BB Gandanghari explains why she agreed to face Zoren Legaspi in an interview; has yet to talk to Carmina Villarroel as BB

"Mabait si Zoren e, parang feeling ko... Ibig kong sabihin, nasa punto ako ngayon na hindi rin naman puro pisikal. Pero kung the way na ipinapakita niya sa amin at ganun siya at liligaw sa akin ng ganun? Puwede!” says BB Gandanghari about Zoren Legaspi.


Aminadong nabunutan ng tinik si BB Gandanghari nang interbyuhin siya ni Zoren Legaspi para sa Paparazzi.

(Click HERE and HERE to read related stories.)

“Yun nga yung sinasabing the unbearable lightness of being—that’s how you can describe it actually.

“It’s very light. Hindi mo na maintindihan kung bakit gano’n ka-light,” paglalarawan ni BB ng kanyang pakiramdam sa paghaharap nila finally ni Zoren.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si BB pagkatapos ng live guest appearance niya sa Paparazzi noong Sabado, June 2, sa Broadway TV5 studio.

Ano ang naramdaman ni BB sa panayam na iyon? Hindi ba siya nahirapang kumbinsihin ang sarili niya na makipagharap kay Zoren?

“Hindi,” mabilis niyang tugon.

“Actually, more than yung hirap, yung gusto ko lang malaman kung bakit.

“Yung parang gawin for anything, other than yung sana maging maayos lang ang lahat, matapos na yung iwasan and all.

“Pero yung parang gumimik or something… yun ang iniisip kong mabuti, why I’m gonna do it.”

NOTHING TO TALK ABOUT. Bakit hindi sila nag-usap nang personal bago sila nagharap ng kamera?

Ang naging reaksiyon kasi ng ibang nakapanood ng interview ni Zoren kay BB ay hindi sincere ang intensiyon nilang tapusin ang anumang maling impression ng isa’t isa.

Ano ang reaksiyon dito ni BB?

“Unang-una, wala naman kaming kailangang pag-usapan ni Zoren sa likod ng kamera, kasi wala naman kaming issue na dapat i-settle.”

Kay Carmina raw siya may isyung dapat i-settle.

Saad ni BB, “Kaya ako, gusto ko kami ni Carmina ang mag-usap na walang kamera. And that’s we always do.

“Kay Zoren, wala kaming ganyan. Wala kaming dapat pag-usapan na dapat itago.

“Kumbaga, wala naman kaming… you know what I mean? Walang koneksiyon na puwede naming pag-usapan na ‘sa ating dalawa lang ito, ha?’

“And since meron siyang... as a host, parang ano na yun, given na yun na may kamera. Pero actually, nag-uusap na kayo noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I just took it na parang, as an opening na, ‘O, sige, puwede na ‘yan, para matapos na.’

“Kaya noong natapos yung interview, sa isip ko, ‘Wow!’ Parang nangyari yung nasa isip ko.”

Hindi itinatanggi ni BB na nailang din siya sa paghaharap nila gaya ng naramdaman ni Zoren.

“Of course, kasi hindi mo alam kung paano, e,” sabi niya.

ZOREN TO BB. Nailang ba siya dahil kaharap niya ang asawa ni Carmina o dahil guwapo si Zoren?

Natawa muna si BB sa narinig bago siya nagsalita.

“Charos!” bulalas niya.

“Hindi… nailang ako dahil, unang-una, hindi ko siya talaga kilala.

“Yung ilang na makakausap mo ‘tapos hindi mo kilala.

“’Tapos, ilang na may past kayo, pero wala kayong past. Kuha mo?

“So, parang ganun yung naging dating sa akin ng lahat.

“But other than that… wala, maraming guwapo sa New York, ‘no!” bitaw niya ng salita kasunod ang isang ngiti.

Pero binawi rin ni BB ang kanyang sinabi sa pag-aalalang baka ma-misinterpret ng iba ang kanyang pahayag.

“Hindi, don’t get me wrong, guwapo rin si Zoren.

"Pero nasa kamay na siya ni Carmina!” biro niya sabay halakhak.

“Huwag nating ano… don’t complicate matters parang ganyan. And I’m happy for them.”

Attractive ba para sa kanya si Zoren?

“Naku, ‘Day, ano ba?” nalilitong reaksiyon ni BB, na parang tinitimpla ang sarili kung ano ang puwede niyang sabihin na neutral sa lahat.

“Kasi guwapo, e,” dugtong na sabi niya.

“Pero hindi ko naiisipan ng kahit na anong malisya… Dyusko, ‘Day! Pag-iisipan mo pa ba ng malisya ‘yan?

“Pero mabait si Zoren e, parang feeling ko...

"Ibig kong sabihin, nasa punto ako ngayon na hindi rin naman puro pisikal.

"Pero kung the way na ipinapakita niya sa amin at ganun siya at liligaw sa akin ng ganun? Puwede!”

TILL DEATH DO THEY PART. Naniniwala ba siyang mahal talaga ni Zoren si Carmina at magtatagal sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dyusko naman, oo, ‘no!” walang kagatul-gatol na sagot ni BB.

Disconneted na raw si BB kay Carmina kaya hindi na nito masabi kung ang pagkakilala niya sa actress-TV host ay siyang puwedeng maging isa sa mga factor para magtagal pa ang pagsasama nila ni Zoren.

“Ang tagal na nila, e.

“More than anything else, sila yung… hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanila.

“I can only speak for… kung ano yung pagkakilala ko kay Carmina years ago. People change.

“Ang sa akin lang, ayoko nang isipin kung ano ang nangyayari sa mga taong ito. I can only wish them the best really.

“Sana nga magtuluy-tuloy ‘yan na till death do they part.”

GOOD FRIEND. Kung makaharap at makausap niya si Carmina, ano pa ba ang gusto niya i-settle sa kanya?

“Wala na. Just to… baka naman kasi puwedeng maging magkakaibigan.

“Honestly, dahil sa pagkakakilala ko kay Carmina at napakabait niyang tao, she’s really a good friend.

“If only for that, kung doon mapupunta itong mga ito, aba, maganda, di ba?”

Wala pa ba talagang friendship sa pagitan nila ng dating asawa?

“Wala pa. Wala pa,” iiling-iling niyang sabi.

Yung pag-uusap nila dati, wala pa bang nabuong friendship doon?

“Wala pa. Kasi you build friendship through time, through constant communication, through constant conversation.

“We never had constant communication.”

Ayon kay BB, pitong taon na ang nakakaraan nang huli silang mag-usap ni Carmina.

“Ang bilis ng panahon, huh! Di ba? Almost seven years ago.

“In fact, ang kausap pa niya noon ay si Rustom.

"Ako bilang si BB, hindi pa kami nagkakausap,” sabi niya.

Natutuwa raw si BB dahil kahit hindi pa sila nagkakausap ni Carmina, favorable lahat ng mga komento ng huli para sa kanya.

“Yun naman ang ikinatutuwa ko… sana nga wala na. E, wala naman na talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi masabi BB kung agad-agad siyang magpapa-interview kay Carmina sa showbiz talk show nito sa ABS-CBN, ang Showbiz Inside Report.

“Tingnan natin. Ang gusto ko kasi muna, mag-usap muna kami,” sabi niya.

SHOWBIZ COMEBACK. Tungkol naman sa mga kaganapan sa comeback ni BB sa showbiz, may mga guest appearance daw siya sa mga programa ng TV5, gaya ng Untold Stories.

“’Tapos may sinasabi sila sa aking soap na gagawin. So, okey naman, productive naman siya.

“Hinihintay ko na lang na mag-materialize yung mga yun.”

Dalawang buwan daw siyang mananatili dito sa Pilipinas bago siya bumalik sa New York.

FREE-SPIRITED. Masarap sa pakiramdam ni BB ang mga papuring naririnig niya gaya ng pagiging free-spirited niya ngayon.

“Oo, ‘Day. Ngayon, I’m rising from the ashes,” sabi niya.

Pagdating naman sa kanyang pamilya, nananatiling tikom ang bibig ni BB kapag ang usapan ay tungkol sa kapatid niyang si Robin Padilla.

Balita kasing tutol pa rin ang kapatid niya sa kanyang bagong katauhan.

Ayon kay BB, “Naku, huwag na natin siyang pag-usapan.

“Hindi ko rin kasi alam kung paano sasagutin yung mga ganyan. Nabablangko na ako kapag tungkol diyan ang usapan.

“Kasi parang malungkot, e.

“Kay Mama [Eva Cariño Padilla], okey lang,” sabi niya.

Sa kabilang banda, natutuwa naman si BB sa mga naririnig niyang komento ng mga pamangkin niya, lalo’t suportado nila ang pagdadamit-babae ng kanilang tiyuhin.

“Wala akong problema sa mga pamangkin ko, kasi they’re very open.

“Hindi ko alam kung saan nanggaling. Siguro dahil exposed sila sa mga… lalo na sa Internet.

“Wala na silang hang-ups sa mga katulad ko. So, okey naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN