Kris Bernal clarifies closeness to Mark Herras; apologizes to Mark’s girlfriend Ynna Asistio

Kris Bernal explains further her situation regarding her closeness to Mark Herras, who is the boyfriend of Ynna Asistio: “Hindi ako nakikigulo. At saka si Ynna, naging mabuting kaibigan ko siya. Kumbaga, nagsimula kami na okay."


Limang taon na sa showbiz ang young actress na si Kris Bernal mula nang manalo siya sa reality-based artista search na StarStruck, pero ngayon lang siya magkakaroon ng isang bonggang birthday party.

Kaya kahit matagal na ring tapos ang kaarawan ni Kris—May 17 ang actual birthday niya—ay itinuloy pa rin niya ang birthday party niya na ginanap sa Seventh High sa The Fort kagabi, June 5.

Twenty-three years old na si Kris pero may nag-aakala na debut party niya.

Natatawang sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Okay lang, masaya nga yung akala nila bata lang ako.

“Actually, hindi nga po ako mahilig mag-party. Ngayon lang ako nag-celebrate.

“Parang naisip ko kasi, sa five years ko sa showbiz, never pa akong nagpasalamat sa lahat.

“Never ko pang na-treat lahat ng mga kaibigan ko, lahat ng mga kaibigan ko sa showbiz.

“Hindi ko pa napapasalamatan lahat ng mga tumulong sa akin.

“Kayong mga press, parang wala pa akong mga treats sa inyo. Since birthday ko ngayon, ito na, itotodo ko na.

“Para sa inyong lahat ‘to at saka, okay lang sa akin.

"Tinulungan ako ng GMA Artist Center, sila ang nag-organize. Sila yung gumastos. Sila ang nag-isip.”

Kung ang GMAAC ang gumastos para sa birthday party niya, masasabing siya talaga ang kinukunsidera na isa sa mga pinahahalagahan nilang star?

“Hindi ko po sure, e,” tila nahihiyang sabi ni Kris.

“Hindi ko po alam, e. Deserve ko ba?”

THE INVITED GUESTS. Ang nakakatuwa kay Kris, personal niya talagang tine-text at iniimbitahan ang mga bisita niya.

“Opo, personal din akong nag-i-invite. Kasi sa totoo lang, konti lang din ang friends ko sa showbiz.

“So, hindi siya yung lahat ng artists. Yung malalapit lang talaga sa akin... mga batchmates ko sa StarStruck, pupunta rito. Yung ganoon.”

Tinanong namin si Kris kung sinu-sino ang mga personal niyang inimbitahan na nagsabing darating sa party niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung family ko siyempre darating, relatives ko.

"Hanggang sa college friends ko, high school friends ko... lahat na. Kasi, ‘eto na yun, ‘no!

"Then, sa showbiz, inimbitahan ko ang mga batchmates ko…

“Like sina Stef [Prescott], sina Martin Escudero, Chariz Solomon…

"Nakakatuwa kasi feeling ko, reunion na rin namin ‘to.”

DEBUTANTE’S PARTY. Ayon kay Kris, nagkaroon din naman siya ng debut party noong 18 years old siya.

Kuwento niya, “Nag-debut party po ako, kaya lang, kakapasok ko lang din kasi sa showbiz noon. Kakapanalo ko pa lang [sa StarStruck].

"Pero nag-grand party rin ako noon, pero for close friends, relatives, and family.

“Ito talaga yung for five years ko sa showbiz, nandito lahat.”

Parang month-long celebration nga ang nangyari sa birthday niya ngayon.

Natatawang sabi ni Kris, “Di ba, nagtu-tweet ako, lahat bumabati sa akin hanggang ngayon, e, June 5 na, di ba?

“Nakakatuwa kasi may mga humahabol talagang bumati sa akin.

"Sabi ko nga sa Artist Center, hindi ba masyado nang late?

“Sabi nila, ’Hindi pa. Basta kailangan mong mag-birthday kasi deserve mong magkaroong mag-birthday party.’

“Naramdaman ko ang importance ko, pero deserve ko ba itong mga nangyayari sa akin? Parang teka lang, ibang level na ‘to.”

CHARITY EVENT. Bago naman ang birthday party niya, noong birthday niya mismo ay nagkaroon siya ng charity event.

“Yung birthday ko talaga, nagkaroon ako ng charity works.

"Una, sa mga bata na nasunugan yung community nila.

“Pangalawa sa Bantay-Kalinga sa Valenzuela.

"Yun lang… kasi ganoon lang talaga madalas ang ginagawa ko sa birthday ko.

“Hindi talaga ako nagpa-party. Kasi wala akong gagawin sa party ko, parang ganoon.”

BIRTHDAY WISH. Ano ang birthday wish niya?

“Birthday wish ko? Tuwing tatanungin ako sa birthday wish ko, iniisip ko lang ang family ko.

“Lahat ng wish ko, para sa family ko.

"Yung para sa career ko, gusto kong magkaroon ng mas maraming endorsement, magazine covers, challenging roles, mga awards...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat yun wish ko, dahil din sa family ko.”

Naaliw naman kami sa mga nagiging reaksiyon ni Kris sa ilang tanong sa kanya, lalo na bago ito sumagot.

Parang nalungkot nga lang ang young actress nang tanungin namin kung sino ang mga espesyal na guests na inaasahan niyang darating.

“Si Aljur sana, kaya lang nasa Amerika.

“Inaasahan ko si Mark [Herras] kaya lang kaka-text niya lang kasi.

“Sila ni Ynna [Asistio], nag-text sila sa akin na hindi raw sila makakapunta dahil nagka-family problem. So, okay lang.

"Siyempre kapag ganoon, wala na akong laban doon. Pamilya mo yun, okay lang sa akin.

“So, wala naman… wala naman akong special someone ngayon.

"So, siguro ang pinaka-espesyal na darating ngayon, family ko po.”

GETTING CLOSE. Diretsahan na rin naming tinanong si Kris tungkol sa usap-usapan tila nagiging mas malapit sila ngayon ng leading man niya sa Hiram na Puso na si Mark Herras.

Ito ay sa kabila ng bukas sa publiko ang relasyon ni Mark kay Ynna.

Pero paglilinaw ni Kris, “Hindi, mas nagiging close lang talaga kami ni Mark ngayon.”

Na-disappoint din siya nang malaman niyang hindi ito makakarating?

“Siyempre, ang tagal ko siyang kinulit, e. Actually, tinext ko siya. Tinext ko rin si Ynna.

“Sabi ko, ’Sabay na kayong dumating. Sana makapunta kayong dalawa.’

"Pero okey lang, naiintindihan ko. Sila rin kasi ang inaasahan ko.”

Dagdag niya, “Si Mark, kabarkada ko siya.

"Kumbaga, mas close kami ngayon sa Hiram na Puso kumpara sa Time of My Life.

“Sa Time of My Life kasi, kabarkada niya yung mga boys. Ako naman, sa mga girls.

“Dito sa Hiram, kami ang palaging nag-uusap, magkasama.

"Pero wala, wala yun.”

Kuwento pa ni Kris, may naging birthday gift si Mark sa kanya.

“Nagulat ako kasi kami ni Mark, madalas naglolokohan kami niyan. Asaran.

"Ganoon kami—ganoon na ang bonding namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-aasaran kami. So, inasar ko siya na, ’Hoy Mark, regaluhan mo naman ako ng Hello Kitty.’

“Niregaluhan niya ako ng limang unan na Hello Kitty. Ang lalaki ng mga unan.

"Sabi ko, ‘Ano ba ‘to? Nilamon ako ng unan!’" natatawang kuwento niya.

Biro namin kay Kris, hindi kaya unan ang niregalo sa kanya para kapag matutulog siya, maaalala niya si Mark?

“Hindi naman, hindi naman. At saka nagkukuwento rin siya sa akin tungkol sa kanila ni Ynna.

“Yung mga nangyayari sa kanila… mga lakad nila, mga problema nila.

“Kaya wala ako, labas ako do’n. Hindi ako nakikisawsaw. Alam mo yun?

“Hindi ako nakikigulo.

"At saka si Ynna, naging mabuting kaibigan ko siya. Kumbaga, nagsimula kami na okay.

“Napag-usapan din namin ang tungkol sa loveteam namin ni Mark.

"Okay kami. Ayoko ng mahaluan pa ng ibang kulay.”

YNNA’S REACTION. Hindi naman sila nagkakaroon ng problema ni Ynna dahil nali-link sila ni Mark?

“Noong una, noong una… pero hindi naman malaking problema,” pag-amin ni Kris.

“Kasi wala namang malaking away. Wala namang sagutan.

“Pero noong napi-feel ko na ganoon na nga ang labas ng loveteam namin ni Mark, nag-text na ’ko sa kanya. Nag-sorry ako sa kanya.

“Sabi ko, ‘Uy, sorry kung anuman yung naririnig mo o nababalitaan mo.’

“’Tapos, ini-explain ko sa kanya na wala, tuksuhan lang yun ng mga staff.

“Tuksuhan lang yun ng mga tao, ganoon. Naiintindihan naman niya.

“In fairness naman kay Ynna, doon ako hanga sa kanya.

“Yung love niya kay Mark at yung pagiging maintindihin niya, grabe, wala akong masabi sa kanya.

“At natuwa rin ako, hindi niya ako napag-isipan ng masama.”

Pero bilang loveteam sila ni Mark, napag-uusapan din ba nila na ’hanggang dito lang tayo’ o hanggang saan lang ang limitasyon nila?

Sagot ni Kris, “Hindi na, hindi na kailangang pag-usapan yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, alam ko naman na sila ni Ynna so bakit kailangan naming pag-usapan.

“Wala, hindi naman po kami ganoon. Hindi naman po kami sa level to the point na nag-aasaran na kami ng ganoon kalalim.

"Hindi naman po ganoon.”

Kung sakaling pareho silang single, posible kayang mahulog din ang loob niya kay Mark?

Nag-isip muna si Kris bago sumagot ng, “Posible. Posible naman. Lahat naman posibleng mangyari kay Lord.

“At saka si Lord naman ang nagsasabi niyan at si Lord naman ang nagpaplano ng lahat, di ba?

"Posible at saka mabait naman si Mark. Malambing na tao. Masipag siya. Mapagbiro. Okay si Mark.

“Pero sa ngayon talaga, magkaibigan kami at ayaw naming lagyan ng kahit ano yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN