Sherilyn Reyes thrilled about hubby Chris Tan taking care of their wedding arrangements

Sherilyn Reyes comes back to showbiz after more than a year. She plays kontrabida to Ogie Alcasid in My Daddy Dearest. While she did not ask for this assignment, she says she can not pass on the opportunity: “Pero kumbaga, parang nasa dugo mo na kasi.”


Mahigit isang taon din nawala si Sherilyn Reyes sa showbiz dahil nabuntis siya sa bunso niyang si Anya Sabrina, na ngayo’y mag-iisang taon na.

Noong panahong daw na iyon siya nag-gain ng weight.

Pero nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sherilyn noong June 4 sa presscon ng My Daddy Dearest, kunsaan isa siya sa cast, kapansin-pansin na mukhang dalaga pa rin siya na parang hindi nanganak at hindi ina ng tatlong pang bata.

“Tumaba rin ako, nag-140 lbs. ako.Ngayon, 119.

"Sana ma-maintain. Pero thankful na rin ako," sabi niya.

DIET PLAN. Ayon kay Sherilyn, hindi siya nag-Cohen’s diet dahil mahal daw.

Ang Cohen’s diet ay bagong trend sa mga diet plans na blood types ang basehan.

“Ang ginawa ko, blood-type diet. I-Google mo lang ’tapos yung 1,000 calories a day lang ang intake mo.

“Mag-download ka lang ng fitness app [application] sa IPad mo, ’tapos iko-compute niyang lahat.

“May corresponding calories yung mga kinakain kaya, at least, mamu-monitor mo kung ilan.

“Nagko-core kinesis ako. Kami ni Chris [Tan, her husband], nagwewake boarding at saka nag-G Force kami ng mga anak ko.”

BACK TO ACTING. Ano ang pakiramdam niya sa kanyang pagbabalik sa pag-arte?

“Medyo nanibago rin. Siyempre, nagkaroon ng separation anxiety.

"It’s a blessing. Ang dami riyan na naghahanap ng work, ikaw, ikaw ang nilalapitan.

"So, it’s a blessing.”

Sa My Daddy Dearest, si Sherilyn ay gumaganap bilang ex-girlfriend ni Ogie Alcasid at taga-api ng mga anak nito.

Kontrabida siya agad sa pagbabalik niya?

“Oo, pero may touch of comedy kapag si Pekto at si Pinky Amador naman ang kaeksena mo. So, dramedy nga siya.”

Walang bang naging problema sa mister niya na balik-showbiz na naman siya?

“Oo, medyo nanibago siyempre. Kasi yung location namin, ang hirap ng signal sa Tagaytay.

"’Tapos ayun, medyo hinimas-himas ko muna.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siya ba mismo ang may gustong mag-showbiz pa rin?

“Yes, it’s a part of my life na hindi ko na puwedeng alisin. Ever since naman na bata ako, ito ang gusto kong gawin.

“Hindi ko rin naman gusto na magpaka-pagod sa showbiz. Kumbaga, kung may isa kang show, masaya ka na.

“At saka, once or twice a week lang naman ang taping ko.”

IN THE BLOOD. Hirit naman namin kay Sherilyn, palibhasa well-off naman na sila kaya parang hobby na lang niya ang pag-a-artista.

“Oo, parang ganoon…” sagot naman niya.

Biro namin, pambili na lang niya ng bag? Mahilig kasi si Sherilyn sa mga magaganda at mamahaling bags.

“Oo, pambili ng bag!” natatawa niyang sabi.

“Pero kumbaga, parang nasa dugo mo na kasi.

“Tingnan mo, si Charlene [Gonzalez], napakayaman naman nila. Pero wala, nandiyan talaga yun.

“Parte na ng buhay mo. Karugtong na ng buhay mo.”

HUBBY’S CONSENT. Kung ang mister daw niya ang masusunod, ayaw na siya nitong pag-artistahin.

“Kung siya ang masusunod, mommy dearest na lang ako forever.

“Pero siyempre, like siya, meron din naman siyang mga kailangan at gustong gawin, so suportahan lang.

“Basta hindi napapabayaan ang family. Lalo na siya, hindi siya napapabayaan," saad ni Sherilyn.

IT’S A GIRL! Parehong lalaki ang naunang anak ni Chris at Sherilyn at matagal din bago nasundan ng baby girl.

Ano ang difference na baby girl naman ang inaalagaan niya?

“Naku, napakasarap!" bulalas niya.

"At saka, sobrang in love na in love kay Pao at kay Quirsten, pero iba ang pagka-in love ko rito [sa bunso].

“Plus the fact na lahat kami, in love doon sa baby, at siya mismo, in love na in love siya sa akin.

“Kapag ako ang may hawak sa kanya, ayaw na niyang pumunta kahit kanino.”

Yung dalawang "kuya," protective na sa kanilang baby sis?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo at saka walang selos factor. Nag-aagawan sila sa atensiyon.

"So, talagang I think, she came at the right time.”

NEW PRIORITIES. Si Sherilyn lang ang “only girl” dati sa pamilya. Kumusta naman si Chris na dalawa na silang girls sa bahay?

“Ay, sabi niya, ako pa rin ang number one sa kanya. Ganoon siya, e.

“Yun talaga ang napag-usapan namin na ang pinaka-rule namin, priority ang isa’t isa. Then, secondary ang mga anak.

"Kasi nga raw, magsisilakihan ang mga anak ko, magsisipag-asawa.

“We will be left with each other.

"Pagdating ng panahon, hindi na namin kilala ang isa’t isa dahil napabayaan n’yo na ang isa’t isa. Masyado kayong nag-focus sa mga anak.

"So, yun, very particular siya sa ganoon.

“So, ako, sinusunod ko yung rules na yun.”

SOME MORE? Diretsuhan naming tinanong si Sherilyn: may kulang pa ba sa buhay niya ngayon?

“Sabi ko nga, ang pasasalamat ko sa Diyos, napakaganda ng buhay ko. Napakasarap ng buhay ko.

“Hindi dahil… hindi ito financial o materyal, ha?

“Kung hindi kumpletong-kumpleto—meron kang asawa na mahal na mahal ka.

“Na ikaw ang prayoridad. Na walang gustong gawin kung hindi ang makasama ka. Alagaan ang mga anak mo.

“Ano pa ba ang hihilingin mo?

"Yung pera madaling kitain, pero yung pera, yun ang mahirap, e.

“Napaka-hands-on niyang tatay. Wala akong masabi. Palagi lang akong nagpapasalamat talaga.”

CHURCH WEDDING. Nagkaroon na ng civil wedding sina Sherilyn at si Chris noong 2003.

Pero pagkatapos daw ng first birthday ng kanilang bunso na si Eya, ang kasal naman nila sa church sa December 10, 2012 ang pagtutuunan ng atensiyon ni Sherilyn.

“Sa Sanctuario de San Jose sa Greenhills ang wedding, ’tapos ang reception, sa Marriott Hotel. Gusto kasi ni Chris yung ballroom doon,” banggit niya.

Tiffany blue at baby pink ang motif nila sa kasal, at si Cary Santiago naman ang gagawa ng kanyang wedding gown.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero bukod dito, ang mister na niya ang nag-aasikaso at gumagawa ng lahat.

“Gusto ni Chris, siya na lahat. Gusto niya, dumating na lang ako!” sabi ni Sherilyn.

Napa-wow kami dahil obviously, gusto siyang i-surprise ni Chris sa mismong church wedding nila.

“Pero siyempre, gusto mo rin na alam mo ang detalye. Basta ang sabi niya, ‘Eto lang ang sa ‘yo.’

“Ayaw niya muna ng may event organizer, gusto niya, siya lahat.

“Siguro mga two months before saka niya ite-turnover sa event organizer.”

Ang two boys nilang sina Paolo at Quirsten daw ang "Best Men" at ang one-year-old na si Eya ang bridesmaid at mga closest friends nila.

Bukod sa mga ninong at ninang nila noong civil wedding nila, magdadagdag pa sila ng iba pang naging malapit sa kanila.

“Hanggang ngayon, wala pang finality talaga. Hindi mo alam ang mangyayari before December.

“But definitely, lahat ng pupunta ay parte ng wedding namin,”

Nine years na rin silang kasal. Pero ano’t naisipan pa rin nilang magpakasal sa simbahan?

“Oo, kasi kami, we’ve been blessed by the Lord since day one.

“It’s just... parang pasasalamat namin kay Lord ‘to na sa dinaanan namin. Hindi naman namin mae-expect na darating kami dito.

"So, pasasalamat… pasasalamat talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN