Rhian Ramos and KC Montero: what’s the real score?

Rhian Ramos on why she’s often seen with KC Montero lately: “We have a lot of meetings together… We host a lot of corporate events together and we tweet a lot.”


May espesyal nga bang relasyon na namamagitan kina Rhian Ramos at KC Montero?

Bagamat una itong dinenay ng aktres, hindi mamatay-matay ang balitang nag-uugnay sa kanila dahil madalas makitang magksama ang dalawa.

Isang source, na may kaugnayan kay KC, ang nakapagsabi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan na madalas daw nakikita si Rhian sa opisina ng TV-radio host sa Makati.

Isang showbiz insider din ang nagkapagkuwento sa PEP na ilang beses nang nakikitang magkasama ang dalawang GMA-7 talents sa iba’t ibang lugar.

Hinala ng showbiz insider na ito, may namumuo nang relasyon sa pagitan nina Rhian at KC.

Samantala, isang onlooker naman ang nakapaglahad sa PEP ng isa pang sighting kung saan magkasamang muli ang dalawa.

Ayon sa kuwento, nakita raw niya sina Rhian at KC noong umaga ng May 26, Sabado, sa McDonald’s Alabang Town Center.

Isang kotse lamang daw ang kanilang sinakyan kung saan pinagbuksan pa ni KC si Rhian ng pintuan.

Sa Party Pilipinas naman kahapon, June 4, ay tinutukso ng kanyang co-host na si Tim Yap si KC.

Bagamat walang binanggit na pangalan ang una, isang matamis na ngiti naman ang isinukli ni KC sa biro sa kanya.

Dahil sa sunud-sunod na mga “sighting” na ito, nagtataka tuloy ang marami kung ano ang meron sa pagitan nina Rhian at KC.

RHIAN DENIES. Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na naging laman ng balita ang tunay na estado ng relasyon nina Rhian at KC.

Minsan na itong pinag-usapan nang lumabas ang pelikula ni Rhian na My Kontrabida Girl noong Pebrero; at nang ipalabas sa Hollywood ang isa pang pelikulang pinagbibidahan niya, ang The Road, noong nakaraang buwan.

Subalit sa isang panayam kamakailan, mariing itinanggi ni Rhian na nagde-date sila ni KC.

“No [we’re not dating]. Uhm, we have a lot of meetings together,” sabi ng Kapuso actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag pa niya, “The company or the group that he works for is training me because I want to be a part of that group.

“It’s for a clothing company. We host a lot of corporate events together and we tweet a lot.”

Sinabi rin ni Rhian noon na wala pa sa plano niya ang magkaroon ng boyfriend.

Matatandaan na ang huling napabalitang karelasyon ng young actress ay ang radio-TV host na si Mo Twister, na ngayo’y nakabase na sa New York.

“Wala ako sa frame of mind na mamili ng next boyfriend,” sabi ni Rhian.

“At saka lahat sila may nase-share ako, lahat sila mapagkakatiwalaan ko.

"Yung three guys na medyo nali-link sa akin, medyo public figure silang tatlo.

“I trust in these people as friends.”

Ang tinutukoy ni Rhian na na-link sa kanya, bukod kay si KC, ay ang My Kontrabida Girl leading man niyang si Aljur Abrenica at ang anak ni Senator Panfilo Lacson na si Jeric.

Minsan na ring na-link ang anak ng senador kay Rhian. Subalit agad niya itong pinabulaanan at sinabing “good friends” lang sila ng TV host-actress.

(CLICK HERE to read related article.)

Sabi naman ni Rhian tungkol sa mga lalaking nali-link sa kanya, “Hindi sila pumoporma kasi naiintindihan nila na nasa stage ako na kaibigan ang kailangan ko.

“Hindi ko kailangan mag-date ngayon kasi kaibigan ang kailangan ko.”

MO TWISTER REACTS. Nakarating na ang balita tungkol kina Rhian at KC kay DJ Mo.

May ilang followers ni DJ Mo ang nagbigay ng link sa isang blind item na lumabas noong May 4 sa isang tabloid.

Ang blind item ay tungkol sa isang young actress at isang TV host na nagpapalitan daw ng tweets na may kasama pang mga kuha mula sa isang kilalang isla.

Ilang nakabasa nito ang nanghulang sina Rhian at KC ang tinutukoy sa blind item dahil minsan na raw nagkasama ang dalawa sa Boracay para sa event ng isang telecommunications company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam ng publiko na malapit sa isa’t isa sina KC at DJ Mo. Kaya siguro ganoon na lamang ang pagkadismaya umano ng huli nang malaman ang balita.

Nabanggit pa ni Mo sa isa niyang post sa Twitter: “He forgot our friendship.”

Kasalukuyang hinihingan ng PEP ng pahayag ang GMA Artist Center, ang talent management na namamahala sa career ni Rhian, tungkol sa balitang ito.

Bukas din ang website na ito sa anumang nais ipahayag nina Rhian, KC, at DJ Mo tungkol sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN