Lucy Torres-Gomez on running for re-election: “I wanna continue what I’ve started. “

“My job as a representative is difficult but it’s also very fulfilling. I’m happy to be in a position to be able to do more than just say ‘kawawa naman’ or ‘nakakalungkot naman ‘yon,’” says Lucy Torres-Gomez about her job as a representative of Leyte.


Nais ipagpatuloy ni Leyte Representative Lucy Torres-Gomez ang mga nasimulan niyang proyekto kaya muli siyang tatakbo para sa parehong posisyon sa 2013 elections.

“I wanna continue what I’ve started. There’s still so much that needs to be done,” sabi ni Lucy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa launching ng bago niyang product endorsement, ang Avon Genics, sa Peninsula Manila Hotel sa Makati noong Hunyo 5.

Aminado si Lucy na noon ay wala siyang balak pasukin ang pulitika. Pero dahil sa naging problema ng asawa niyang si Richard Gomez sa pagtakbo bilang kongresista ng Leyte, humalili siya sa kandidatura nito noong 2010.

Sa halos dalawang taon na niya sa puwesto, natutunan na ni Lucy na mahalin ang kanyang bagong trabaho bilang representative ng 4thDistrict ng Leyte.

“My job as a representative is difficult but it’s also very fulfilling,” wika ni Lucy.

“I’m happy to be in a position to be able to do more than just say ‘kawawa naman’ or ‘nakakalungkot naman ‘yon.’

“At least, I’m in a position to actually do something and make a difference.

“At least I’m at an age when I’m still young and I have the energy.”

ELECTION COMPETITION. May bali-balitang walang makakalaban si Lucy kung sakaling tumakbo muli siya bilang kongresista sa susunod na taon.

Subalit hindi naiisip ng TV host-politician kung may makakalaban siya o wala.

Para sa kanya, “I feel that the election is there for the people to have a choice. So anybody can run but the people have to choose.

“For as long as the people choose you, then maybe you’re there to really sit.

“But when the people say na tama na, you also have to know how to step down.

“I feel that it’s really part of our democracy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We have to embrace that mayroon talaga tayong eleksyon. Especially now na it’s automated, it makes it more legitimate and it makes it more simple.”

Alam din ni Lucy na habang papalapit na ang eleksyon, mas magiging mahigpit na ang labanan. Pero hindi naman daw niya kailangang patulan ang maruming paglalabanan tuwing eleksyon.

Aniya, “I think that my accomplishments will speak for itself.

“In this day and age, it’s so easy to verify the facts.

“Parang you really don’t have to stoop down to that level because your accomplishments will speak for yourself.

“Especially kung buhay ng artista, buhay ng celebrity, our life is an open book.”

LUCY SUPPORTS HUSBAND RICHARD. Kamakailan, inamin ni Richard na pinaghahandaan na niya ang muling pumasok sa pulitika sa pamamagitan ng pagtakbo bilang alkalde ng Ormoc City.

Kaugnay nito, buong suporta naman ang ibinibigay ng kanyang asawang si Lucy.

Hindi raw niya pipigilan ang asawa kung magdesisyon itong tumakbo muli sa susunod na eleksyon.

“Iba-iba naman ‘yong what you want in life, e,” paliwanag ni Lucy.

“For me, kung gusto ko ng tahimik na buhay, kung hindi ‘yong nakalaan for me… like ako, I don’t want to enter politics pero hindi pala ‘yon ang nakalaan sa akin.

“Kay Richard din gano’n. Kung nanaisin ng Diyos, if it were for Richard to run, who am I to question that?

“Sa akin, go with the flow. Pray for God’s will to do with our lives whatever He wants to.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN