Rhian Ramos on rumor linking her to KC Montero: "We have been spending a lot of time together... I want to get to know him more."

Rhian Ramos is now being romantically linked to TV host-disc jockey KC Montero. But the actress says, "I think if there’s something that I’ve learned, it’s that kailangan mo talagang kilalanin yung mga tao bago mo talagang gawing mainstays sa buhay mo!”


Sinasabing naka-move on na ang Kapuso actress na si Rhian Ramos sa pinagdaanan niyang mga intriga noong isang taon, lalo na tungkol sa naging kontrobersiyal na relasyon nila ng ex-boyfriend niyang si DJ Mo Twister.

Malaking tulong daw para maka-cope si Rhian sa lahat ng ito ang TV host at radio jock na si KC Montero.

Sa interview kay Rhian ng press sa isang event—na napanood sa Showbiz Central noong Linggo, June 3—isa-isang sinagot ng Kapuso actress ang mga isyung ito.

Ayon kay Rhian, pinatatag siya ng mga dumaang unos at pagsubok sa kanyang buhay.

“Thankful ako sa lahat ng mga nangyari sa akin kasi I’m a different person now.

“And I’m a happier person now. And mas nakaka-appreciate ako ng lahat ng bagay,” sabi niya.

Kababalik pa lang ni Rhian mula sa Amerika matapos ang international release at premiere ng pelikulang The Road sa Los Angeles.

Kuwento nga ni Rhian sa kanyang naging experience doon, “Ang daming lumalapit sa akin na mga Amerikano. Yun ang exciting doon—na mga Amerikano sila at na-appreciate nila yung gawa nating pelikula.”

SPENDING A LOT OF TIME WITH KC. Mistulang isa na nga sa pinakabagong sorpresa sa buhay ni Rhian ay ang pagiging malapit niya sa isa sa mga kaibigang dumamay sa kanya during her most trying times—si KC Montero.

Nagkataon namang nandun din sa event na dinaluhan ni Rhian si KC at medyo nailang nga ang aktres nang lumapit ang TV host-radio jock sa dalaga habang ini-interview ito ng mga press.

Nang magtanong ang press kay Rhian tungkol kay KC, nasabi na lang nito na: “Pinagpapawisan ako bigla! O sige, sasagutin ko, pero hindi siya [KC] puwedeng makinig.”

Pagkatapos ay pinaalis na niya sa kanyang tabi ang nakangiti lang na si KC.

Paglilinaw ni Rhian sa isyu ng pagli-link sa kanila ni KC, “Hindi nga kasi ako ready.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag-alis ko, talagang yung career ko lang talaga. Wala akong ibang iniisip.

“At saka very focused ako. Ganun pa rin naman ngayon.”

Inamin naman ni Rhian na mas kinikilala niya pa si KC.

“Pero we have been spending a lot of time together.

“And sa tingin ko before… bago ko pag-isipan yung ganun klaseng bagay, I want to get to know him more.

“Kasi ano, e, I think if there’s something that I’ve learned, it’s that kailangan mo talagang kilalanin yung mga tao bago mo talagang gawing mainstays sa buhay mo!” natatawang sabi ni Rhian.

Hindi naman daw nagmamadali si Rhian na magkaroon ng bagong lovelife. Mas gusto niya raw muna ng kaibigan ngayon.

“May mga close ako na kaibigan na lalaki, pero hindi sila nanliligaw.

“Alam din nila… nakikita din nila siguro sa mga kilos ko na hindi ngayon yung tamang time.

“Ayun, parang I’m just giving myself a chance to have friends—to breathe and to enjoy their company.”

KC REACTS. Sa hiwalay na interview naman kay KC, sinabi nito kung bakit niya nagustuhan si Rhian:

“I’ve found out that she’s a very wonderful and incredible girl. And I just really like spending time with her.”


TIME FOR HER FAMILY. Ngayon, bagamat busy si Rhian sa kanyang mga proyekto at panibagong mga endorsement, magsasantabi ng panahon ang aktres para sa kanyang sarili at sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay niya—ang kanyang pamilya.

Makakasama ni Rhian ang kanyang ina sa panonood ng laban ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao kontra kay Tim Bradley sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, sa June 9 (June 10 sa Pilipinas).

Co-host ni Manny si Rhian sa GMA-7 show na Manny Many Prizes.

Ayon kay Rhian, “Sa [June] 7 ako darating doon sa Las Vegas.’Tapos sa 9 yung laban ni Ninong [tawag kay Manny].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, kasi sobra naman yung support niya nung premiere ng The Road."

Ang tinutukoy ni Rhian ay ang pagdalo ni Manny sa premiere ng The Road sa Hollywood.

Dagdag ng aktres, “Dadalhin ko kasi yung mommy ko sa fight. Parang bagong tradisyon.

“I’m taking the opportunity to spend time with my family. At saka maipakita ko na mahal ko sila.

“Thankful ako na nandiyan sila lagi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN