Part 2. Ogie Alcasid declines offer to do MMFF movie: “Nahihiya na ako sa pamilya ko."

Ogie Alcasid on asking for a day-off from work to have time for his family: “’Oo, kailangan kong gawin yun kasi nami-miss ko kayo, e.’Although nakikita ko naman sila araw-araw. Umuuwi naman ako doon at nakakapaglaro naman ako kay Nate tuwing umaga, kulang iyon, e. Kulang yun. Kulang yung bonding namin.”


Kaugnay pa rin ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ogie Alcasid sa presscon ng kanyang dramedy show na My Daddy Dearest kagabi, June 4, sa Kapuso network, nadako ang usapan tungkol sa napabalitang merge sa pagitan ng GMA-7 at TV5.

Ano ang opinyon dito ni Ogie?

“Wala akong alam diyan, e. Although pareho kong ninong si MVP [Manny Pangilinan ng TV5] at si FLG [Atty. Felipe Gozon ng GMA-7], wala akong kaalam-alam diyan.”

Paano kung sakaling nagkatotoo?

“Ang sa akin ‘pag nagkaintindihan ang dalawang parties, if the two parties feel that because of the merger they will be able to help the industry and build a more productive industry, why not?” sagot niya.

FAMILY TIME. Ayon kay Ogie, nag-promise daw siya sa asawa niyang si Regine Velasquez na pagkatapos ng Boy Pick Up The Movie at I Doo Bidoo Bidoo ay magpapahinga muna siya sa paggawa ng pelikula.

“I had more offers, e. I had to decline it talaga,” aniya.

Ano ang rason niya ng pagtanggi sa offers?

“E, naaano na ako sa asawa ko, e. Nagtatanong na yun ng, ‘Anong oras ka uuwi?’

“Medyo malaki na ang pagkukulang ko bilang asawa.

“Hindi naman lahat lang ‘yan trabaho, di ba? Hindi naman lahat ‘yan tanggap, dapat talaga may panahon ka.

“In fact, starting July, I’ll have one day that I’ll spend with family lang. Humingi ako ng day-off.

“Probably July, Saturdays. Kasi I only have three days to go sa I Doo Bidoo Bidoo.”

May isang offer daw kay Ogie na pang-Metro Manila Film Festival, pero aniya, “Hindi ko na siguro matatanggap ‘yan kasi nahihiya na ako sa pamilya ko. Nahihiya na ako sa pamilya ko.”

Napag-usapan nila ito ni Regine?

“Oo naman. At ako mismo ang nagkusang sabihin sa asawa ko na, ‘Hon, ano, magre-relax ako ng one day a week para may time ako for you and kay Nate,’” pagtukoy niya sa panganay nila ni Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya pa yung nagsasabi na, ‘Kailangan mo bang gawin yun?’

“’Oo, kailangan kong gawin yun kasi nami-miss ko kayo, e.’

“Although nakikita ko naman sila araw-araw. Umuuwi naman ako doon at nakakapaglaro naman ako kay Nate tuwing umaga, kulang iyon, e. Kulang yun.

“Kulang yung bonding namin.”

Feeling daw ni Ogie ay marami na siyang napapalampas sa paglaki ni Baby Nate.

“Madami, madami... Although yung anak ko naman, in fairness to me, ‘pag ‘andiyan ako, sa akin siya talaga lumalapit.

“So, kumbaga, mula nung ipinanganak yung bunso namin I made sure na yung bonding namin, kahit hindi ganun kadami, e, nandun ako.

“Hindi ako pabayang tatay.”

RUFA MAE QUINTO. Ano ang masasabi niya na nag-taping na si Rufa Mae Quinto sa Bubble Gang matapos tanggapin ng comedienne ang hosting job sa Wil Time Bigtime sa TV5?

Sa presscon kasi ng My Daddy Dearest kagabi ay ginaganap naman sa kabilang studio ang taping ng Bubble Gang.

Ayon kay Ogie, “Ano naman siya, e, nakakontrata naman siya sa Bubble Gang.

“Hindi ko lang alam kung hanggang kailan, but part pa rin siya ng Bubble Gang family so… hindi naman kaila sa amin yun.”

Nag-usap na ba sila ni Rufa Mae tungkol sa paglipat ng sexy comedienne sa TV5?

“Hindi pa, e,” sabay-tawa ni Ogie.

“Puro kami, ‘Hi! Ho. Hi.’

“Binati ko nga siya nung birthday niya, pero wala siya, hindi siya nag-taping nun. ‘Tapos sabi ko, ‘Tinext kita, a.’

“Sabi niya, nasira daw ang phone niya.

“Ngayon lang siya ulit nag-taping, e.

"Well kasama namin ‘yan, e, di ba, so…” putol na pagtatapos ni Ogie sa aming panayam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN