ER Ejercito has no plans to run for the Senate: "If I win again for the second and third term [as governor], after nine years hopefully, I can run for senator.”

Governor ER Ejercito gives an update on his dream movie project, El Presidente: The Emilio Aguinaldo Story: “Matatapos na ang El Presidente. All-star cast. My leading ladies are Cristine Reyes, [as Emilio Aguinaldo’s] first wife. Cristine plays Hilaria del Rosario and Nora Aunor will play Maria Agoncillo. Cesar Montano will play Andres Bonifacio."


Nakausap ng PEP.ph si Laguna Governor ER Ejercito kahapon, June 7, sa press presentation ng Miss World Philippines candidates na ginanap sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Una naming itinanong kay Governor ER kung paano naganap ang pag-uusap para maging official tourist destination ng mga candidates ng Miss World Philippines 2012 ang lalawigan ng Laguna.

“Well, they already approached me last year but I was very busy also. I also sponsored [partly] Miss Earth Philippines, that’s why this year I decided to host Miss World Philippines.

“Last year, Miss Earth kasi ang ini-sponsor ko, this year, Miss World Philippines naman," ang sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“And this is a good chance and opportunity to promote all the prime tourist destinations that we are very, very proud of. Like Enchanted Kingdom, the only theme park in the Philippines.

“We are promoting Pagsanjan Falls, we are going to take them on a boat ride to the falls. We are promoting our golf courses, the Laguna Lake, Caliraya Lake. We are promoting the Underground Cemetery of Nagcarlan, Mount Makiling, Mount Banahaw and Mount Cristobal.

“We are promoting the sapatos and tsinelas of Liliw, the barong Tagalog of Lumban, wood carving of Paete and we are also promoting the Jose Rizal shrine, the home of our national hero Dr. Jose Rizal.

“So we are promoting holistically all these prime tourist destinations that we are very, very proud of,” pahayag ni Governor ER.

Lahat ng iyon ay pupuntahan ng mga candidates?

“We are now in the process of fixing our itinerary for the upcoming visit of the twenty five candidates to Laguna.”

Bukod dito, isa rin si Governor ER sa mga uupong judges sa grand coronation night ng pageant sa June 24 na gaganapin sa Manila Hotel Tent at ipapalabas ng live sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I am actually one of the judges.”

CANDIDATE FROM LAGUNA. Hindi kaya siya intrigahin dahil may candidate na nanggaling sa Laguna?

“Actually I didn’t know! I didn’t know that there was someone from Laguna.

"And they did not tell me because we have a lot of candidates during the La Laguna Festival for the Ginoo and Binibining Laguna.

“If we only knew we could have joined, no one told me, e.

“Maybe next year we will enter and screen more candidates for Miss World.”

Sinisigurado naman ni Governor ER na hindi siya magiging biased sa pagdya-judge.

“Ah, no, no, no, definitely not. I’ll be fair and just.”

POLITICAL PLANS. Eleksyon na next year, at ang political plans ni Governor ER…

“Everyday naman for me is a working day, I’m a hands-on governor, I’m a working governor, everyday is planting rice day.”

Ang pagiging senador na ba ang tatakbuhin niya?

“No, no, no, governor! I wanna finish nine years and we’re moving very fast.

"I am very fortunate that I am working with the best and brightest people in local governance, public administration and public service. Mahusay ang action and performance team ko kaya mabilis kami kumilos.

“Marami kaming nagawang programa, mahirap tularan, mahirap pantayan ang mga awards gaya ng binigay sa akin ni Pangulong PNoy [Noynoy Aquino], ang pinakamataas na award para sa isang elected public official. Ito yung Presidential Lingkod Bayan Award.

“E, yun lang mahirap nang tapatan yun ng aking mga kalaban.”

Kahit na may mga kumumbinsi sa kanya na naniniwalang kaya niyang maging senador…

“Ang survey kasi oo, ang sabi ng Pulse Asia, ng SWS, I am a senatoriable, pero maaga pa para sa akin.

"Gusto ko munang pagandahin lalo ang lalawigan ng Laguna at ituloy ang aking magagandang programa.

“Hopefully after nine years if I win again for the second and third term, after nine years hopefully, I can run for senator after that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ALL-STAR CAST. Kumusta ang pelikulang El Presidente?

“Matatapos na ang El Presidente. All-star cast. My leading ladies are Cristine Reyes, [as Emilio Aguinaldo’s] first wife. Cristine plays Hilaria del Rosario and Nora Aunor will play Maria Agoncillo.

“Cesar Montano will play Andres Bonifacio.

“So all-star cast tayo.

“We’re hoping na we will finish the film before the festival pero nagpadala na kami ng entry. I think Viva Films has two entries e, itong El Presidente: The Emilio Aguinaldo Story at tsaka Ben Tumbling.”

Ang Ben Tumbling ay launching movie ng anak ni Governor ER na si Jericho Ejercito.

Posibleng maging magkalaban silang mag-ama sa filmfest…

“Oo nga, e! Hindi maiiwasan. Pero hindi, depende naman sa screening committee ng Metro Manila Film Festival [MMFF] at ng Metro Manila Development Authority [MMDA], depende sa kanila kung ano ang pipiliin nila dun sa dalawa.”

Posible bang mapiling pareho?

“I’m not sure. They only need to choose eight films e, so that will depend on the screening committee.

“If ever ba, willing ba siyang mag-give way para sa anak niyang si Jericho?

“Oo, wala namang problema. Anak ko yun, e.”

Dapat sana ay nasa El Presidente rin si Robin Padilla…

“Nag-decline na si Pareng Robin dahil masyadong hectic ang schedule niya, ang original choice ko si Pareng Robin Padilla.

“But unfortunately sobrang hectic ng schedule niya so si Cesar Montano na nga ang nag-take ng place niya.”

ON DIREK TIKOY. Kinumusta naman ng PEP kay Governor ER ang sitwasyon sa pagitan nila ni Direk Tikoy Aguiluz?

“I haven’t heard from him. Pero I still have high respects for Direk Tikoy, kasi hindi magiging blockbuster ang Asiong Salonga, hindi magiging number one sa pirated DVDs kung hindi dahil sa kanya,” ang natatawang sinabi ni Governor ER.

“Aba hindi ha, sa pirated DVDs… sabi [nila], number one ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story at ka-level namin, ang The Avengers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The original DVD, the uncut international version will be out by… hopefully by the end of this month, ilalabas na ng Viva Films ang uncut international version. Ibinalik na ang lahat ng mga pinutol ng MTRCB.

“Maganda, maganda yung uncut version.”

Iyon ba ang bagong title ni Governor ER—King of Pirated DVDs?

“Ay huwag, huwag! Dati akong presidente ng Actor’s Guild.

“E wala e, huli tayo nang huli, si pareng Ronnie Ricketts [Optical Media Board Chairman], nagko-coordinate kami kahit sa Laguna.

“E, wala talaga. Napakaraming may mga makina na sa lahat ng mga probinsiya.

“Huhuli ka ngayon, meron namang uusbong sa kabila.

“Napakahirap ng trabaho ni Pareng Ronnie Ricketts.

“Oo, virus, parang kanser! Sana masugpo ni Ronnie Ricketts ang piracy,” pagtatapos pang sinabi ni Governor ER.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN