Vilma Santos looks forward to doing a movie with Derek Ramsay; finds the hunk actor "yummy"

Vilma Santos on doing a kissing scene with Derek Ramsay if their movie project pushes through: "Puwede! Artista naman yun. Utang na loob, 50 years ko nang ginagawa yun."


Isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga dumalo sa presscon para kay Governonr Vilma Santos bilang endorser ng The Generic Pharmacy sa Shangri-La Hotel, Makati, kahapon, June 7.

Marami ang nagsasabing angkop ang nasabing bagong endorsement ni Ate Vi (palayaw ni Vilma) bilang isang gobernadora dahil naglalayon ang nasabing pharmaceutical company na bigyan ng epektibong gamot ang mga tao sa mas murang halaga.

Kung titingnan ang Star for All Seasons ay tila hindi siya nagkakasakit.

Pero kontra niya, "Oo naman, nagkakasakit din naman ako’ pag sobra na ang pagod. Di pupuwedeng hindi.

"Pero I make sure na ‘pag pagod na ay kailangan na ring magpahinga.

"May mga hindi nakakaintindi… salamat. Kung maintindihan din naman ng iba, mas lalong salamat."

Ano kadalasan ang nagiging sakit niya?

"The usual, yung sipon, trangkaso, ubo... lalo na pag natutuyuan ng pawis sa likod.

"Masakit na rin ang buto. Pero I still do exercise."

HOW SHE KEEPS FIT. Sa pangalalaga ng katawan ay nais ibahagi ni Ate Vi ang kanyang pormula.

Ayon sa Star for All Seasons, "I take care of my health by exercising.

"Kahit anong pagod ko, sinisiguro kong na mayroon akong time mag-exercise.

"Sumusunod na rin po ako sa tamang pagkain. Hindi na puwedeng puro baboy.

"At the same time, yung mga fruit juices na ang lagi kong iniinom.

"‘Pag 36 [years old] ka na ay talagang ganun, e," biro niya, sabay tawa nang malakas.

POLITICAL CAREER? May mga usap-usapan na pinag-iisipan na raw ni Ate Vi na tumakbo ng mas mataas na posisyon at iiwanan na ang pagiging gobernadora ng Batangas.

Ngunit itinanggi niya ito.

Sabi ni Ate Vi, "Wala po talaga akong political ambition.

"Pero if given a chance baka tapusin ko yung third and last term ko as a governor of Batangas.

"Kung tatakbo ako to more higher position… as senator, hindi po muna siguro."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LUCKY FOR MAYOR? Balitang hindi masyadong pabor si Edu Manzano sa ideyang sumali ang anak nilang si Luis Manzano sa politika.

Ano ang reaksiyon niya rito?

"Hindi ko rin naman ini-encourage si Lucky [palayaw ni Luis] na pumasok sa pulitika, e. Alam n’yo naman yun.

"In fact, ako ang nagsasabi sa kanya na, ‘Anak, kung hindi ka pa handa, huwag kang papasok.’

"Kung ano man yung alam ni Eduardo [Edu] na kalalabasan or desisyon ng anak ko, pareho lang kami dun.

"Hindi ako ang magsasabi sa kanya kung tatakbo siya or hindi. It just na nahihilingan lang siyang tumakbo," paliwanag ng gobernadora ng Batangas.

GOLDEN ANNIVERSARY! Sa usapin naman tungkol sa kanyang 50th year sa industriya…

"Alam ko may inihahanda ang Star Cinema, but I will still meet with them, kasi may trabaho pa ako sa Batangas, e.

"The mere fact na nakagawa na ako ng isang pelikula with them na pinamagatang The Healing, masaya na ako dun.

"Pero kung may maibibigay pa kami na isa pang TV special para sa darating kong Golden Anniversary sa show business, I’ll be very happy.

"Pero sana ma-accommodate ng time ko."

THE HEALING. Puwede ba siyang magkuwento tungkol sa The Healing?

"Ay, grabe! Suspense-thriller ang The Healing.

"If I’m not mistaken, sinabi ni Direk Chito Roño na ito raw ang pinaka-suspense na nagawa niya in 37 shooting days namin.

"So, it’s a different film talaga for me."

Kumusta namang katrabaho si Kim Chiu?

"Masaya kami. I enjoyed working with Kim.

"Ang cute niya! Bagets! She’s very good, ang galing ni Kim."

Ano naman ang masasabi niya kay Pokwang?

"Sobrang saya! Isa siguro itong The Healing sa pinakamasayang movie na nagawa ko dahil masaya sa set with Pokwang and other casts."

Kailan naman mapapanood ang kanilang pelikula na matagal nang inaabangan, lalo na ng kanyang fans?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah! Gusto nila anytime in July. Sabi ko, huwag naman masyadong maaga.

"Bayaan ’nyo muna kaming mag-warm up.

"So, hihilingin ko sa Star Cinema na medyo i-delay pa nila nang kaunti.

"Kasi gusto ng Star Cinema na sa July 11 na, sabi ko, masyado nang malapit.

"So, hihiling ako na i-delay pa nila ng kaunti."

DEREK RAMSAY. Ano naman ang reaksiyon ni Ate Vi sa sinabi ni Derek Ramsay na gusto siyang makatrabaho nito?

"Excited din ako. In fact, nagpasalamat ako sa kanya na gusto niya akong makatrabaho," sabi ni Ate Vi.

"Sana magkaroon nga ng chance na makatrabaho kami,"nakangiting saad niya.

Paano kung may kissing scene sa movie nila ni Derek?

"Puwede! Artista naman yun. Utang na loob, 50 years ko nang ginagawa yun.

"Kasi, kung si Derek, iba na naman, e. Alam mo yung ibig kong sabihin?

"Andun naman na ako sa point na yun na offer-an n’yo naman ako ng iba naman.

"That’s why tinanggap ko yung horror movie dito na The Healing kasi I want something new.

"Saka hindi naman ito ordinary, kasi Chito Roño movie ito."

Ano ang masasabi niya na very open si Derek sa paghanga sa kanya bilang artista?

"I thanked him. Nagpasalamat ako sa kanya.

"Tinext ko siya, hiningi ko kay Manay Lolit yung number niya. Nagpasalamat ako sa kanya.

"Sabi ko, ‘Thank you for the kind words. Looking forward to doing a film with you someday. I just hope that we have a good script. I’m putting a big smile on his face."

Okay lang ba sa kanya na parang No Other Woman ang istorya?

"Okay lang naman. Di b,a gumawa ako ng [movie na] May-December love affair with Aga?

"Something like that. An older woman in love with a younger man, why not?" suhestiyon niya sa tema ng pelikulang pagsasamahan nila ni Derek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta maganda yung script para iba naman uli, di ba? ‘Tapos ang sexy pa ng makakapareha mo na si Derek, di ba? Why not?"

Yummy ba si Derek sa tingin niya?

Tumango si Ate sabay sabing"Yummy!" at muli siyang napahalakhak.

May kilig kay Ate Vi?

"Alam naman natin na I’m a married woman already. Pero aminin naman natin na ang guwapo ni Derek!

"Looking forward na makagawa kami ng movie together."

Paano kung magselos si Senator Ralph Recto?

"No! No! Palagay ko siya na yata ang pinakamataas na level ang understanding.

"Ang broad ng utak ni Ralph… twenty-six years na kami ni Ralph, kaya siguro nagtagal kami ng ganito."

INDIE FILM. Sa usapin naman sa pelikula, pangarap daw ni Ate Vi na makagawa ng indie film.

"Alam mo someday, yun yung dream ko.

"Siguro ’pag hindi na ako ganun ka-active sa pulitika, gusto ko mag-produce ng isang indie film.

"Ako mismo ang magpo-produce. Kasi gusto ko ‘pag ako ang nag- produce, dapat hands-on ako, ayoko ng ibibilin ko lang sa iba.

"Pero I’m excited to do one indie film kahit na mag co-produce ako siguro sa Star Cinema."

TRIP TO HAWAII. Masaya ring ikinuwento ni Ate sa PEP ang balak nilang mag-anak na magbakasyon sa Hawaii.

"Para iba naman. Napansin n’yo naman, mula pa nung birthday ko puro kami Asian countries.

"So, sa Hawaii naman, para maiba naman."

"Honeymoon" ba nila ito ni Senator Ralph Recto?

"Naku, pagbigyan n’yo na kami, kasi ’pag out-of-the-country lang naman kami nakakapag-honeymoon!" natatawang pahayag ni Ate Vi.

Pagkakataon na ito ni Ate Vi na makapagsuot uli ng two-piece swimsuit.

"Ayaw ko, baka may paparazzi!" at natawa ulit ang Star for All Seasons.

This weekend daw sila lilipad patungong Hawaii.

NATIONAL ARTIST? Lumalabas ang pangalan ni Ate Vi sa hanay ng mga artisang sinasabing karapat-dapat maitanghal na National Artist dahil sa mga naging kontribusyon niya sa industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero aniya, "No, hindi na ako nakikipagkumpitensiya sa National Artist na ‘yan.

"Basta ’pag sa iyo, sa iyo! ’Pag ukol, bubukol!

"Kaya hindi na tayo dapat makipag-contest kung kani-kanino.

"I think mas marami pang dapat mauna sa akin—si Dolphy, si Rosa Rosal... a lot of them.

"Institution na sila noong araw pa, ’50s pa lang nandidiyan na sila.

"I think mas dapat pa silang mabigyan ng recognition."

DOLLAR ACCOUNTS? Naging malaking ang usapin tungkol sa Statement of Assets and Liabilities and Net Worth, o SALN, lalo na sa nakaraang impeachement trial kay dating Chief Justice Renato Corona.

Si Ate Vi kaya ay payag buksan ang kanyang bank account sa publiko?

"Wala namang problema dun. Ever since naman, nakabukas ‘yan.

"In fact, ‘pag naglalagay sila ng mga pulitiko na nasa Top 5 na medyo malalaki yung pera, nakakasama kami ni Ralph.

"Kasi combined ang pera namin bilang mag-asawa kaya nakalatag palagi ang aming pera.

"Saka, utang na loob, nine years ko nang tinatrabaho ‘yan, ‘no!

"Kung meron akong pera dahil pinaghirapan ko ‘yan. At totoo na may pera ako!" sabay tawa niya ulit nang malakas.

May dollar account din ba ang gobernadora?

"Meron akong dollar account.

"Sa tinagal-tagal ko ba naman sa showbiz, mawawalan ako ng dollar account?

"Siguro meron akong dalawang dollar accounts.

"Kung sino man magkukwestiyon nun, utang na loob, magharap tayo!" tawa ulit ni Ate Vi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN