Kris Bernal on possibility of ending up with Aljur Abrenica now that he is single again: "Nasa kanya na ‘yon.”

Kris Bernal says possible relationship with Aljur Abrenica depends if the actor makes the first move. Yet she says, “Masaya na kami ng ganito, e, na friends kami, okay na kami ng ganito.”


Bukod sa masayang birthday party na inihanda ng GMA Artist Center para kay Kris Bernal, masaya ang young actress dahil naibalik ang kanyang nawawalang bag.

Noong Biyernes, Hunyo 1, ay nawala ang bag ng aktres nang dumalo ito sa party ng isang kaibigan.

Muling ikinuwento ni Kris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press noong Martes, Hunyo 5, sa Seventh High Club sa Global City, Taguig City ang naturang insidente.

“A, Friday ‘yon, pumunta ako sa party ng friend ko. ’Tapos nakasabit lang ‘yong bag ko, maliit lang kasi siya, e, sa upuan.

"Nasa likod ko lang. Kita ko naman sa silhouette ko, nakikipagkwentuhan lang ako, nagsi-CR ako.

“One time, pagkita ko na lang, kukunin ko ‘yong phone ko, nawala na.

“Ang bilis, kasi maraming tao, e. Sanay siguro...

"I don’t know, kasi from time to time naman, I check my phone, pero talagang pag[talikod] ko nawala na lang.”

Ngunit ang magandang balita naman daw ay "naibalik" ‘yong bag, na nagulat ako kasi hindi ko na inaasahan, e.

Sabi ni Kris, “Wala akong information, wala akong alam, hindi ko siya kilala, hindi ko alam ‘yong mukha niya, hindi ko po alam, nagulat na lang ako binalik.”

Gayunman, nang ibalik ang naturang bag ay nawawala na ang isa niyang cell phone at ang wallet na ibinigay sa kanya ni Aljur Abrenica.

NEW PROJECT. Nabanggit na rin lang si Aljur, magkakaroon ng bagong show ang dalawa kasama si Rhian Ramos—ang Sana Dalawa Ang Puso Ko.

Huling nagkasama sina Kris at Aljur sa primetime soap opera na Machete (2011).

“Nae-excite din ako,” pag-amin ng Kapuso actress.

“Kasi alam ko na marami na rin naghahanap sa Twitter, marami na rin nagtatanong sa akin tungkol kay Aljur na mga fans namin, excited na rin ako.

“At saka parang naririnig ko din kasi na iba ‘yong konsepto ng show, iba ‘yong kuwento, at saka excited ako sa mga bagong mangyayari sa akin ngayong 2012.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ayaw ko po kasi mag-assume hanggang hindi nagsisimula, at saka hangga’t hindi pa siya talaga confirmed ng mga boss.”

Samantala, malapit nang matapos ang currently airing afternoon soap ni Kris na Hiram na Puso, kung saan katambal niya si Mark Herras.

At dahil nabanggit na rin niya na hindi pa “confirmed ng mga boss” ang nababalitang show niya kasama si Aljur, kung papipiliin siya,sino kaya ang mas gusto niya makapareha—si Aljur o si Mark?

“Ayaw ko po mamili, e, sa totoo lang ayaw ko mamili,” mabilis na sagot ni Kris.

“Wala naman akong karapatan mamili, e. Ako naman po nakadepende lang talaga sa gusto ng network.

“Pero wala akong problema, kasi halos parehas talaga sila, e.

"Nakagaanan ko na din kasi ng loob si Mark, parang gano’n din kay Aljur.

"Pareho ko na silang kabisado ang ugali, umarte. Kabisado ko nnag kasama, katrabaho.

“So, kahit sino, basta trabaho, do’n ako.”

ANOTHER CHANCE? Samantala, noong nakaraang linggo lamang ay inamin na nina Kylie Padilla at Aljur na tapos na ang kanilang relasyon.

(CLICK HERE for related article.)

Bago pa maging magkarelasyon sina Aljur at Kylie ay nali-link na ang Kapuso actor kay Kris.

Maaari kayang mabuhay ang pag-asang maging magkarelasyon sila ni Aljur, ngayong single na muli ang young actor?

“Nasa kanya naman po ‘yon, e, nasa kanya ‘yon!” natatawang sagot ni Kris.

“Alangan ako ang unang lumapit sa kanya at unang magparamdam, hindi naman po ako gano’n klaseng babae.

“Nasa kanya ‘yon, depende sa kanya kung okay sa kanya.

“Para sa akin kasi, masaya na kami ng ganito, e, na friends kami, okay na kami ng ganito.

"Nagkikita kami paminsan-minsan, masaya kami, kuwentuhan kami, nasa kanya na ‘yon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN