Local and foreign celebrities air disgust over Manny Pacquiao’s stunning loss

Was he robbed? Most people think that Manny Pacquiao should have won his fight against Timothy Bradley. Even the famous boxer quips, "I don’t know what happened."


Isang split decision ang kinahantungan ng boxing match nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley sa Las Vegas, Nevada ngayong araw, June 10 (June 9 sa U.S.).

Ibinigay ng mga hurado kay Bradley ang panalo.

Bagamat hindi gaanong nagpamalas ang Pambansang Kamao ng mga inaabangang jabs at punches, marami ang hindi sang-ayon sa desisyon na ito.

Sa katunayan, kahit ang mga news outlets sa Estados Unidos ay nagsabing si Pacquiao dapat ang nanalo.

"Stunning" raw ang nangyaring split decision, ayon sa New York Times.

"Controversial decision" naman ang isinulat ng CNN, habang "shocking split decision" naman ang isinaad ng ESPN.

Maging ang mga celebrity ay nagulat sa resulta ng laban. Marami sa kanila ang nagpahayag ng pagkadismaya sa social networking site na Twitter.

Ayon kay Sharon Cuneta (@sharon_cuneta12): "MANNY WON. THAT’S MY HUMBLE OPINION. PERIOD."

Sang-ayon sa kanya ang kanyang asawa na si Sen. Kiko Pangilinan (@kikopangilinan): "Bradley got beat up good by Manny while Manny simply got roughed up a bit. So how did Bradley win?"

Nanalo daw si Pacquiao, ayon sa TV host na si Christine Babao (@ChristineBBabao): "#Pacman believes he won. He should have won."

Ganito rin ang opinyon ng singer na si Ely Buendia (@elybuendia9000): "I didn’t even watch the fight and I KNOW Manny won."

Naniniwala naman ang TV host na si Tim Yap (@officialTimYAP) na "luto" ang naging resulta: "Sometimes in a "cooking” show, you don’t always get what you want. Pacquiao is still our champion. Hugs to Manny&Jinkee! #PacBradley."

Malapit dito ang opinyon ng Pinoy Big Brother host na si Robi Domingo (@robertmarion): "This boxing match is absolutely nonsense. Bradley didn’t throw punches, he didn’t box... he wrestled Pacquiao."

Sinisi naman ng host at model na si Marc Nelson (@QuickOffTheMarc) ang mga hurado: "my opinion. It was a tough fight & close. I still think manny won. That being said, props to Bradley for a gr8 fight. Fault is the judges."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Suporta naman ang ipinaabot ng singer na si Ogie Alcasid (@ogiealcasid): "I am still amazed at the sight of Manny praising God in defeat. He is a man of grace."

Ganito rin ang pahayag ng Leyte Rep. na si Lucy Torres-Gomez (@lucytgomez): "Test of faith. Keep calm and carry on. One loss does not define a real champion. Go Manny! We all await the next match!"

Suporta rin ang ipinarating ng sexy actress na si Ehra Madrigal (@ehraisms): "huge respect to pacquiao! such a classy act. he’s a good sport. you’re still our champ, pacman!!!"

Nakuha namang magbiro ng TV host at aktor na si Luis Manzano
(@luckymanzano): "Sandali nga, relax lang layo guys, bibihis lang ako babawian ko si Bradley."

Positive din ang tono ng tweet ng TVhost na si Ogie Diaz (@ogiediaz): "Ayos lang yan. At least buhay pa rin si Manny. He’s still blessed. Pag-uwi niya ng Pinas, let’s give him a power hug."

FOREIGN CELEBRITIES. Samantala, hindi lamang ang mga Pinoy celebrities ang may opinyon sa labang ito. Nagpahayag din ng pagkadismaya ang mga foreign celebrities.

Isa na rito ang singer at aktor na si Justin Timberlake (@jtimberlake): "I’m gonna let it go... After I say this... Boxing was RUINED tonight for me."

Nagpahayag din ng disappointment ang rapper at producer na si Busta Rhymes (@BusaBusss): "BRADLEY U CAN’T SLEEP 2NIGHT THE FEEDBACK IS OVERWHELMING ISN’T IT? THE WORLD KNOWS U LOST. DO THE RIGHT THING & GIVE THAT BELT 2 PACMAN!!!"

Ang aktres at singer na si Miley Cyrus (@MileyCyrus) ay nagbigay suporta kay Pacquiao: "Yo manny! you just gotta remember what my daddy @billyraycyrus always told me "when you knock em out, you dont need no judge!"

Ganun na rin ang singer na si Bruno Mars (@BrunoMars): "Pac man 4 life."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Upset naman sa resulta ang singer at American Idol season 11 runner-up na si Jessica Sanchez (@JSanchezAI11): "Congrats to the new winner but I’m still really upset about the results :("

Nalungkot naman daw ang singer na si Nick Carter (@nickcarter) sa pagkatalo ni Pacquiao: "I think I may never take boxing seriously after tonight. Manny pacquiao won that fight! Sad day for boxing, I think we should protest!"

Ganun din ang opinyon ng American Idol Season 5 finalist at rock singer na si Chris Daughtry (@CHRIS_Daughtry): "YOU’VE GOTTA BE KIDDING ME!!!! PACQUAIO TOTALLY OWNED THAT FIGHT!!!"

Hindi rin makapaniwala ang aktres na si Jessica Biel (@JessicaBiel) sa resulta: "What a joke! I can’t believe they gave it to Bradley."

Nag-tweet din ang heavyweight boxer na si Lennox Lewis (@LennoxLewis): "Unbelievable! #PacBradley This is another stain on boxing. Even worse than my draw with Holyfield!"

Pero sa kabila ng pananahimik ng buong MGM Grand Arena ng ilang segundo matapos ang announcement ng winners, dasal ang agad na ginawa ni Pacman.

Nakipagkamay ito kay Bradley, na inilarawan niyang "strong." Pero maging siya ay naniniwalang, "I believe I won the fight," na sinabi niya sa sports announcer na si Mario Lopez.

To know more about the Pacquiao-Bradley fight, go to spin.ph


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN