JC Tiuseco on gay admirers: "I have nothing against them, basta wala lang bastusan."

“Sa ngayon, wala pa talaga akong gustong ligawan. Gusto ko na kilala ko ang babae. Na kapag naging girlfriend ko siya, hindi ako mabibigla na meron pala akong hindi alam sa kanya,” says JC Tiuseco.


Sinakyan ni JC Tiuseco ang biro ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya na “bagung-bago” at malaking hamon ang papel na ginagampanan nito sa bago niyang teleserye sa GMA-7, ang My Daddy Dearest, sa presscon ng nasabing palabas noong Martes, June 5, sa Studio 7 ng Kapuso Network

“Medyo bago!” natatawang sabi niya.

Basketball player kasi talaga si JC bago pa man siya sumali at manalo noon sa Survivor Philippines.

Kuwento pa niya sa kanyang role, “Kapag nagta-transform kasi si Kuya Ogie Alcasid at napupunta siya sa girl version, nagkakagusto siya sa akin.

“Actually, hindi ko pa alam ang mga susunod na mangyayari.

"Pero sabi nila, ako naman daw ang magkakagusto kay Ate Jolens [Jolina Magdangal], pero wala pa naman ang script.”

JC AS A COMEDIAN. Ang pagpapatawa raw ang pinaka-challenge kay JC dito sa My Daddy Dearest.

Aniya, “First time kong mag-comedy. Ever since puro drama. Ito lang ang makulit.

“May mga scene pa kami na may montage ni Kuya Ogie na nakapambabae siya. Binuhat ko pa siya, paikut-ikot.”

Tatlong taon na rin si JC sa showbiz, pero ngayon lang siya sasabak sa comedy.

May naging preparation din ba siya para sa kanyang papel na ginagampanan?

“Siguro ang preparation ko, tinitingnan ko ang acting nila—sina Kuya Mike [Nacua], sila Kuya Ogie," pagtukoy niya sa kanyang co-stars sa My Daddy Dearest.

Dagdag niya, “At saka kapag nagto-throw lines kami, tinitingnan ko na agad kung gaano ka-light.”

Palatawa si JC kaya malamang na nauunang tumawa ang aktor bago mag-dialogue.

“Hindi pa naman. Natatawa ako paminsan, pero napipigil ko.”

Kung siya ang tatanungin ngayon, saan niya mas gusto, sa comedy o sa drama?

“Pareho, e. Gusto kong ma-try ang romantic-comedy. Kasi masaya siya, ‘tapos may drama rin.”

LOVELIFE? Matagal-tagal na rin na nagpahinga ang puso ni JC sa pakikipagrelasyon.

Nagulat ang PEP sa sagot niya na “meron, meron” nang kamustahin ang kanyang buhay-pag-ibig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dating-dating lang… getting to know, pero wala namang serious.

“Wala pa naman talaga. Basta secret na!” natatawa niyang sabi.

Two and half years na rin, ayon kay JC, na wala siyang girlfriend.

At sa isang lalaking ‘tulad niya, lalo na ang napapaligiran ng maraming magagandang babae, paano niya ito nagawa?

“Actually, madali lang. Usually naman sa showbiz, ang mga nakikilala ko, taken.

“Madalas taken. May boyfriend o manliligaw, basta meron.

“Hindi rin naman ako gumagawa ng move kasi ayokong gumawa ng move na hindi ko pa kakilala ang girl.

“Gusto ko na ang next relationship ko, kilala ko nang talaga siya.”

Natawa lalo si JC nang diretsahin siya ng PEP at ibuko na hindi talaga siya gumagawa ng move dahil hindi naman talaga siya nanliligaw.

“Sa ngayon, wala pa talaga akong gustong ligawan. Gusto ko na kilala ko ang babae.

“Na kapag naging girlfriend ko siya, hindi ako mabibigla na meron pala akong hindi alam sa kanya,” saad niya.

GAY ISSUE? Hindi raw naapektuhan si JC kahit may ilan nang nagbibiro sa kanya, o nagdududa man na baka bading siya sa kawalan ng interes na magkaroon ng bagong girlfriend.

Sabi niya, “Sa akin kasi, okay lang na pag-usapan nila yun. Alam ko naman kasi na hindi.

“At dahil nga hindi nila ako nakikita na may kasama ako o nakikipag-date ako, siyempre marami silang sinasabi.

"Hindi naman ako naalarma sa ganoon. Kilala ko naman ang sarili ko kapag nandiyan na ang tamang girl for me.”

Biro pa niya, “Manliligaw rin ako, ‘wag kayong mag-alala.”

GAY ADMIRER? Pero nabalitaan ng PEP na meron daw talagang tago pa ang pagkabading na nagkakagusto sa kanya. Taga-showbiz din daw ang naturang lalaki.

Aware ba siya rito?

“Hindi, wala… wala namang nagpaparamdam.”

Nakarating o may nakapagsabi na ba sa kanya ng bagay na yun? Ilan pa raw sa mga dati nilang kasamahan sa show ang mas nakakapansin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni JC, “Parang may nakarating sa akin. Pero wala talaga, e. Sobrang wala.”

Kapag may mga ganoong nagpapakita sa kanya ng interes mula sa third sex, ano ang nagiging reaksiyon niya, umiiwas ba siya?

“Hindi naman iwas. Normal lang. Alam mo naman kung meron, e, pero wala talaga. Wala, e.”

Sabi pa niya, “Marami naman akong mga friends na gay.

"Sa showbiz ang dami. I have nothing against them, basta wala lang bastusan. Yun lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN