Ehra Madrigal on possibility of marriage proposal from longtime boyfriend DJ Myke Salomon: “Siguro mga ‘pag 30 or 30-plus na ako."

Ehra Madrigal’s career is being handled by Ms. Annabelle Rama who plans to run for representative of Cebu. How far does Ehra willing to support her manager’s candidacy? Ehra says: “Siyempre susuportahan ko siya katulad ng pagsuporta na ginagawa niya sa career ko."


Inilarawan ni Ehra Madrigal sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang role niya sa bagong early primetime series ng GMA-7 na My Daddy Dearest.

“Hindi naman hardcore na kontrabida, pero yung motive ko kay Kuya Ogie [Alcasid], may pagkasalbahe.

“Dito nilalandi ko si Kuya Ogie, pero ang gusto ko lang, kunin ang pera niya, huthutan siya.

“Hindi ko siya talaga gusto… ganun.”

Nakausap ng PEP si Ehra sa presscon ng show noong Lunes, June 4, sa Studio 7 ng GMA Network.

FLIRTING WITH OGIE. Paano landiin ang isang Ogie Alcasid? Hindi ba siya nailang sa asawa nitong si Regine Velasquez?

“First time kong makatrabaho si Kuya [Ogie] in a show, pero sa Bubble Gang, sa mga spoofs lang, dun ko lang siya nakakasama.

“Nung una, iniisip ko kasi na parang… ’buti na lang nakatrabaho ko na rin si Ate Regine sa I ♥ You Pare.

“So minsan, sa mga party, nakakasama ko sila, so hindi na ako yung talagang kinakabahan, medyo at ease na ako.

“And si Kuya Ogie, komedyante, so parang mas madali na gawin yung role compared dun sa hardcore na talagang leading man.

“So, okay naman and ang bait ni Kuya Ogie.

“Nakakatawa siya and it’s just a role and okay naman. Kung ano yung sinasabi ng direktor, iyon ang ginagawa ko.

“Okay lang, fun naman siya, hindi siya yung parang kakabahan ka talaga.

“’Pag once kasi na pinasok ko sa utak ko na, ‘Hala, si Kuya Ogie ’yan!’ baka mas kabahan ako, hindi ko magawa lalo nang maayos.

“So, inisip ko na lang na work lang ito, yung character ni Kuya Ogie. Yung ganun, so light siya,” saad ni Ehra.

NETWORKS MERGER. Till March 2013 ang kontrata ni Ehra sa GMA.

Ano reaksiyon niya sa napabalitang pagsasanib ng GMA-7 at TV5? Bagamat itinanggi na ng TV5 chairman na si Manny V. Pangilinan na nagkaayos na sila ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Ehra, “Yun nga daw. Well siguro I think it’s a good thing na magme-merge if ever yung GMA at TV5… hindi ko kasi alam, e.

“Kung mag-merge ba sila, ibig sabihin ba puwede na rin kaming mag-guest ba sa TV5?

“Puwede na rin ang mga taga-TV5 sa amin? Or binili lang ni MVP pero hiwalay pa rin?

“Pero I think it’s a good thing. Kumbaga, maraming taong mabibigyan ng work, mas lumalaki yung company so… so far, parang okay naman siguro siya.”

What if ilipat siya ng manager niya sa TV5, papayag siya?

“Well, si Tita Annabelle [Rama] din naman kasi ang may hawak ng career ko, so siyempre pag-uusapan muna namin.

"Una, kung ano ba talaga and kung may plans.

“Kasi ayoko din naman na baka lipat lang ’tapos wala namang nakalatag na projects.

“Pero mas alam naman ni Tita Annabelle since may mga talents po siya doon [TV5], alam niya kung ano yung mga projects na ibibigay sa amin.”

LOYALTY. Kaya niyang iwan ang GMA-7?

“Hindi, siyempre! Eight years na ako dito, dito ako nag-start.

“Pero tingnan natin, sasagutin ko ’yan sa March!” at tumawa si Ehra.

Hindi niya naranasang magtrabaho para sa ibang networks kahit minsan.

“Wala po, kasi talagang sa GMA ako nag-start.”

POLITICAL SUPPORT. And since manager ni Ehra si Annabelle Rama, hiningan namin siya ng reaksiyon tungkol sa plano nitong tumakbo bilang congresswoman sa Cebu.

“Well, si Tita Annabelle naman, kung ano ang gusto niya, siyempre susuportahan ko siya katulad ng pagsuporta na ginagawa niya sa career ko.

“And meron din naman siyang family and mga friends na mag-a-advise sa kanya kung ano talaga ang gusto niyang gawin.

“Pero kung gusto niyang ituloy ang pagiging congresswoman niya, e, di susuporta lang kaming lahat na taga-Royal Era sa kanya.”

Paano naman niya sinusuportahan ang manager niya kapag may nakakaaway ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala, e, minsan parang… sanay naman na kami na ano, pero siyempre as much as possible…”

Sanay na siya na may kaaway ang manager niya?

“Hindi naman… minsan may nakakaano siya, pero kumbaga, kay Tita Annabelle, e, hindi naman kasi normal na siya yung unang nakikipag-away, e.

“Parang lumalabas siguro na ganun kasi siya yung mas nagsasalita at nakikita sa TV.

“Pero minsan nakukuwento naman niya sa amin.

“Alam namin yung mga reasons and we understand kung saan nanggagaling yung galit niya or yung mga salita niya kung bakit din ganun.

“And kung minsan, kung hindi namin away, hindi kami sumasama. Pero nandito lang kami for her.”

MARRIAGE PROPOSAL. Going strong ang relasyon ni Ehra at ni DJ Myke Salomon. Magna-nine years na ang kanilang relasyon.

Hindi pa ba nila pinag-uusapan ang kasal?

“Hindi pa. E, lalo na ngayon, pumayat ako, huwag muna, alagwa muna sa career!” sabay tawa muli ni Ehra.

Paano nakakatiis si Myke na hindi pa siya pinapakasalan?

“Kilala naman niya ako ever since nung college pa lang ako, and he’s also doing theater and TV works, so naiintindihan niya.

“At yun nga, hindi pa ako ready, ayoko pa, career muna," sabi ni Ehra.

As in never nagyaya si Myke magpakasal?

“Hindi pa, hindi pa nga siya nagpo-propose, e!” tawa muli ni Ehra.

Paano kapag nag-propose ito?

Sabi ng 26-year-old actress, “Dyusko! ‘Pag twelve years na kami [engaged], bata pa naman kami.

“Kasi sayang, ang dami pa naming puwedeng gawin ’tsaka hindi pa ako ready.

“Siguro yung idea ng wedding na naka-gown ka, pero yung married life mismo, parang hindi pa ako ready.

“So siguro mga ‘pag thirty or thirty-plus na ako. Mga ganun pa.

“Kasi before, naisip ko, dapat twenty-five, di ba, ‘pag high school ka... o ten years from now?

“E, ngayon, I think it’s too early or I’m not yet ready. Hindi pa lang talaga ako handa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro mga three years, let’s see.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN