Bea Binene is sentimental over father’s absence on Father’s Day

Bea Binene says goodbye to her Alice Bungisngis role as the serye airs its final episode this Friday while Reel Love Presents Tween Hearts, where she also stars, ends on Sunday. In her next project, Luna Blanca, she will no longer be joined by loveteam partner, Jake Vargas.


Hindi mapigilan ni Bea Binene ang maluha tuwing tinatanong siya tungkol sa kanyang ama.

Mag-iisang taon na noong umalis ng kanilang bahay ang ama ni Bea.

Tandang-tanda pa ni Bea na eksaktong Father’s Day na biglang hindi na nagpakita ang kanyang ama.

At ngayong Father’s Day na ulit, hindi pa rin sila nagkikita.

“Parati ko naman pinagdarasal na sana, isang araw, ay magkaroon kami ng pagkakataon ni Papa na magkita at magkausap.

“Yung lang naman ang hiling ko. Though okey naman kami kasi through text nagkukumustahan kami.

“Pero iba pa rin kasi kapag magkakaharap kayo.

“Hindi nawawala ‘yan sa mga dasal ko at sana nga, kahit one day lang, matupad iyon.

“At ako na ang pinakamasayang anak sa buong mundo.”

Ito ang mga pahayag ni Bea nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Thanksgiving Mass para sa pagtatapos ng kaniyang show na Alice Bungisngis and Her Wonder Walis last June 6 sa 17th Floor ng GMA Network Center.

Ilang mga okasyon na raw na hindi na nakasama ni Bea ang kanyang ama.

PAPA’S GIRL. Dumaan ang kanyang birthday, Pasko at Bagong Taon, pero lagi na lang naghihintay si Bea na may mangyaring maganda at sosorpresahin siya.

“Ayoko na ring maging emotional sana. Ayoko na ring umiyak.

“Pero kapag si Papa ang pinag-uusapan, talagang naiiyak ako. Very close kasi kami kaya ganito ang pakiramdam ko.

“Maraming occasions na dumaan na sana ay kasama ko siya.

“May mga events na tumatanggap ako ng award na wish ko ay nandoon din siya.

“Pero ito ang pagsubok na binigay sa akin ni Lord at handa ko naman pagdaanan.

“Yung isang taon na wala siya at hindi namin siya nakikita, mahirap para sa amin.

“Pero lagi ko na lang iniisip na hindi kami nakakalimutan ni Papa.

“Kung pinagdarasal ko siya, siguro naman pinagdarasal din niya kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I know na si Lord din ang makakagawa ng way para magkasama ulit kami,” ngiti ni Bea.

FATHER’S DAY WISH. At sa darating na Father’s Day, may wish ba si Bea para sa kanyang ama na matagal na niyang hindi nakikita?

“Wish ko lang kay papa on Father’s Day na sana okey ang health niya at mag-ingat siya parati.

“Wala sana siyang sakit at masaya siya wherever he is.

“At huwag niya kaming kalimutan dahil mahal na mahal namin siya ni mama,” maluha-luhang wish ni Bea.

Dalawang shows ni Bea ang nagtapos na. Unang nagpaalam ay ang Alice Bungisngis noong Friday, June 8, at sa Sunday, June 10 naman ay ang pamamaalam ng Reel Love Presents Tween Hearts.

Thankful naman si Bea na nagtapos ang Alice Bungisngis na mataas ang ratings.

“Yun naman ang pinasasalamatan namin sa mga manonood ng Alice Bungisngis.

“Happy kaming magtapos dahil mataas ang ratings namin parati. For four months ay napasaya namin sila.

“Sa mga fans naman ng Tween Hearts, magpapaalam na kami this Sunday.

“At sana tutukan nila kung ano ang mangyayari sa barkadahan namin.

“May malungkot at may masayang mga tagpo sa pag-goodbye namin.”

Magsisimula nang mag-taping si Bea para sa Luna Blanca kunsaan siya ang gaganap na teenage na Jillian Ward.

Ready na raw siyang malagyan ng black makeup at nakapag-test shot na raw sila para sa character niya.

“Nasubukan ko na yung makeup noong kunan kami for the cinema and TV plug.

“Tsaka noong mag-pictorial kami. Medyo nangati lang ako sa mukha at biglang lumabas ang mga pimples ko.

“But it’s okay for me. Baka masanay din ang skin ko sa makeup na ‘yon.

“Ang importante ay magawa ko nang maayos ang role ko as Blanca.”

Nabanggit din ni Bea na hindi raw muna si Jake Vargas ang makakatambal niya sa Luna Blanca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkaiba raw muna sila ng projects kaya mami-miss daw nila ang isa’t isa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN