Zoren Legaspi feels there is now a "connection" between him and BB Gandanghari after their interview

Zoren Legaspi (right) on interviewing BB Gandanghari (left): “At first talaga, nakakailang. Kasi hindi ko alam kung ano ang sagot niya, e. Kung iba-block niya or paprangkahin ka niya or hindi niya sasagutin. Yun lang. Pero it turned out na out in the open yung mga sagot niya at yung mga tanong ko. Kasi sinabi ko talaga na ‘maging honest tayo.’ And na-feel ko namang honest naman siya sa lahat ng mga sagot niya.”


Malaking kuwestiyon sa marami ang naging panayam ni Zoren Legaspi kay BB Gandanghari sa Paparazzi ng TV5 na ipinalabas noong Sabado, June 2.

(Click HERE and HERE to read related stories.)

Si Zoren ang longtime partner ni Carmina Villarroel na dati namang asawa ni Rustom Padilla—ang dating katauhan ni BB.

Matapos kasi ang panayam ni Mariel Rodriguez sa “hipag” niyang si BB sa parehong showbiz talk show noong March 17, 2012, inakala ng maraming wala nang susunod pang interview kay BB.

Bukod dito, minsan na ring sinabi ni Zoren na hindi niya priority ang ma-interview pa si BB dahil nakatas na sa unang paglabas nito sa Paparazzi ang mga impormasyong gustong malaman ng mga manonood.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zoren pagkatapos ng live airing ng Paparazzi noong Sabado.

Dito ay tinanong namin ang actor-TV host-director kung ano ba talaga ang rason niya at finally ay nagdesisyon siyang harapin si BB sa isang interview.

Paliwanag ni Zoren, “Matagal nang naka-schedule yun.

“Medyo on and off lang yung schedule. Hindi nga matuluy-tuloy for some reason.

“I’m glad natapos na rin dahil dapat lang makapag-usap kami.”

Ano ang nakapagpabago ng desisyon niya na interbyuhin si BB, samantalang nawalan na siya ng interes dito noong una?

Natatandaan naming sinabi ni Zoren sa amin na hindi na niya gusto pang interbyuhin si BB dahil parang wala nang puwede pang maitanong dito.

Noong una, hindi pa matandaan ni Zoren ang kanyang statement sa amin. Pero nang ipaalala namin ang interview namin sa kanya at saka niya natandaang nagbitiw nga siya ng ganung salita.

“Kaya ko ni-request na VTR,” sabi ni Zoren, na ang ibig niyang sabihin ay hindi niya gusto ang live interview kay BB.

Paliwanag niya, “Kasi ‘pag live interview, wala akong maitatanong kasi kulang ang oras.

“Kaya nga ‘pag VTR… siyempre hindi naman ganun ka-straight forward ang tanong mo sa kanya, e. Getting to know each other kayo kaya mahirap nang magkamali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya ni-request ko VTR, para unti-unti, bumubuka yung mga tanong, yung mga sagot niya.

“Unlike ‘pag live… live sana yung interview ko, e.

“Naisip ko na parang wala akong maitatanong sa kanya nang live kasi konting oras. Saka ayoko yung pattern ng mga questions.”

LETTING CARMINA KNOW. Ipinaalam niya ba ang interview na ito kay Carmina bago nai-set ang schedule ng paghaharap nila ni BB?

“A, ipinaalam ko sa kanya. Ipinaalam ko lang.

“Pero wala naman siyang… hindi ko naman kailangang marinig ang sagot niya.

“Basta ang sabi ko lang, ‘May interview, matutuloy na ‘yan mamayang gabi, babay!’ Ganun lang.”

Hindi niya ba naisip na tanungin si Carmina kung meron siyang gustong ipatanong para kay BB?

“Wala. Wala… I’m sure wala naman siyang itatanong.

“Worried lang yun kung ano ang magiging outcome ng interview. Rest assured lang na hindi pangit.”

Nakapag-usap na ba sina Carmina at BB mula nang bumalik mula sa U.S. ang huli?

“Uhm, hindi sila nakakapagkita. Hindi,” sagot ni Zoren.

THE INTERVIEW. Natanong ba ni Zoren ang lahat ng gusto niyang itanong kay BB?

“Uhm…at least 80 percent,” sagot niya.

“Saka yung mga importanteng dapat kong malaman, naitanong ko naman.

“Like yung wala siyang sama ng loob sa akin.

“Pangalawa, tanggap na niya yung sitwasyon and he’s happy.

“Pangatlo, nagkaroon kami ng… I think nagkaroon kami ng connection.

“Hindi mabigat yung pakiramdam namin sa isa’t isa.

“And it’s really good dahil kapag nagkita kami sa kahit na anong parties or gathering, hindi kami mag-iisnaban.”

Nakakailang ba sa umpisa?

“At first talaga, nakakailang.

“Kasi hindi ko alam kung ano ang sagot niya, e. Kung iba-block niya or paprangkahin ka niya or hindi niya sasagutin. Yun lang.

“Pero it turned out na out in the open yung mga sagot niya at yung mga tanong ko. Kasi sinabi ko talaga na ‘maging honest tayo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And na-feel ko namang honest naman siya sa lahat ng mga sagot niya,” saad ni Zoren.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN