Derek Ramsay on John Lloyd-Angelica kissing video: “Well, maybe there is—yung pelikula nila. Baka kinunan ang eksena na naghahalikan sila, baka yun ‘yon."

Reacting to rumors that John Lloyd Cruz is allegedly a frequent visitor at the condo of Angelica Panganiban, Derek Ramsay (in photo) says: “Alam n’yo guys kung totoo ‘yan, ang daming picture n’yan, si John Lloyd Cruz is John Lloyd Cruz. He is the most popular actor in the country. If he walks around Eastwood, there’d be a lot of people showing pictures of John Lloyd, so I don’t think that is true.”


Martes ng mga alas singko ng umaga, June 5, lumapag ang PAL PR105 galing San Francisco, California sa NAIA 2 Centennial Terminal sa Pasay City, lulan ang buong tropa ng TV5 artists na galing sa successful Kapatid TV5 International launch sa America.

At isa nga sa mga dumating ay si Derek Ramsay na mainit na inaabangan ng media sa labas ng passenger lounge ng airport.

Pagod man mula sa mahabang biyahe ay masaya pa ring nakipagkuwentuhan si Derek sa media.

Kanina, sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5 ay inilabas ang kabuuang interview kay Derek kung saan isa-isa niyang nilinaw ang mga intriga tungkol sa kanyang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban.

KISSING VIDEO? Una na nga rito ay ang tungkol sa diumano’y "kissing video" nina John Lloyd Cruz at Angelica. Pero ayon kay Derek, hindi siya naniniwalang may ganitong video sina Lloydie at Angel.

Aniya, “Well, maybe there is—yung pelikula nila. Baka kinunan ang eksena na naghahalikan sila, baka yun ‘yon. Pero I haven’t seen any videos. Ang alam ko lang, they became good friends in Vietnam.”

SPOTTED AT ANGEL’S CONDO. Sunod na nilinaw ni Derek ang lumabas din na isyu na diumano ay may mga nakakakita daw kay John Lloyd na nagbabad sa condo ni Angelica.

Pagsalungat ni Derek sa isyu, “Alam n’yo guys kung totoo ‘yan, ang daming picture n’yan, si John Lloyd Cruz is John Lloyd Cruz. He is the most popular actor in the country.

"If he walks around Eastwood, there’d be a lot of people showing pictures of John Lloyd, so I don’t think that is true. I’ll clarify, I know it’s not true.”

Pangatlong nilinaw ni Derek sa Paparazzi ay ang pagkakasangkot daw ni Angel sa hiwalayang John Prats at Bianca Manalo.

Depensang patanong ni Derek, “They broke up because of Angelica? John Prats and Angelica are best friends, so that’s it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magkababata yung dalawa na ‘yan. Magkakilala na ‘yan, so nakakatawa naman kung sabihin na naghiwalay si John at si Bianca dahil may ’something’ sila ni Angel. That’s not true!”

MOVING ON. Nilinaw din ng Paparazzi ang tungkol sa pagli-live in daw nila noon ni Angel.

Pero, ipinagdiinan ni Derek na "private matter" sa kanila ni Angel kung anuman ang namagitan sa kanila noon sa loob ng anim na taon nilang relasyon.

Paliwanag niya, “Guys that’s a private matter, Angel and I spent a great six years together.”

“Wag na nating anuhin ‘to, na madagdagan pa ang mga issues namin.

"Yeah, we decided to stop the relationship for now, and I wanna keep it private and peaceful," aniya.

"We’ve said our piece, to be fair to those who love and support us. Pero sana naman, respetuhin natin si Angel.

“People fall in and out of love every day, it is not a crime, it is just a fact of life.

"The thing is you just have to respect and move on. You know, and that is what we are doing, moving on.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN