Daniel Padilla on Kathryn Bernardo’s pronouncement that they’re more than friends: "Alam namin na di kami, pero parang kami, pero di pala kami. Nalalabuan ako, pero masaya."

There was a time when Daniel Padilla (in photo) thought of quitting showbiz because he felt his career was going nowhere. “Nakakatuwa kasi papunta ako dati sa point na di na ako mag-aartista talaga, di ko siya gusto," says the now fast-rising actor. "Nagsimula ako sa G-mik na di naman ako napapansin, at parang dumating ako sa point na nagpapaalam na ako sa Star Magic pero binigyan nila ako ng isang chance pa. Sabi nila sa akin, kung ’di


Sa kasikatang tinatamasa ngayon ni Daniel Padilla as one of the hottest young actors of his time, inamin niya sa amin na dumating din pala siya sa punto na gusto na niyang mag-quit sa showbiz at talikuran na ito nang tuluyan.
Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa young actor last Monday sa SM Skydome, Quezon City, kung saan dinaos ang kanyang fans’ day, ikinuwento niya sa amin ang rason kung bakit muntik-muntikan na siyang mag-quit.
“Nakakatuwa kasi papunta ako dati sa point na di na ako mag-aartista talaga, di ko siya gusto.
"Nagsimula ako sa G-mik na di naman ako napapansin, at parang dumating ako sa point na nagpapaalam na ako sa Star Magic pero binigyan nila ako ng isang chance pa.
"Sabi nila sa akin, kung ’di talaga, okay lang, pero pag nakuha ka e, di mas okay.”
Sa seryeng Princess and I, sinasabing pinakasikat ang tambalang Daniel-Kathryn Bernardo kesa sa tambalang Enrique Gil-Kathryn at Khalil Ramos-Kathryn. Agad namang klinaro ito sa amin ng young actor.
“Di ko masasabi kung ako talaga, kasi mukhang malalakas din naman yung ibang loveteam ni Kathryn, sila Enrique and Khalil, malalakas din naman sila.
"Ako naman ginagagawa ko lang ang trabaho ko na pasayahin ang mga fans namin ni Kathryn.”
SOLO STAR OR POPULAR LOVETEAM? Kung bibigyan siya ng choice, gusto ba niyang makilala as a solo actor o bilang may ka-loveteam katulad ng sa kanila ni Kathryn?
“Okay din naman na if ever ako lang, pero masaya din naman na may kasama, masarap na may... kasabayan.
"Siguro pag tiningnan mo ng partikular, walang masama kasi sumiksikat naman kayong pareho, nagtutulungan kayo kaya walang masama dun.
"Nagkakaroon din ng issue na ginagamit ko raw si Kathryn, sabi ng kaibigan ko, sa Twitter daw, may nagkakalat na ginagamit ko lang si Kathryn para sumikat. Ang sagot ko, ’Bakit ko naman gagawin yun?’"
Kinumusta namin ang samahan nila ng kapareha at ang bali-balita na panliligaw niya kay Kathryn.
“Masaya ako at mukhang masaya din naman siya. Relax lang kami, kumbaga di naman kami nagmamadali dahil mahaba pa naman ang panahon, sixteen pa lang siya at seventeen pa lang ako.
“Kung puwede naman, wala namang problema, kaso ngayon di pa yata puwede, so wala pa.”
MORE THAN FRIENDS. Sa Showbiz Inside Report, kung saan na-feature si Daniel kamakailan, ay na-interview si Kathryn at sinabi nito na wala pa silang relasyon ng ka-loveteam, pero higit sa magkaibigan ang samahan nila.
Ikinagulat naman ito ni Daniel nang tanungin namin ito sa kanya, pero inamin niya na sobrang ikinasaya niya ang sinabi ni Kathryn.
"Nakakatuwa, ngayon ko lang nabalitaan ‘yan. Totoo ba yan? Masaya, sobrang masaya, di ako makapagsalita.
"Ganun pala, ngayon alam ko na more than friends [kami]. Alam namin na di kami, pero parang kami, pero di pala kami. Nalalabuan ako, pero masaya," ang masayang pahayag ni Daniel.
Nabanggit din sa nasabing interview kay Kathryn na minsan daw ay nagseselos si Daniel sa mga close niyang kaibigang lalake at di siya pinapansin nito. Ipinaliwang naman ito sa amin ng aktor.
“Ganun naman talaga siguro ang lahat pag nagseselos. Siyempre magtatampo ka...
"Siguro ganun, ganun lang. Di mo maiwasan pag gusto mo talaga ang isang tao. Natatakot kang mapunta sa iba.
“Wala naman sa mga taga-showbiz, more on nagseselos ako sa mga non-showbiz friends niya."
CHICK MAGNET? Galing si Daniel sa Padilla clan na kilalang matitinik daw sa babae.
May ilang nagsasabi na playboy at bolero daw si Daniel lalo’t may pagka-bad boy ang dating ng image ng young actor. Siniguro niya sa amin na malinis ang intension niya kay Kathryn.
“Di ako ganun. Siguro yung mga tao na insecure lang sa akin. Malinis na malinis ang intensyon ko, walang dumi, walang mantsa.”
Hiningan din namin siya ng reaksyon sa pahayag niya sa SIR na pakakasalan daw niya si Kathryn. Marami ang nagulat sa nasabing ito ni Daniel, lalo’t napakabata pa raw nito para banggitin ang salitang kasal.
“Maganda yun, sana puwede...
"Nakita ko kasi sa kanya yung gusto ko sa isang babae. Saka ang pinakaimportante kasi kung masaya ka sa taong kasama mo at masayang-masaya ako pag kasama ko siya," ani Daniel.
Nanduon pareho ang mga magulang ni Daniel sa fans’ day niyang ito kung saan kitang-kita ang suporta nila sa kanilang anak. Ang nasabing fans’ day ay handog ni Daniel sa mga tagahanga niya na walang sawa na sumusuporta sa kanya.
“Sila Papa at Mama, sobrang natutuwa. Lalo na si Mama, kasi unang-una, nakakatulong ako.
"Kay Papa, kahit papaano nakakatulong din ako, so cool at masaya sila sa mga nangyayari ngayon. Nagugulat din sila.”
“Yung fans’ day ko para sa mga fans ko na di nagsasawa na suportahan ako.
"Nakakatuwa, sobra kahit yung ibang mga staff naming nandito, sobrang pasasalamat kasi nandito ang pamilya ko, mga kaibigan ko, lahat ng fans.
“Kinabahan ako kasi hindi ako sanay masyadong kumanta ng live. Kinabahan din ako na baka walang pumunta, pero nakakatuwa naman na ang daming sumuporta.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN