Agot Isidro is a foster mom to 18-month-old baby boy: “O, di ba, nanay na ako bigla!"

“Try fostering kasi parang nakaka-inspire siya, nakakataba ng puso, nakaka-fulfill. Especially with me, kasi wala naman akong baby, e. So, parang nagma-mommy-mommy-han ako. So, nakakatuwa,” says Agot Isidro when asked about her decision to be a foster mom.


Nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Agot Isidro sa story conference ng unang drama series niya sa GMA-7 na One True Love ilang linggo na ang nakararaan, binanggit nitong mayroon siyang ia-announce na may kinalaman daw sa ilang pagbabago sa buhay niya.

Ang sabi pa niya, "good news" ito, pero hindi kami binigyan ng ideya.

Hanggang sa sinabi na nito sa presscon ng One True Love kagabi, June 6, na isa na raw siyang foster parent.

Kuwento ni Agot sa PEP, “Ngayon po, I’m a licensed foster parent.

"So, meron akong foster child sa bahay. ‘Yan ang aking good news!”

Matagal na palang volunteer si Agot sa CRIBS Philippines o Creative Responsive Infants By Sharing.

Sa ilang buwan na raw niyang pagbu-volunteer sa CRIBS at pag-aalaga ng mga bata sa naturang orphanage, may isang bata roon na nakahulugan niya ng loob.

Isang 18-month-old baby boy ang kinuha ng singer-actress para alagaan niya ito habang walang kumukuha.

“Foster yun, e.

"Alam ko ang pinapasukan ko, sinabi naman sa akin na, ’Foster lang ‘yan, hindi adoption.’

“Sinabi sa akin, if you opt to adopt, depende pa rin yun hindi dahil sa gusto mo.

“Kasi may mga ganun silang legalities, hindi agad-agad na ibibigay sa ‘yo,” pahayag ng singer-actress.

HOW SHE BECAME A FOSTER MOTHER. Nang magdesisyon daw si Agot maging foster parent, dumaan daw siya sa tamang proseso bago siya nabigyan ng lisensya.

Ang tagal daw bago ito ibinigay sa kanya, dahil ang daming imbestigasyon muna ang ginawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Pati raw mga kasambahay niya sa bahay ay inimbestigahan din.

Meron pa raw ginawang test kung match daw ba sila ng batang aalagaan niya.

“Nakakaaliw sa bahay kapag meron palang bata,” bulalas nito.

“Kasi, never nagkabata sa bahay, panay aso. Yung aso ko, love ko yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yung the sound of a kid na parang nakakabuhay...” tuwang-tuwa niyang pahayag.

Dagdag niya, “Medyo sakitin nga ang baby. Kaya nga pina-foster sa akin kasi they need special care… kasi medyo sakitin nga ang bata.

“Kaya kailangan talaga nakatutok. Tutok talaga kami lahat sa bahay.

“’Pag umuuwi ako ng bahay, kasi nasa kuwarto ko, nandun ang mga aso ko, nandun din ang bata… so ang dami ko nang inaasikaso pagpasok ko.

“Nagha-hi, hello ako sa mga aso ko, nagha-hi, hello din ako sa baby.

"Nakakaaliw, naaaliw ako.

“Actually, win-win situation yun.

"Medyo masakit siguro ‘pag nawalay na sa akin yung bata. Pero good for him and good for us. Walang talo dun."

WILL ADOPT NEXT? Pinag-iisipan na rin daw ni Agot ang mag-adopt ng baby, pero gusto raw muna niyang subukan ang maging isang foster parent.

“Ayoko ko kasi to get into something kung hindi pa ako handa.

“So, parang ito, slight paghahanda if ever I’ll get into adoption,” sabi niya.

Ayon pa kay Agot, sa lisensiyang ibinigay sa kanya ng DSWD, puwede raw siyang mag-alaga ng dalawang bata, pero subukan daw muna niya ang isa.

Ito raw ang isa sa malaking pagbabago sa buhay niya at masayang-masaya siya.

“O, di ba, nanay na ako bigla! Pero foster mom naman.

“Pero you know, I’m really encouraging everyone for those yung parang they want to help, or for those who are not ready yet to adopt.

“Try fostering kasi parang nakaka-inspire siya, nakakataba ng puso, nakaka-fulfill.

“Especially with me kasi wala naman akong baby, e. So, parang nagma-mommy-mommy-han ako.

"So, nakakatuwa,” nakangiti niyang pahayag sa PEP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN