Benjamin Alves considers showbiz comeback as his "second chance"

Benjamin Alves on making a showbiz comeback: “To have a second chance and in this magnitude, na ang daming blessings kaagad, to coincide with me finishing school and getting summa, parang perfect timing lahat. Kaya thank God po talaga sa lahat ng taong nakapaligid sa akin ngayon.”


Ngayon higit na masasabi ni Benjamin Alves na tama ang desisyon niyang pansamantala munang tumigil sa pag-aartista at ituloy ang pag-aaral niya sa University of Guam.

Unang nakilala si Benjamin bilang Vince Saldaña noong nakakontrata pa siya sa Viva Films.

Bago pa man magtapos ng kursong Literature major in English, pinapirma na si Benjamin ng GMA-7 para sa isang guaranteed contract.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benjamin sa isang restaurant sa Megamall noong Lunes, June 5.

THE GRADUATE. Last week lang siya bumalik ng bansa. This time, for good.

Bitbit na rin kasi ni Benjamin ang kanyang diploma at ang karangalang nakamit bilang summa cum laude.

“It’s nice to be back!” sambit niya.

“Kasi nakakapagod from January ‘til now, I’ve been back five to eight times.

“So, actually, yung last semester ko, mahirap because of coming back. Especially sa school, yung workload, pinakamahirap yung last semester. Nakakapagod.

“Akala ko nga mawawala yung chance ko na mag-graduate ng summa.”

Noong May 27 raw siya nag-martsa sa stage at grumadweyt.

Noong umuwi siya para sa story conference sa bago niyang pelikula, ang Guni-Guni ng Regal Films, hindi na sana siya babalik ng Guam para dumalo sa graduation nila.

“Mas gusto ko sanang mag-stay na dito kasi nakakapagod din ang pabalik-balik.

“Although, nakakahiya naman kina Mommy na hindi mag-march. I mean, para sa magulang malaking bagay yun.

“E, nakita ko ang hitsura ni Mommy, medyo nanghinayang, so umuwi na ‘ko.

“To make them happy at least for the last time before I’ll be gone for a while, di ba? So, okay naman po.”

Nabanggit namin kay Benjamin na bago siya sumabak muli sa showbiz, ay may hawak na siyang “sandata”—ang diploma at ang pagiging summa cum laude niya.

Ano ba ang pakiramdam?

“Refreshing… kasi before, nandito ako, that was my biggest frustration na hindi pa ako tapos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iniisip nila, kailan nila matatapos, lalo na yung kapag isinabay na maganda ang takbo ng showbiz, ‘tapos magsa-suffer ang studies talaga.

“Ngayon, mas magaan ang feeling.”

Dagdag niya, “When I went to GMA pagka-graduate ko for a visit, sabi nga nina Ms. Annette [Gozon-Abrogar], Ms. Tracy [Garcia] na, ‘Iba ang hitsura mo. Mas magaan ang hitsura mo.’

“Sabi ko, ‘Yes, wala na akong bitbit sa utak ko. Wala na akong binabasa.’

“Although I love to read, magbi-break muna ‘ko—mga six months siguro bago magbasa ulit.”

Itinuturing ni Benjamin na “second chance” ang pagsabak niyang muli sa showbiz.

Sabi niya, “To have a second chance and in this magnitude, na ang daming blessings kaagad, to coincide with me finishing school and getting summa, parang perfect timing lahat.

“Kaya thank God po talaga sa lahat ng taong nakapaligid sa akin ngayon.”

MOVIE WITH LOVI. Bagamat nakapirma na si Benjamin bilang isang Kapuso, ang mga projects na pinagkakaabalahan niya ngayon ay ang paggawa ng pelikula.

Kasama siya sa Guni-Guni ng Regal Films, bilang leading man ni Lovi Poe, at sa Right To Love.

Sabi niya sa pelikula nila ni Lovi, “It’s very nice. Storycon pa lang, nakaka-excite na ang peg nila sa movie. Parang Asian horror.

“I’ve never done horror. I love watching horror, so nakakatuwa na ganoon yung first movie.

“Plus to think that initial movie rin ni Direk Tara Illenberger.”

Si Tara ay nagsimula bilang isang film editor.

Pagdating daw niya sa Pilipinas noong May 29, kinabukasan ay nag-shooting na siya agad para sa Guni-Guni.

Kumusta naman sila ni Lovi?

“Okay naman po. I saw her at the storycon.

“She was so professional. To have her as leading lady and to have her in my first shooting day, it was good.

“Kami lang yung nasa eksena. We’re even enjoying break time, nakapag-usap naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung ginawa naming scene, not so heavy pa. Para later on, we can still develop our rapport, communication, and chemistry on screen.

“Maganda po na nakakapag-usap na kami. Hindi na po yung ilang pa po.”

Ano ang naging impression niya sa aktres bago pa man niya ito makasama at makilala?

“I’ve watched her in Legacy as Natasha, very pretty, very good actress.

“Siya po ang nasa Aswang, ang galing.

“May experience din po siya sa horror and I’m sure her fans in Legacy will also watch this one and they will enjoy as well.

“I’m just thankful na ako ang naka-partner. Na si Ma’am Roselle [Monteverde] at si Mama J [Jonas Gaffud, his manager in Mercator] ay naisip na i-partner kami.

"I’m also thankful for Sir Leo Dominguez [Lovi’s manager] na pumayag naman po siya.

“I’m blessed. Like I’ve said, sobrang blessing.”

Posible ba siyang magkagusto kay Lovi?

“Yeah, I think so, madali naman,” nakangiti niyang sabi.

“If you’re asking me if she’s attractive, yes, very.

“Looks, alam naman na po siguro ng lahat yun.

“Personality, I don’t think everyone can see that. You only get to see that when you work with her.

“So, it’s nice to know na yung perception ng tao sa kanya na mabait, sweet, ganoon naman po siya in person.

“That’s refreshing to know na wala pong pagkakaiba.

“Although at this point, I don’t think I’m ready. Focus muna talaga sa showbiz.

“I know it’s very cliché to say that, but there’s a season to that and it’s not yet the season for that.

“Although I’m pretty sure I’ll work with her in the future with us being Kapuso, we’ll see then.

“Pero sa ngayon po, it’s not the time—not for me anyway.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PROJECTS WITH GMA-7. Kinumusta rin namin kay Benjamin kung ano ang mga plano sa kanya ngayon bilang isang Kapuso.

“Well, I have a show coming up—I just don’t know which one.

“I went there and they have a few soaps that they threw around. I trust Ms. Lilybeth [Rasonable, officer-in-charge of the Entertainment group].

“It’s nice to know that you have a soap right away and you get paid.

“Pero patient naman ako and I trust Ma’am Lilybeth why she wants to wait for a perfect soap.

“Maski na maghintay ako ng kahit konti, okay naman yun because there’s always guesting… Party P.”

Posible raw na mapanood na si Benjamin sa Sunday musical-variety show na Party Pilipinas.

‘Tulad ng kanyang uncle na si Piolo Pascual, sa drama rin daw planong ilagay ng GMA-7 si Benjamin.

Sino naman ang mga gusto niya maging kapareha?

“There’s Sarah Lahbati, Kris Bernal… of course, Heart Evangelista.

“All of them, I’ve seen their works and they are really good.

“Like I’ve said, I’ve watched Legacy and, luckily, I was paired with Lovi.

“In one way or another, not just being partner with them but having to work with them would be nice.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN