Model-actor Lemuel Pelayo reveals his dream role: “Siyempre lead na dramatic ang role tulad ni Coco Martin… or ni John Lloyd Cruz."

Lemuel Pelayo admits to having been offered an indecent proposal by a gay admirer when he was still a model, but he declined the offer. Now that he is in the movies, he says: “Wala, wala na. Sinabihan rin ako sa ABS na yung image, ingatan ko yun, ganun."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang model turned actor na si Lemuel Pelayo, na kasali sa cast ng afternoon soap ng ABS-CBN na Hiyas.

Paglalarawan ni Lemuel sa kanyang role, “Sa Hiyas, kontrabida ako doon. Kapatid ko si Mercedes Cabral ’tapos kalaban kami ng tribo ni Zanjoe Marudo.

“Yung hiyas doon, nawala. Kailangan maibalik ni Zanjoe para mapakasalan niya yung kapatid ko, si Giyana, si Mercedes.

“Ayun, parang pressured siya. Mahal niya yung kapatid ko so binigyan namin siya ng taning para maibalik niya iyon.

“Kung hindi, hindi niya mapapakasalan ang kapatid ko.”

First kontrabida role ito ni Lemuel.

Bago ito ay napanood siya sa isa pang Kapamilya afternoon soap, ang Angelito: Ang Batang Ama. Pero hindi na kasama si Lemuel sa Book 2 ng seryeng ito na pinagbibidahan ni JM de Guzman.

“Medyo barumbado ako dun [sa Angelito], pero okay naman. Dito sa Hiyas, medyo mas maganda ang role ko sa Hiyas."

Matagal nang natapos ang taping ng Hiyas ngunit ngayon lamang ito naipalabas.

Sabi ni Lemuel, “Ayun nga, tuwang-tuwa nga kami dahil mataas ang ratings namin.

“Kasi ang sabi sa amin noon, hindi na raw siya ipapalabas, pero ayun nga, thankful na rin.

“Kasi after Angelito, merong Hiyas, so visible pa rin ako kahit papaano.”

PREVIOUS PROJECTS. Sa movies naman, nagawa na ni Lemuel ang D’ Survivors at Romeo and Juliet. Sa huli ay nakasama niya sina Alessandra de Rossi at Victor Basa.

Dagdag niya, “’Tsaka Chassis kay Jodi Sta. Maria.

"Ang pinaka-recent movie ko ay yung Cactus Heart nina Maja Salvador at Matteo Guidicelli.”

Gay ang role niya sa Cactus Heart, mabuti at napapayag siya na gumanap na bakla?

“Okay lang kasi comedy role naman yun, e,” sagot ng guwapong modelo.

Paano kung seryosong gay-themed movie?

“Hindi ko pa alam. Siguro sige, kung maganda yung role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta maganda yung role, okay lang.”

DREAM ROLE. Ano ba ang dream role ni Lemuel?

“Siyempre lead na dramatic ang role tulad ni Coco Martin… or ni John Lloyd Cruz.

“Iyon lang ang medyo nasa isip ko ngayon—a dramatic role na lead talaga, ‘tapos yung talagang istorya sa akin.

“’Tapos may partner akong babae na parang love story na drama.

“Action? Hindi siya masyadong napupunta sa isip ko.”

Sa Hiyas ay wala ba siyang action or fight scenes?

“Meron naman pero hindi ganun kaano na… as in aksyon talaga.”

BODY EXPOSURE. Karamihan ng eksena ni Lemuel sa Hiyas ay naka-bahag siya bilang miyembro siya ng isang katutubong tribo.

“’Tapos hubad, ’tapos may mga paint sa katawan.”

Sa fashion show ng Bench na-discover si Lemuel. How far would he go sa paghuhubad?

“Oo, trunks okay lang.

“Kasi nagko-commercial pa rin ako, hindi natin alam kung… may mga lockout kasing tinatawag, e, or morality clause.”

What if movie na matindi pero may butt exposure?

“Iyon ang hindi ko pa alam. Siguro ngayon, hindi pa muna sa ngayon.”

ANGEL LOCSIN. Si Lemuel ang leading man ni Angel Locsin sa ipinapalabas ngayong commercial ng isang brand ng feminine napkin. Kumusta naman katrabaho si Angel?

“Napakabait, sobra! Napaka-down to earth, humble, ’tsaka tinutulungan niya lahat ng mga kasama sa work.”

Hindi ba niya naisip ligawan noon si Angel?

Tumawa muna si Lemuel at saka sinabing, “Angel kasi siya, e, mahirap. ’Tsaka ‘pag trabaho, trabaho lang.

“Nakita ko na siya before, pero hindi ko pa siya nakatrabaho before, so sinamantala ko yung buong araw na kasama ko siya.

“Kinakausap ko siya, nagpipiktyur-picture ako with her so nakakatuwa naman.”

COMPETING WITH CO-ACTORS. Si Lemuel ay isa sa talents ng Mercator Model and Artist Management na pinamamahalaan ni Jonas Gaffud.

Ang iba artists ng Mercator ay sina JC Tiuseco, Fabio Ide, Benjamin Alves, Ervic Vijandre at Akihiro Sato na nasa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Balitang sina Daniel Matsunaga at Kerbie Zamora ay lilipat, o lumipat na, sa TV5.

Sina Lemuel, Venus Raj, at Shamcey Supsup ang nasa ABS naman.

“Masaya naman ako sa ABS, magkakaibigan kaming lahat," sabi ni Lemuel nang tanungin tungkol sa kanyang mga "kapatod" sa Mercator.

Wala bang asaran na nasa iba-ibang TV stations sila?

“Wala. Biruan lang, pero walang pikunan.

“Kami kasi, magkakaibigan kami. Matagal na kami sa ahensiya namin sa Mercator.

“So masaya kami na yung manager namin, napapapunta kami sa mga gusto naming puntahan na unti-unti.

“Kaya kapag nalalaman namin na may lead si ganito, siyempre proud kami kasi para na kaming magkakapatid.”

Hindi ba siya nakakaramdam ng insecurities sa mga Brapanese talents ng Mercator?

“Hindi, e. Kasi nung simula… siguro una kasi sabihin na natin na sila, magagandang lalaki. Ang lalaki...

"Pero yung sa akin, Pinoy, Pinoy siyempre, nasa Pilipinas tayo, e.

“Pero sila naman, mga kaibigan ko lahat.”

INDECENT PROPOSALS. Nakatanggap na raw si Lemuel ng indecent proposal mula sa isang gay.

“Model pa lang ako noon. Inalok ako ng house and lot.

“Text-text lang. Kilala ko, friend ng friend ko. Parang, ‘Gusto mo ba ng ganito?

“Sabi ko, ‘Thank you.’

“Sabi ko lang, okay lang na friends kami. Hindi naman siya bastos, hindi naman nangulit.”

Ngayong artista na siya?

“Wala, wala na. Sinabihan rin ako sa ABS na yung image, ingatan ko yun, ganun.

“Sinabi rin naman ni Jonas iyon sa akin.”

Sa Lyceum nag-aral dati si Lemuel at graduate siya ng kursong Hotel and Restaurant Management (HRM).

“Puwede akong mag-barko at mag-hotel if ever wala na ako sa showbiz,” banggit niya.

One year and a half pa lang si Lemuel nang naging parte dati ng Daisy Siete.

TIME FRAME. May time limit ba siya sa career niya kung hanggang kailan siya maghihintay bago sumikat nang todo-todo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala, e. Basta naniniwala lang ako kay Jonas na ‘pag sinabi niyang ganito, ganyan, ‘Maghintay ka.’

“Kasi nung nagko-commercials ako dati... kasi nasanay akong mag-commercials at mag-model.

“Mga one month wala akong ginagawa, pero hindi ko siya [Jonas] pini-pressure na, ‘Ano ba ’yan?’

“Actually, siya yung nagsabi sa akin na, ‘Mag-artista ka!’

“Binigyan ko muna ng isang taon yung sarili ko nun para mag-isip. So nung pumayag ako na mag-artista, ‘eto na.”

Bakit isang taon?

“Kasi in-enjoy ko muna yung pagko-commercial. Kasi for me, iba yung pagmo-modelo sa pag-aartista, e… magkaiba.

“Kasi once nag-model ka ‘tapos umakyat ka na sa pag-aartista, iba na.”

Ang three most beautiful actresses para kay Lemuel…

“For me, Carla Abellana, si Anne Curtis, ]tapos si Angel.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN