Paul Jake Castillo on admitting his relationship with Melissa Ricks: "I don’t wanna hide it na we are together."

Former PBB housemate Paul Jake Castillo on girlfriend Melissa Ricks: “I don’t know kung ano ang meron sa akin. Aside from being not as tall as she is… hindi ko alam. I’m happy na napasaya ko siya. Yes, people are saying na napasaya ko. Yes, I’m happy to make her happy.”


Pumangalawa ang dating Pinoy Big Brother Double Up housemate at ang kaibigan niyang si Jan Señerpida sa kauna-unahang Jollibee Drive-Thru Cross-Country Challenge.

Dumalo ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa awarding ceremony nito sa Sunset Pavillion ng Sofitel Hotel noong May 31.

Nasa venue rin ang girlfriend niyang si Melissa Rickks, na nagpaalam sandali sa kanyang taping ng Walang Hanggan para suportahan si Paul Jake.

Unang nakapanayam ng PEP si Melissa at dito ay inamin niyang opisyal na ang relasyon nila ni Paul Jake bilang magkasintahan.

(CLICK HERE to read Melissa’s interview.)

Dito na rin umikot ang interview ng PEP sa dating PBB housemate.

Sampung araw ang itinagal ng challenge na sinalihan ni Paul Jake at iba pang participants, kung saan inikot nila ang buong Luzon at Mindanao.

Mabilis sa pagsagot niya si Jake sa tanong namin kung na-miss ba niya si Melissa.

“Oo naman!” bulalas niya.

“Well, as we all know, we have the freedom to use the Twitter naman. So, yun.

“Pero the whole 10 days, wala kaming phone, kinuha nila. “

Sa awarding ceremony ay sumayaw siya kasama ng ibang participants para sa kanilang dance number.

Awkward man ang mga dance moves niya, halatang enjoy na enjoy si Paul Jake sa ginawa niya, lalo’t panay ang sulyap niya sa kinalulugaran ni Melissa kasunod ng pagbati, pagkaway, at pagngiti niya sa young actress.

Masaya ba siyang nandun sa venue si Melissa at sumusuporta sa kanya?

“Of course naman. Siyempre, yung taong importante sa iyo, ‘pag nakikita mo siya around, sasaya ka, di ba?” tugon niya.

THERE’S NOTHING TO HIDE. Kumusta na ba sila ni Melissa?

“Okey naman kami, we are together now… three months na kami,” pag-amin ni Paul Jake.

Bakit nagdesisyon silang aminin na ang kanilang relasyon?

“I don’t know… I’m not hiding anything namam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You know, I don’t wanna hide it na we are together.

“I guess if somebody asked about it before pa, hindi naman ako magsisinungaling,” sagot niya.

Handa na ba siyang sumalang sa mga intriga, lalo’t high-profile celebrity ang kanyang kasintahan?

“Yeah, si Mel siguro high-profile. And me? I don’t care about yung mga intriga. It’s me na… I don’t care.

“Okey lang na maintriga. I trust her, she trusts me,” sagot ng Cebuano celebrity.

JAKE CUENCA. Sa palagay ba ni Paul Jake ay tamang-tama ang dating niya sa buhay ni Melissa, lalo na’t hindi naging maganda ang naging pagtatapos ng relasyon ng aktres kay Jake Cuenca?

“A, huwag naman,” pagtatanggol niya kay Jake.

“What happened, happened.

“I guess she was heartbroken, pero you know, I’m sure that wasn’t intended to happen.

“I’m sure Jake is really a good guy… so, uhm, that’s something really nice to know na when we met naman, she was happy and she was happy naman talaga.

“I didn’t see the sad side, pero that was the past. That was her past and that was none of my business na rin naman kasi.”

Paano kapag nakita niya sa isang okasyon o pagkakataon si Jake Cuenca, babatiin ba niya ito?

“Well, si Jake naman ever since before pa, I’ve met Jake. He’s a good guy.

“We went out a few times. Yeah, he’s a good guy.

“I’m really worried about Jake ‘coz, you know, he’s a good guy.”

MAKING MELISSA HAPPY. Hindi maipagkakailang masaya si Melissa sa estado ng relasyon nila ni Paul Jake. Kitang-kita sa kanyang reaksiyon, ngiti, at ang effort niyang suportahan ang kasintahan sa sinalihan nitong competition.

Kaya ang tanong namin kay Paul Jake ay kung paano ba niya napapasaya ni Melissa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t know kung ano ang meron sa akin. Aside from being not as tall as she is… hindi ko alam.

“I’m happy na napasaya ko siya.

“Yes, people are saying na napasaya ko. Yes, I’m happy to make her happy.”

Paano naman siya pinasasaya ni Melissa?

“Siyempre naman kasi, I don’t get bored when I’m with her, definitely.

“When we’re out, kami lang dalawa, I’m happy!

“You know, it’s small things na parang you don’t know why you’re having fun.

“Bigla lang, kahit habang nagda-drive ka lang, going to eat somewhere… simple lang.”

Ano ang mga katangiang nagustuhan niya kay Melissa?

“Well, si Melissa naman… she’s right there,” sabay turo niya sa kinauupuan ni Melissa saka ngumiti sa kasintahan.

Patuloy niya, “First things first, it’s not the looks, it’s not the sex appeal.

“What really got me with her… you know, the feeling na sobrang saya mo when you’re with that certain person.

“I guess you guys have tried that naman? I guess that’s the thing.”

HAPPY TOGETHER. On a scale of 1 to 10—with 10 as the highest and one as the lowest—gaano katindi ang nararamdaman niya para kay Melissa?

“I don’t wanna scale it and, you know, I’m really happy right now.

“I don’t wanna rate it na 10 is the highest and 1 is the lowest.

“I just know that I’m really happy right now,” sabi niya

Nakilala na ba ni Melissa ang parents ni Paul Jake?

“Uhm, yeah, I’ve introduced her to my parents.

“I’ve met her dad. Yung mom pa lang hindi ko pa nakikilala. And she’s in the States right now.”

Masasabi ba niyang perfect girlfriend si Melissa at perfect din ba ang kanilang relationship?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, as of now, of course naman, we’re really happy.

“I don’t wanna say it’s a perfect relationship. But I don’t wanna say it’s a bad relationship.

“Pero yeah, masaya kami and we always want to be together, especially yung time niya, palaging taping lang nang taping, you know.”

May mga tampuhan din ba sila?

“Siyempre, sobrang busy niya sa work.

“Yung sa pagbisita sa taping niya, for me, I don’t wanna go to her taping kasi para sa akin, work is work, baka kasi I’ll be a hassle.

“Siguro one of these days, I will visit her when she has long week."

Hindi na ba siya mag-aartista?

“Me, mag-aartista? Wala namang project. Siguro laos na!” biro niya.

Pero dagdag niya, “I’m staying here in Manila to do some business.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN