Melissa Ricks confirms relationship with ex-PBB housemate Paul Jake Castillo; insists her family has nothing to do about breakup with Jake Cuenca

No doubt about Melissa Ricks’s thrill about her relationship with ex-PBB housemate Paul Jake Castillo. Their respective families have met both of them, an indication that the couple are already comfortable with each other. When confronted about how she compares her previous relationship with the present, Melissa says: “Yung present time much better siyempre.”


Hindi celebrity endorser si Melissa Ricks at lalong hindi siya guest performer na magbibigay ng entertainment number sa nakaraang First Jollibee Drive-Thru Cross-Country Challenge awardings na ginanap sa Sunset Pavillion ng Sofitel Hotel last Thursday night, May 31.

Naroon si Melissa para suportahan ang ex-Pinoy Big Brother Double Up housemate na si Paul Jake Castillo na kasali sa challenge.

Naging second placer si Paul Jake, katuwang ang kaibigan nitong si Jan Señerpida, at nag-uwi sila ng P100,000 cash.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Melissa, sinabi nitong nagpaalam muna siya sa taping niya ng Walang Hanggan para lang suportahan si Paul Jake.

“Dapat kanina pa ako nasa taping, kaya lang alam kong hindi aabot,” simula ni Melissa.

“Kaya nagpaalam ako na ‘eto muna ang uunahin ko, ‘tapos balik na lang ako sa taping namin.

“Kasi nung 10-day race, nung pagdating nila, hindi ako nakapunta doon sa finish line.

“So, sabi ko, kailangan sa finals, pupunta ako. Kasi na-feel bad naman ako dahil wala ako sa finish line.

“Walang sumalubong sa kanila, their families are in Cebu.

“I’m here to support Paul Jake and also Jan-Jan kasi kaibigan ko rin si Jan-Jan, yung best friend niya na kasama niya sa race.”

FULL SUPPORT. Ano ba meron sila ni Paul Jake at ganito ito kaespesyal sa kanya?

“Siyempre naman., ‘pag special naman talaga, di ba?

"And I’m sure he would do the same thing with me ‘pag may mga special events ako.

“Gusto ko nandun rin siya para sumuporta sa akin,” saad niya.

May kakaibang glow sa mukha ni Melissa noong mga sandaling iyon at hindi naman niya itinago sa amin ang nararamdaman niya.

“Happy naman ako,” pag-amin niya.

“It’s about time naman na maging happy na rin, bumalik na rin everything to normal.

“Okey naman yung working pattern ko. Okey naman yung lifestyle ko… okey naman lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinasasaya ba siya ni Paul Jake?

“Oo naman,” mabilis niyang sagot kasunod ang isang makahulugang ngiti.

CONFIRMED. Meron na bang kumpirmasyon sa kanila ni Paul Jake?

Sandaling nagpakipot si Melissa, pero umamin din ito.

“Meron naman. Hindi ko naman idi-deny.

“Actually, before, matagal ko na siyang kakilala. Pero lately lang naging super close kami, ’tapos ayun. So yun!"

Hindi man nasungkit ni Paul Jake at ng kaibigan nito ang premyo, nakuha naman niya ang puso ng aktres.

“Oo, kami na!” ang kumpirmasyon ni Melissa sa estado ng relasyon nila ni Paul Jake.

Sa simula ay ayaw pang sabihin muna ni Melissa kung gaano na katagal ang official relationship nila ni Paul Jake, pero napaamin din siya ng PEP.

“Siguro mga three… three months na.”

Panay ang tanggi ni Melissa noong karelasyon pa niya ang ex-boyfriend na si Jake Cuenca, bakit effortless siya ngayon sa pag-amin ng relasyon niya sa ex-PBB housemate?

Paliwanag ni Melissa, “E, ayaw niya [Jake], e.

“Si Paul Jake naman, hindi siya showbiz at okey naman sa kanya na sabihin.

“And ako naman, I’m okay na aminin or anything like that kasi buhay ko naman ‘yan, ganun… and they’ll find out anyways."

Mas open na sa relasyon si Melissa kay Paul Jake hindi katulad noon panahon nila ni Jake.

“E, kasi siyempre, ako may career ako. May career din… kunwari yung relationship ko before, meron din siyang career.

“Iba-iba yung… mahirap yung before…

“Mahirap i-handle yung ganong situations na maraming hindi puwedeng sabihin…

“Bawal makita, may loveteam ako… yung mga ganyan.

“Ngayon, wala akong loveteam, solo naman ako at siya [Paul Jake] hindi naman nag-aartista.

“So, okey naman, better—mas peaceful.

“Sobrang gaan ngayon, saka sobrang understanding niya. Naiintindihan niya yung mga ginagawa ko, yung oras ko.

“’Tapos, ‘pag wala akong taping, araw-araw pinupuntahan niya ako sa bahay or…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta, we make time kahit from gabing-gabi na, gagawan pa rin ng paraan kasi doon ko nakita yung effort niya.”

MATURE RELATIONSHIP. Pambawi niya ba si Paul Jake sa hindi naging maayos na relasyon niya noon kay Jake Cuenca?

“Hindi naman napakarami [heartaches]… siguro mahirap lang.

“Siguro I came from relationship para malaman ko kung ano ba dapat ang deserve ko.

“’Ay, ganun pala dapat, ganito pala dapat.’ Yung before, ibang klase.

“Iba yung nakikita ko kay Paul Jake. Sobrang understanding, caring, and he’s older than me.

“He’s 27 and I’m 22.

"So, mas ano siya, mas marami na siyang alam. Mas marami na siyang experience,” saad ni Melissa.

ACCEPTED BY FAMILY. Tanggap daw ng pamilya ni Melissa si Paul Jake, kaiba noong sila pa ni Jake.

“Na-meet na ng family ko si Paul, pero yung mommy ko, hindi pa kasi nasa States yung mom ko. Pero kilala niya si Paul Jake.

“E, bagets pa ako noon, e. Bata pa ako. Ngayon 22 na ako.

"Saka kita naman nila na I was responsible sa mga relationships ko before.

“Lalo ngayon. Kasi I’ve learned from my mistakes na hindi ko na uulitin,” sabi niya.

Patuloy na itinatanggi ni Melissa na walang kinalaman ang parents niya sa hinding maayos na relasyon nila Jake noon.

“That had nothing to do with it, yung family. It was fine, tanggap naman nila. Pero siyempre, they were still cautious na takot [sila] para sa akin.

“Pero I don’t think my family played a part sa paghihiwalay namin or anything like that, kasi everything was fine naman.

“Yung family ko naman, I’m happy na ganun sila kahigpit kasi kung hindi, baka wild na ako ngayon.

“Kung anu-ano na ang ginagawa ko, di ba? Saka naubos ang pera ko.

“I’m happy that they were there to guide me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INTRODUCTION TO FAMILY. Nakilala na raw ni Melissa ang pamilya ni Paul Jake sa Cebu, kabilang na ang mommy at daddy nito.

“Lahat sila [na-meet ko] no’ng Holy Week, they were so nice.

"Kasi me and my friend, si Helga [kasama] yung best friend ko, pumunta kami ng Cebu for five days, pinasyal kami. Siyempre, alam nila yung pasikut-sikot.

“We spent three nights with his family.

"So, sobrang bait nila. Feeling mo they were very approachable, they were very kind sa akin—hospitable.”

Paano siya pinasasaya ni Paul Jake?

“Ewan ko, basta napi-feel ko lang na mahal niya ako, na gusto niya akong alagaan, na he cares.

“Nararamdaman ko kahit wala siyang gawing specifically.

"No’ng first na nakilala ko siya, feeling ko matagal ko na siyang kakilala.

“Iba lang talaga yung approach niya, yung dating niya.”

DIFFERENCE. Ano ba ang mga katangian na nagustuhan at minahal niya kay Paul Jake?

“Very outgoing siya… He knows what he’s doing, matalino siya, may sense siyang kausap… a, yun. Yun lang naman, simple lang.”

Is Paul Jake a lot better than her former boyfriend?

“That is why there’s a before and there’s an after, di ba? Kaya naman may ganun.

"Yung present time, much better siyempre.”

WALANG HANGGAN. Samantala, ibinalita ni Melissa na hanggang October pa tatakbo ang Walang Hanggan.

“Kahit ako nga nagulat no’ng malaman ko yun.

“Mas challenging ito sa lahat kung paano ito masu-sustain, di ba?

“Yung mga recent episode na naipalabas… na parang highlights na yun, e.

“Pero ‘eto nga, sabi hanggang October pa raw. Well, let see…” huling pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN