Luis Manzano on clamor for him to run as Lipa mayor: “Siguro iku-consider ko. But at this point, ako na ang nagsasabi, wala pa sa isip ko.”

Although Luis Manzano is visibly busy with showbiz, he insists that he is not ready to join politics yet. But possibility beckons, “Approval not necessarily, but opinions puwede pa. Nasa akin pa rin naman yun kung kaya ko, paninindigan ko."


Sa pinakahuling interview kay Edu Manzano, naging vocal ito sa pagsasabing ayaw niyang pasukin ng anak na si Luis Manzano ang mundo ng pulitika.

Naging matunog kasi ang balita noon na interesadong tumakbo bilang mayor ng Lipa, Batangas si Luis.

Naging inspirasyon daw ng TV host-actor ang inang si Batangas Governor Vilma Santos na maganda ang naging record nang manilbihan ito bilang mayor ng Lipa.

Ano ang reaksiyon ni Luis sa naging pahayag ng kanyang ama?

“Opinyon yun ni Daddy.

"Ako naman, never kong sinabing papasok talaga ako sa politics, never kong kununfirm [confirmed].

“Sabi ko naman, ‘I’ll cross the bridge when I get there.’

“Second, siguro nakita rin ni Daddy both sides of politics dahil tumakbo rin siya dati.

“So, hindi maiiwasan na maging protective siya bilang ama."

Dagdag niya, “Tama rin si Daddy na mas malaki ang kinikita ko ngayon bilang isang artista.

“I’m happy where I am right now. I’m very, very happy sa lahat ng ginagawa ko.

“Kung dumating yung point na hindi na ako happy at may panawagan ang mga tao, siguro iku-consider ko.

"But at this point, ako na ang nagsasabi, wala pa sa isip ko.”


FATHERLY ADVICE. Ayon pa noon kay Edu, marami ang humihikayat kay Luis para tumakbo kung kaya’t nahihirapan daw itong tumanggi at humindi.

Pero sabi ni Luis, “Mas maraming gumagawa ng kuwento kumpara sa akin.

“Ako, tinatanong lang, never akong nag-random talks about politics.

“Siguro maraming tao ang gumagawa ng ingay kaysa sa akin.

“All I can say is sobrang hanging pa.

“Kung gaano ako ka-hanging before nung sinabi ko na papasok ako sa showbiz before, ganun din sa politics.”


OWN DECISION. Sabi ni Luis, ikukunsidera niya ang payo ng ama, pero sa bandang huli ay siya pa rin naman ang gagawa ng sariling desisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro kasi first-hand opinion yun dahil he’d been there—done that siya.

“At the same time, nakikita ko rin naman ang ehemplo ng mommy ko so there are always two sides to consider.

“So, yun lang ang sa akin. If I feel I’m not happy with what I’m doing sa showbiz, ‘pag feeling ko iba na ang calling…

“Iku-consider pero hindi ko sinasabi na automatic magpo-politics ako.

“Approval, not necessarily; but opinions, puwede pa.

"Nasa akin pa rin naman yun kung kaya ko, paninindigan ko.

“I always value their opinion, especially kung naranasan na rin nila.

“Bibigyan ko ng halaga ang opinion nila, pero kung sasabihin na nakasalalay sa kanila ang desisyon ko, siyempre hindi.”


SMOOTH SAILING. Sa ngayon ay maganda ang itinatakbo ng career ni Luis. Marami rin ang nagsasabi na mukhang suwerte sina Luis at ang kanyang girlfriend na si Jennylyn Mercado sa isa’t isa.

Buhat nang inamin ng dalawa ang relasyon nila ay naging mas maganda ang takbo ng kanilang respective careers. Sinang-ayunan naman ito ni Luis.

“I’m very happy, sabi ko nga, tuluy-tuloy ang blessings ko.

“Sabi ko nga rin, nagdududa ako kung may catch ba ito. But I guess nagkataon lang.

“Oo naman, she’s very fortunate also. Itong buwan na ito, sobrang magiging busy siya.

“If I’m not mistaken, gagawa siya ng serye at pelikula na halos sabay.

“Yung hosting din niya, tuluy-tuloy, so suwerte kaming dalawa.

“Sinabi ko nga nung nag-Showbiz Central ako, bakit niya sinasabing blessing ako sa buhay niya.

“Sabi ko, superficial lang na aspect na mula nang maging kami, tuuoy-tuloy ang trabaho ko.

“Yun ang suwerteng kaakibat ninyo sa isa’t isa," saad niya.


EMISSARY. Nabalita noon na nagbabalak na raw pakasal sila Luis at Jennylyn dahil may lumabas na kuwento na may nag-i-inquire daw para sa kasalan nilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Luis tungkol dito, “Apparently nga, may nagpunta na ng simbahan, nag-i-inquire na.

“Kahit ako, sana makilala ko kung sino man yun.

"Sabi rin, ako raw ang nag-i-inquire kung ano ang proseso sa pagpapakasal.

“But it’s a long way to go, wala pa talaga ‘yan sa isip ko.

“Puwede naman siyang mauwi talaga dun, pero hindi pa namin iniisip.”


CURRENT PROJECTS. Tinanong namin si Luis kung anu-ano ang mga pinagkaabalahan niya ngayon at mukhang super hectic ang kanyang schedule.

“I have Sarah G, ASAP, Kapamilya Deal or No Deal—medyo madami-daming hosting na raket…

“At the same time, may dalawang bagong sisimulan na bagong proyekto—isang movie at isang show na hindi pa puwedeng pag-usapan.

“Yung movie, isa ito sa matagal ko nang pinapangarap. May mga makakatrabaho ako ulit sa pelikula.

“At the same time, mayroon pa akong hindi nakakatrabaho sa pelikula na makakatrabaho ko na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN