo.

“Hindi naman sa walang karapatan na manghimasok, pero naiintindihan mo dapat kung ano ang trabaho n’yo at hiwalay yun sa personal life.

“At saka kami ni Alden, sobrang kumportable talaga kami at tanggap na ni Enzo yun na kumportable kami. Na mag-best friend, ganoon.”

OBVIOUS JEALOUSY. Nagseselos nga ba si Enzo?

“Hindi naman masyado. Parang pa-cute lang ng konti!” natatawa niyang sabi.

Paano ipinapakita ni Enzo na nagseselos siya?

“Wala lang, yung mga pa-cute lang na, ’Nagseselos ako. Ayoko nang manood ng teaser mo,’ mga ganoon lang po.

“Pero hindi naman talaga sineseryoso yung mga ganoon. Parang nagpapa-cute lang.”

Wala nga bang pressure sa kanila ni Alden na sana nga, sila na lang even in real life?

Nakangiting sabi ni Louise, “Wala naman po.

“Kasi, nakakatuwa yung mga fans namin kasi sinusuportahan kami bilang artista, kasama na rin ang personal life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya minsan, nagugulat ako kasi yung mga fans ni Alden, sinusuportahan din kung sino nanliligaw sa akin.

“’Tapos mga fans ko, sinusuportahan din si Alden at saka si Enzo.

“Hindi sila yung, ‘Dapat kayo na lang. Huwag na lang siya o yung nali-link sa inyo.’

“Tanggap nila. Kasi, from the start naman, sinasabi naming magkaibigan kami ni Alden.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN