Newcomer Janine Gutierrez thankful for her two new shows on GMA-7

Janine Gutierrez belongs to famous showbiz clans of both her parents Ramon Christopher and Lotlot de Leon. So it’s not surprising that she too be involved in showbiz only after finishing a full college course from the Ateneo de Manila University.


Kasama ang newcomer na si Janine Gutierrez sa dalawang bagong programa ng Kapuso network: ang primetime series na Makapiling Kang Muli at ang Sunday afternoon series na Together Forever.

Masaya si Janine dahil kahit wala pa siyang isang taon sa showbiz ay ang dami-dami na niyang blessings na natatanggap.

Bukod sa dalawang TV series niya, regular din siyang napapanood sa Party Pilipinas every Sunday; at may mga endorsements na rin siya.

“I’m happy with all the blessings coming my way po,” sabi ni Janine nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa story conference ng Together Forever.

“I’m only a few months lang in the business and now I’m doing these shows na.

“I like to thank God for all the blessings. I promise to do good in all of them.”

PROUD PARENTS. Masaya rin siyempre ang mga magulang niyang sina Ramon Christopher at Lotlot de Leon dahil napalaki nilang maayos ang kanilang panganay at nakatapos na ito ng college bago ito sumubok na mag-artista.

Graduate ng European Studies sa Ateneo de Manila University si Janine last year.

Kaya nabigyan siya ng blessing na pasukin din ang showbiz.

Aniya, “I’ve always listened and obeyed my mom and dad. Sila ang nakakaalam ng nakakabuti sa akin.

“I really finished college because promise ko ‘yan sa kanila.

“Now they gave me this freedom to choose what I want to do and I chose to be in showbiz like them.

“Sabi nga nila na 21-years old na raw ako, I know how to make decisions na and take care of myself.

“Pero I still need them beside me.

“I want to make the right decisions at gusto ko kasama sila sa mga decision-makings ko.”

FULL SUPPORT. Sa dalawang bagong shows ni Janine, all-out daw ang suporta ng kanyang pamilya at mga kamag-anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They are really behind me 100 percent and so are grandparents, my aunts, uncles, and cousins who are also in showbiz.

“Like in Makapiling Kang Muli, I am working po with my dad and my cousins Richard and Rocky [Gutierrez].

“In Together Forever naman, I am working with my Tita Jackie [Lou Blanco].

"Kaya po, surrounded ako ng mga taong mahal ko.”

LOVE TRIANGLE. Sa Together Forever, ipapareha si Janine kay Enzo Pineda, pero magkakaroon ng isang love triangle involving Steven Silva.

Biniro namin si Janine kung nagpaalam na siya sa mga babaeng nali-link kina Enzo at Steven na sina Louise delos Reyes and Diva Montelaba, respectively.

Sabi naman ng dalaga, “Ay, kasama ko po sina Louise and Diva every Sunday sa Party Pilipinas.

“Magkakasama po kami sa iisang dressing room at alam nila na I will be doing a show with Enzo and Steven.

“Okey nga raw po sa kanila. They will support the show kasi magkakaibigan kaming lahat.”

So, walang mabubuong selos between her and the girls of Enzo and Steven?

“Wala naman po. Both Louise and Diva are my friends. They know na trabaho lang po ito.

“I-update ko nga raw po sila kapag nagte-taping na kami nina Enzo at Steven!” natatawang sabi ni Janine.

ADMIRERS. Isa si Janine sa may pinakamagandang mukha sa showbiz ngayon, kaya imposibleng sabihin na walang nanliligaw dito ngayon.

“Gano’n po ba?” tawa na naman niya.

“May mga nagpaparamdam po, pero hindi naman po ako serious sa ganyan pa.

“I want to work on my career. I want to be at my best first sa trabaho ko.

“My mom advises me to be careful and choose what’s right. Tama naman siya.

"I’m taking my time and I don’t want to jump into something na baka magsisi lang ako.”

Isa sa mga pangarap ni Janine ay mapuntahan ang maraming bansa dahil sa kursong natapos niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My dream to travel is still there. Hindi po iyon mawawala.

“Someday, I will be able to do that. With all the blessings po, makaka-save ako and I will be able to travel by my own.

“As of now, dito muna ako because of the projects I’m doing.

“Kapag okey na po ang lahat, then doon na ako magplano para sa pag-travel ko,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN