John Prats on breakup with Bianca Manalo: "Hindi ako nakikipag-break dahil trip ko lang, dahil hobby ko siya. Lahat may rason."

John Prats on another failed relationship: “Kasi sa akin din naman, nakaka-disappoint na I had so much failed relationships and hindi nakaka-proud yun as a person. Siyempre naghahanap din naman ako ng tao talaga na para sa akin. Kasi naniniwala ako na ang love, nandiyan, pero ang dami pang bagay na dapat i-work on sa relationship; like trust, respect, understanding… marami talaga. Ngayon, ang motto ko talaga—ang relasyon, tinatrabaho yun. Hindi lang siya j


Iba-iba ang naging reaksiyon ng publiko kaugnay ng ginawang pag-amin ni Bianca Manalo ng pakikipag-break sa kanya ni John Prats sa Bandila noong May 30.

(CLICK HERE to read related story.)

Dahil dito, naungkat muli ang breakup ni John noon sa singer na si Rachelle Ann Go.

Usap-usapan kasi na si John din daw ang nag-initiate para tapusin ang relasyon nila ni Rachelle.

Tuloy, nabansagang “playboy” at “heartbreaker” ang actor-TV host dahil sa mga pangyayaring ito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng Cinema News kay John noong Linggo, june 3, sa dressing room ng ASAP 2012.

HEARTBREAKER? Kinumusta at tinanong namin si John kung paano niya tinatanggap ang mga masasakit na paratang na laro lang para sa kanya ang relasyon at mga babaeng nakakarelasyon niya.

“I’m okay,” nakangiti niyang tugon.

“Hurt din siyempre sa mga nangyayari, sa mga ibinabato sa akin.

"Although nai-strengthen din naman ako ng support group ko, ng sarili ko rin siguro.

“Nakakalungkot lang na mapagbintangan ka or ma-judge ka.

“Akala nila nakaka-proud bilang lalake na mabansagan ka na playboy, nang-iiwan o papalit-palit.

“Hindi ko trip yun, lahat may rason.”

Dagdag niya, “Ako naman kasi, in my twenty years in the industry, hindi mo naman mapi-please ang lahat.

“Basta ako, alam ko kung ano ang totoo, alam ko kung ano ang ginawa ko, dun lang ako.”

Ayon kay John, pareho lang daw ang sitwasyon nilang mga artista sa mga normal na tao.

Ang kaibahan lang ay napapalaki at napag-uusapan nang husto kapag nauuuwi sa breakup ang kanilang relasyon dahil public property sila at may mga pangalan.

“You fall in love, then eventually makikilala mo ang partner mo at may mari-realize kayo na hindi pala kayo compatible.

“So, mas masakit kung ipipilit ninyo.”

Ano ang naging reaksiyon ng kanyang pamilya sa breakup nila ni Bianca?

“Siyempre normal yung nahe-hurt sila dahil pamilya ko yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At the end of the day, mawawala ang mga karelasyon mo but your family will stay.

“Be strong and they’re just there,” sabi niya.

THERE IS A REASON FOR EVERYTHING. Bakit nanahimik siya noong una tungkol sa breakup nila ni Bianca?

“Sa indsutriyang ito, bukas na bukas ang buhay ko. May gusto lang akong itago sa sarili ko.

“Being ungentleman? Yun na rin siguro saka okay na, huwag na nating dagdagan,” saad niya?

Pero ano nga ba ang dahilan ng pakikipag-break niya kay Bianca?

“Ayokong magsalita kasi may respeto ako sa babae and I don’t want to go into details.

“Ganito lang kadali yun—hindi ako nakikipag-break dahil trip ko lang, dahil hobby ko siya. Lahat may rason.

“Yun lang naman yun, lahat may rason,” sabi niya.

Nanggaling ang kumpirmasyon ng breakup nila kay Bianca mismo at, ayon kay John, wala siyang anumang sama ng loob sa ex-girlfriend sa ginawa nitong pag-amin.

“Wala, ako naman kasi, ayokong nagtatanim ng sama ng loob.

“I just wish her happiness and yun lang naman ang sinabi ko.

“Ayoko lang talaga ng negative, ayoko na magsalita pa ng masama—and siya din naman, ganun.

“Ayoko din naman makarinig na hindi rin naman niya ginagawa.

“I respect her decision and I admire her for that.

“Sana mahanap naming dalawa yung happiness namin.

“Kasi sa akin din naman, nakaka-disappoint na I had so much failed relationships and hindi nakaka-proud yun as a person.

“Siyempre naghahanap din naman ako ng tao talaga na para sa akin.”

Dugtong niya, “Kasi naniniwala ako na ang love, nandiyan, pero ang dami pang bagay na dapat i-work on sa relationship; like trust, respect, understanding… marami talaga.

“Ngayon, ang motto ko talaga—ang relasyon, tinatrabaho yun.

“Hindi lang siya just go with the flow or basta-basta understand.

“Talagang kailangang trabahuhin n’yong mabuti para mag-work out.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinasabing walang perpektong relasyon at magkarelasyon, pero ano sa palagay niya ang naging pagkukulang niya sa naging relasyon nila?

Sagot ni John, “Wala naman, both of us naman gave our best.

“Minsan lang talaga, hindi lang talaga tugma, hindi meant," paniniwala ni John.

NOT READY FOR ANOTHER RELATIONSHIP. Inamin ni John na wala silang komunikasyon ngayon ni Bianca, pero open daw siya na magkausap at maging magkaibigan silang muli ng ex-girlfriend.

Pero mahal pa ba niya si Bianca?

“Siyempre naman, nandiyan pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Never mawawala yun, naging parte siya ng buhay ko.”

Paano kung sa mga susunod na araw ay mabalitaan niya na may bago nang boyfriend ang dating kasintahan?

“Ako naman, kung saan siya magiging masaya, dun ako.

“Never akong nagtanim ng galit, wala naman akong nakaaway sa industriya.”

Sa kaso naman ni John, sa ngayon daw ay hindi pa siya handang pumasok sa bagong pakikipagrelasyon.

“Ay, hindi, definitely not!” sambit niya.

“Parang idol ko nga si Vic Sotto ngayon, steady lang.

“Ayoko na rin kasing i-presure ang sarili ko.

“Although ako, to have my family eventually, but I don’t wanna push it.

“Siyempre, if ever na ikakasal ako, once lang in my life and I want to be sure.”

Sa susunod kaya ay hindi na taga-showbiz ang pipiliin niyang maging girlfriend para hindi gaanong kumplikado?

“Non-showbiz girlfriend? Naiisip ko rin siya, pero ngayon, I’m not yet ready to commit.

“So never kong kinukuha yung idea na yun ngayon.”

NO THIRD PARTY. Sa breakup nina John at Bianca ay nadadawit ang pangalan ng SexBomb dancer na si Sunshine Garcia, na kasama rin ni John sa Banana Split.

Muling itinanggi ng aktor na wala silang relasyon ni Sunshine.

Ani John, “Natatawa ako… I called Sunshine and I apologized to her—and to her boyfriend na kaibigan ko pa naman kasi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Isang pamilya kami sa Banana Split. Natawa lang ako at nahiya ako kasi nadadamay pa siya na hindi ko alam kung bakit.

“Nahihiya ako sa boyfriend niya kasi kasama pa namin siya sa Banana Split, bumibisita, nanonood ng show namin.

“Parang I was hoping pa nga si Angelica [Panganiban] pa yung matsitsismis sa akin kasi siya yung super close sa akin.

“Natatawa talaga ako dun.”

Sila ni Angelica?

“Naku, hindi… hindi talaga, siya din naman.

“We grew up together. I’d rather be her best friend forever than to be her lover just for a year,” sabi ni John.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN