Wynwyn Marquez plays a villainess in her first primetime series; says she’s still "shocked" her mom Alma Moreno is running for senator

Why is Wynwyn Marquez shocked that her mom Alma Moreno is running for senator?

“Kasi po parang ang bilis, di ba? Konsehal siya tapos naging president siya ng lahat ng councilors. Hindi ko po alam na dun na siya pupunta, e. Kumbaga for me, akala ko ano lang siya, dun lang siya bilang konsehal, pero si Mama kasi nakita ko kaya niya, e. Ang lakas ng loob niya, yung kakayahan niya iba na po talaga ngayon,” Wynwyn says.


First primetime drama series ni Wynwyn Marquez ang One True Love.

At tulad sa huli niyang show na Blusang Itim, kontrabida ang gagampanan ni Wynwyn sa One True Love na pinagbibidahan nina Louise delos Reyes at Alden Richards.

Hindi ba siya nag-request sa GMA na pabaitin naman siya sa bagong teleserye?

“Hindi naman po kasi ayaw ko namang pong mag-demand.

“Kung ano po yung sa tingin nila ay bagay sa akin, go naman po ako,” pahayag ni Wynwyn.

Hindi raw siya naiinip sa takbo ng kanyang career.

“Hindi po, e. Masama pong ugali yung ganun. I mean po, ayaw ko naman po yung ipinipilit ang sarili ko.

“Kung ibibigay po sa akin, tatanggapin ko po pero kung hindi naman po ibigay, okay lang naman po. Kung time ko naman po, time ko na.”

Guguluhin ba niya ang buhay nina Louise (as Elize) at Alden (as Tisoy) sa One True Love?

“Dito po bale yung manliligaw ni Louise na si Troy [Lucho Ayala], siya po talaga yung love ko dito, na may gusto kay Elize.

“Dun po magsisimula lahat tapos eventually guguluhin ko na sila ni Alden at Louise.”

Anong klaseng pagtataray ang gagawin niya kay Louise or Elize? Pisikalan?

“Hindi po. Masasakit na salita"

Magkakaroon ba ng sampalan?

“Siguro po, opo. Siguro po, eventually opo.”

May nagbirong nagtanong kay Wynwyn kung malaki ba ang palad niya.

“Maliit lang po ang kamay ko, pero volleyball player po ako,” sabay tawa nito.

Gagawin ba niyang bola ng volleyball ang pisngi ni Louise?

“Alam ninyo po, kasi mas maganda po kung tototohanin mo yung ginagawa mo e, kesa kung fake,” at muling tumawa ang dalaga.

Siyempre mag-uusap sila ni Louise bago niya ito sampalin…

“Opo, siyempre magpapaalam muna ako sa kanya, sasabihin ko, ‘Uy Louise, ganito ha? Handa ka na lang kasi mamaya baka magalit ka sa akin kung anuman,” at muling tumawa si Wynwyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kina Louise, Alden, Lucho at Wynwyn, nasa One True Love sina Jean Garcia, Agot Isidro, Raymond Bagatsing, Carlene Aguilar, Tiya Pusit at Benjie Paras, at ang mga veteran stars na sina Bembol Roco at Miss Caridad Sanchez.

Ipapalabas na ito sa Lunes ng gabi, June 11, sa GMA Primetime Telebabad, ito ay sa direksyon ni Andoy Ranay.

MOM ALMA FOR SENATOR. Dahil tatakbo si Alma Moreno sa pagka-senadora sa 2013 elections, naitanong kay Wynwyn kung handa na ba siyang maging anak ng isang senadora?

“Ngayon po medyo shocked pa po ako sa balitang tatakbo si mommy. Pero masaya ako para sa kanya kasi iyon talaga yung gusto niya, e.”

Hindi ba sila kinonsulta ng mommy niya?

“Kinonsulta kami pero I mean, na-shock po ako nung sinabi niya sa akin pero natuwa po ako sa kanya kasi nakikita ko sa pananalita niya, sa itsura niya na gustung-gusto niya po talaga.”

Bakit naman siya "na-shock?"

“Kasi po parang ang bilis, di ba? Konsehal siya tapos naging president siya ng lahat ng councilors. Hindi ko po alam na dun na siya pupunta, e.

“Kumbaga for me, akala ko ano lang siya, dun lang siya bilang konsehal, pero si Mama kasi nakita ko kaya niya, e.

"Ang lakas ng loob niya, yung kakayahan niya iba na po talaga ngayon.”

Ayaw ba niyang tumakbong senadora ang ina niya?

“Actually, hindi naman po sa ayaw. Ako lang po, siyempre nagwu-worry din ako sa mommy ko kasi ang hirap po nun e, buong Pilipinas, e.

“So for me kinakabahan lang ako sa health ng mommy ko pero I saw in her na she’s very strong and she’s very determined.

"Nung nakita ko yun sabi ko ‘Go, Mama! Su-support ako sa iyo. Kahit saan mo ako ipadala, pupunta ako.’

“Tinanong ko siya, ‘Ma, siguardo ka na ba talaga? Kasi kung nagdadalawang-isip ka, huwag muna.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yung sagot niya straightforward e, nakikita ko sa kanya na gusto niya kaya, ‘Sige Ma, gawin mo, kaya mo yan.’”

BEAUTY CONTEST. Ang mommy niya, mabilis nakapagdesisyon na tumakbong senador, pero si Wynwyn, hanggang ngayon ay hindi pa nagdedesisyon kung sasali siya sa mga beauty pageant.

Napatawa muna si Wynwyn bago sinabing…

“Ako po talagang gusto ko, pero hindi ko pa po masasabi kasi po yung GMA ang dami pang binibigay na opportunities sa akin.

“Sayang naman kasi once lang naman po talaga maibibigay ito, e.

“Pero tingnan na lang po natin kung kailan or kung ano po ang mangyayari.”

Ang ama niyang si Joey Marquez, may planong tumakbo ulit?

“Hindi ko po alam. Hindi ko po pa kasi siya nakakausap dun, e.

“Busy siya sa show niya sa kabila so ayun po, ano lang e, tahimik lang siya.

“Pag tatanungin ko siya, ‘Bahala na. Tingnan natin.’

“Ganun, magugulat na lang ako, tatakbo pala siya, ganun.”

Nag-graduate last March si Wynwyn sa kursong Marketing Management. Plano ba niyang gamitin ang kanyang tinapos sa kolehiyo?

“Ngayon po dapat magga-graduate school ako, masters, pero hindi siya natuloy.

"Siguro po mag-iipon na lang po muna ako para maka-open ako ng sarili kong business.

“Sayang naman po yung pinag-aralan ko kung hindi naman po magagamit.”

Gusto ni Wynwyn na makapagpatayo ng sarili niyang restaurant o bar.

“Kasi sa amin po which is BF [Homes in Parañaque] iyon ang patok e, so iyon na lang po.”

PERSONAL LIFE. Tungkol naman sa kanyang personal life, inamin ni Wynwyn na meron na siyang ka-MU or ka-mutual understanding.

“Ako po ngayon sa totoo lang po, to be honest, I’m dating po ngayon, pero non-showbiz po.”

Ano ang pangalan ng masuwerteng lalake?

“Ay, huwag na lang po, hindi na lang po.

“Ano siya, professional siya nagtatrabaho siya hindi siya… wala siyang kinalaman sa showbiz, wala po talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halos magkaedad sila, two years lang ang tanda sa kanya ng special someone ni Wynwyn.

Nakilala na raw ng parents niya ang lalaki.

“Kasi po nagpaalam ako kung puwede. Kasi iyon naman po ang request nila. After graduation puwede na akong mag-date.

“So nagpaalam ako ng maayos sa mommy at daddy ko, pinayagan naman po ako.”

Ipinakilala na niya…

“Opo, kasi ayoko naman pong ilihim sa kanila, e.”

Paano niya ipinakilala, nagpunta sa bahay nila ang lalaki?

“Opo kasi pumupunta siya sa bahay para po manligaw.

“Si daddy, hindi pa po, sinabi ko lang sa kanya.

“Natakot ako, baka aawayin e,” sabay-tawa ni Wynwyn.

Ang mommy niya at ang stepfather pa lang niya na si Marawi City Mayor Sultan Fahad Salic ang nakakilala ng personal sa manliligaw niya.

So medyo tagilid kung ipapakilala niya ito kay Joey?

“Hindi naman po. Sinabi ko po sa kanya, pero natatakot pa po akong ipakilala kasi gusto ko pong ipakilala sa kanya yung alam kong sigurado na.”

Schoolmate ni Wynwyn ang lalaking ka-MU niya.

“High school pa lang po ako kilala ko na siya.”

Bakit ngayon lang ito nanligaw?

“Kasi po bawal noon. After ko po mag-graduate, nagpaalam na ako.”

MU daw sila pero hindi pa raw boyfriend ni Wynwyn ang guy.

“Exclusively dating po.”

Supportive ang guy sa pag-aartista ni Wynwyn at maglilimang buwan na raw silang exclusively dating.

Hindi raw pumupunta sa Party Pilipinas or sa taping ni Wynwyn ang guy.

“Kasi po nagwu-work din siya. Kasi po ang sabi niya, ayaw niya po talagang makialam sa showbiz, kung ano yung trabaho ko, trabaho ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN