Part 1. Jon Santos unleashes his newest character—Be My Lady Gaga

Jon Santos spoofs controversial international singer Lady Gaga. He says about Lady Gaga’s controversial image: “In the end, ang mangingibabaw na lang yata, e, kung nalampasan ng kanyang galing as a musician yung kontrobersiya. In the end, when the smoke and the mirrors fall away, kung yung musicality niya ang mangibabaw, baka doon na lang yung final verdict, di ba, kung may K [karapatan] siya o wala.”


May bago na namang personalidad na ginagaya ang master impersonator at komedyanteng si Jon Santos.

Ito ay walang iba kundi ang kontrobersiyal na international singer na si Lady Gaga, na nag-concert kamakailan dito sa Pilipinas.

In full costume at in character ngang dumating si Jon bilang si Be My Lady Gaga sa presscon ng kanyang bagong spoof show na Jon Santos: In.Person.Nation noong June 4, sa Don Henrico’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Ang naturang show ay magaganap sa June 15, 16, 22, at 23 sa Teatrino sa Promenade Greenhills.

“Before anything, I’d like to say to my fans in Manila, I’m back. Let’s party!

"I came back to your country because I really love your nation.

"And there’s this fantastic bonding and party which is called In.Person.Nation because I think the nation needs to take a break and laugh a little.

“You know, take a break from our very troubling times, economy, the political situation, the headlines all over the world. It’s bothering us, so, let’s take a mid-year break.

"For some of them it’s back to school, for me it’s back to spoof,” bungad ni Jon as Be My Lady Gaga nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press.

Pansamantala munang in-enjoy ni Jon ang kanyang pagiging Be My Lady Gaga hanggang sa makausap na namin si Jon as himself nang seryosohan. Bagamat isinisingit pa rin niya ang kanyang pag-spoof at humorous punchlines.

ON THE REAL LADY GAGA. Dahil ini-impersonate nga niya si Lady Gaga, ano ang masasabi ni Jon sa pagiging kontrobersiyal ng tinaguriang “mother monster?”

“Sa akin kasi, like I said, ako na siguro yung huling huhusga sa art ng ibang tao.

"I think kanya-kanyang taste, kanya-kanyang henerasyon, may kanya-kanya namang Lady Gaga, e, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong panahon yata ni Elvis Presley, yung kanyang masisikip na mga suot, kinuwestiyon din.

"Noong panahon ni Madonna, yung kanyang mga libro at mga pictorial, kinuwestiyon din.

“In the end, ang mangingibabaw na lang yata, e, kung nalampasan ng kanyang galing as a musician yung kontrobersiya.

"In the end, when the smoke and the mirrors fall away, kung yung musicality niya ang mangibabaw, baka doon na lang yung final verdict, di ba, kung may K [karapatan] siya o wala.”

Sa tingin niya ba kailangang mag-adjust ni Lady Gaga depende sa bansang kanyang dadalawin batay sa kanilang paniniwala at kultura?

“Kasi ayoko rin naman basta sabihin na lang na hindi siya dapat makinig sa audience sa bansang kanyang dadalawin.

"Ako mismo, may mga show sa Middle East, ’pag meeting pa lang, nire-request nila na, ‘Can you do only male characters?’

"Puwede bang hindi ako makinig kapag ganun, di ba?

“In my case kasi, if the discomfort or the intriga or the kontrobersiya will upstage my joke, e, might as well makinig na lang ako.

"Kasi baka imbes na makinig na lang sila at mag-relax doon sa show, mangibabaw yung isyu na, ‘Ano ba ito, nagpumilit sa gagawin niya.’

“Sa Pilipinas, baka napatunayan ni Lady Gaga na yung music niya o yung epekto niya sa kanyang mga tagasubaybay ay hindi naman nilunod yung pananampalataya nila. Baka sa Indonesia mas matindi.”

MORE SPOOFS AND QUEENS. Ayon kay Jon, isa lang si Be My Lady Gaga sa mapapanood sa In.Person. Nation.

Pinagsama-sama raw niya ang iba’t ibang “queens” sa kanyang closet. Kabilang na rito sina Miss Dioning Sapakyaw (an impersonation of Mommy Dionisia Pacquiao), the queen of GenSan; Ate Vi (Vilma Santos), the queen of Batangas; Armida Siguion Macareyna (Armida Siguion-Reyna), the queen of OPM; Miriam Defensive (Sen. Miriam Defensor-Santiago), the queen of the Senate; Krissy Anino (Kris Aquino), the queen of all media; Shamcey (Shamcey Supsup), the queen of beauty; and Vicky Below (Dra. Vicki Belo), the queen of “pagpapabyuti.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago raw ang materyales niya kay Miriam Defensive dahil nga sa involment ng senadora sa nakaraang Chief Justice CJ Corona impeachment trial.

Ano ang gusto niyang gayahin sa mga sinabi ni Sen. Miriam?

“Yung pinaka-dramatic portions, yung pinaka-dramatic moments.

"But I do admire her intelligence. She is a very intelligent person.

"An entire school was even named after her, Miriam,” biro ni Jon pagkatapos ay nag-sample pa siya ng mga linya ni Senator Miriam.

JESSICA SANCHEZ. Kasama rin daw sa i-spoof niya ang American Idol 2012 runner-up na may dugong Pinoy na si Jessica Sanchez.

Ayon kay Jon, si Jessica raw talaga ang bet niyang manalo.

“I think I’m biased towards Jessica and not for Phillip Phillips.

"Hindi ako maka-Phillip Phillips kasi I think Jessica has MORE talent.

"Phillip just had a LUCKY STRIKE. Jessica is the real CHAMPION.

"And then I think she deserves more FORTUNE in this MARLBORO country.

"So, I HOPE so. Thank you,” sagot ni Jon na pinaglaruan ang iba’t ibang brands ng sigarilyo.

Naisip na ba niya kung paano niya i-impersonate si Jessica?

“Siguro tatlong palapag ulit yung high heels.

"Actually, candidate din siyang i-portray. Masarap din siyang bigyang-buhay.

"Siguro tawagin natin siyang Jessica Santos,” sabi ni Jon sabay kanta ng "I Will Always Love You," na isa sa mga kinanta ni Jessica sa American Idol.

FACING THE PERSONALITIES. Meron na bang na-offend sa mga personalities na in-impersonate niya?

“I think masyado silang busy,” biro ni Jon.

“Insekto lang naman ako sa kanila. Pero laging nire-remind nina Willie Nep [Nepomuceno] at Tessie [Tomas], ’E, kasi ’pag in kayo at sikat kayo, ii-spoof-in namin kayo.’”

May kaba ba kapag kaharap niya o nanonood sa kanya yung ini-impersonate niya?

“Laging hanggang diyan yung nerbiyos.

"Nag-FVR [former President Fidel V. Ramos] na ako sa harap ni FVR.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-GMA [Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo] na ako, sa harap ni GMA.

"Nag-Erap [former President Joseph Estrada] na ako sa harap ni President Erap.

"At saka si Ms. Korina (Sanchez) nanood na sa show ko.

"Yung butterflies sa stomach ko hindi nawawala hangga’t hindi natatapos.

"We shake hands, we take our pictures. They asked for my autograph. All is well.”

Ano ang feeling niya kapag ganung accepted ang panggagaya niya?

“Siyempre feeling mo nakikita ka nila as an artist at hindi taong uma-agenda.

"Alam naman nila na wala akong pakay kundi yung mga customer ko ay patawanin.

"Yun lang, kaya it doesn’t look like it’s a personal thing.”

REQUIREMENTS IN IMPERSONATING. Ano ang requirements niya kapag pumipili siya ng gagayahing personalidad?

“Yung point of reference, meaning in ka ba, nasa headline ka ba, at saka matindi ba ang gusto o galit sa iyo ng mga tao.

"Kasi merong iba, sikat, pero hindi pang-materyal. Yung emosyon sa kanila ng mga tao parang nasa gitna lang.

"So, bukod sa in na in ka ngayon sa news, may dating ka sa tao, sa puso ng tao—either very positive or very negative.”

Nakikita siya ng mga tao na nag-i-impersonate sa stage. Hindi niya ba nadadala ang mga character na ini-impersonate niya kapag nasa bahay na siya?

“Hindi, actually nasa ibang bahay nga yung bodega ng costumes, nasa ibang opisina.

"Ano naman siya, hindi naman siya psychological disorder. Hanapbuhay lang siya.”

UNTIL WHEN TO IMPERSONATE. Hanggang kailan niya nakikita ang sarili niya na nagtatrabaho bilang isang impersonator?

“Feeling ko yung pagbebestida-bestida, I always say, ‘A, huling taon na ito.’ After a while, hindi na nakakatawang tingnan.

"Tuwing magbe-birthday ako, lagi ko itong sinisintensiyahan, ito na yung huling taon na puwede ko itong gawin kasi nakakadiri na after 47 [years ago].

"Pero after awhile, carry pa raw. After awhile, biglang makakaisip ng gimik yung mga stylist ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero lately, yung bahagi ng show ko na hindi na ako nakabihis, humahaba na.

"Gustung-gusto ko kasi yung ginagawa nina Rex Navarrete at saka nina Jose [Manalo] at Wally [Bayola] na attitude, they are themselves.”

May target age ba siya na ipapahinga na niya ang sarili niya sa panggagaya?

“Every year naiisip ko, ’pag ayaw na sa akin ng mga tao, ’pag hindi na ito para sa akin this year, ready na akong mag-quit next year.

"E, pumirma ako sa Viva Artists, so baka ’pag 50 ako.

"The end of my contract is in 2015 and I’m turning 50 that year.

"Maganda ring cut-off kasi magpapalit tayo ng pamahalaan. So, isang mahabang political show season na naman iyan, di ba?

"So, baka yun na ang farewell season natin. Why not?”

E, kung gusto pa siya ng mga tao?

“Customer is always right. Puwede pa rin naman.

"Pero mas gusto ko na sigurong mag-movies.

"At saka sa Viva kasi nag-enjoy ako sa Moron 5 and the Crying Lady. Masarap pala talagang mag-movies.

"So, in movies, you are not always impersonating, di ba? May mga pinag-uusapang supporting roles sa mga upcoming projects.

"I’m very happy with Viva.”

Bilang Viva artist, nakakasama rin daw si Jon bilang special guest sa shows at concerts here and abroad ng iba pang Viva talents gaya nina Sarah Geronimo, Anne Curtis, at KC Concepcion.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN