Manny Pacquiao on losing WBO Welterweight title: "Wala namang doubt, talagang klarung-klaro that I won the fight. Irespeto na lang natin ang desisyon ng mga judges."

Manny Pacquiao’s message to his fans and supporters: "Para sa mga sumuporta, sa mga fans, thank you sa lahat ng mga prayers. Sa buong Pilipinas na sumuporta, maging proud tayo at ipakita natin sa buong mundo na propesyonal tayo pagdating sa mga ganito.”


Live via phone patch ay nakausap ng Showbiz Central ang Pambansang Kamao mula sa Las Vegas, Nevada, kung saan katatapos lamang ng laban ni Pacquiao kay Timothy Bradley.

Sa split decision ay itinanghal ng mga judges na winner si Bradley.

Tinanong si Manny kung ano ang nararamdaman niya na ang buong mundo, hindi lamang ang mga kababayan niyang Pilipino, ay naniniwalang si Manny talaga ang nanalo.

“Wala namang doubt, talagang klarung-klaro that I won the fight.

“Irespeto na lang natin ang desisyon ng mga judges.

“Pasalamat tayo sa Panginoon, because he has good plans,” ang pahayag ni Manny sa telepono ngayong Linggo, June 10, 2012.

’WE RESPECT THE DECISION.’ Marami ang nagulat sa naging desisyon ng mga judges; sa tingin ba ni Manny ay naging sapat ang performance ni Bradley para maging champion at ano ang naramdaman ni Manny sa naging resulta?

“Talagang alam ng mga tao kung ano’ng naging resulta, kahit na yung mga bago pa lang nanonood ng boxing e talagang… hindi ko alam pero unexplainable ang naging decision.

“But it’s okay, we respect the decision, out of professionalism and respect.”

Marami ang humanga sa paraan ng pagtanggap niya sa naging decision. At maging sa Twitter, maging sina Oscar dela Hoya at Lennox Lewis na mga champion boxers ay at iba pang international celebrities ay kampi kay Manny.

“Salamat, salamat! It’s very clear naman what happened so I think… sana hindi madismaya ang mga fans, hindi madismaya ang mga boxing fans sa resulta at suportahan pa rin nila ang boxing.”

REMATCH. Iaapela ba nila ang naging resulta o maghaharap na lang sila ni Bradley sa isang rematch na malamang maganap sa November?

“Mag-rematch na lang, babawi na lang tayo sa rematch! Babawi na lang tayo sa rematch.”

Ano ang paghahanda na gagawin niya sa rematch nila na hindi niya nagawa sa laban nila kanina?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ginawa natin lahat sa laban. Ngayon alam ko na kung anong gagawin niya so alam na natin sa rematch.”

MANNY’S MESSAGE. Ang mensahe ni Manny sa lahat ng sumuporta sa kanya…

“Para sa mga sumuporta, sa mga fans, thank you sa lahat ng mga prayers. Sa buong Pilipinas na sumuporta, maging proud tayo at ipakita natin sa buong mundo na propesyonal tayo pagdating sa mga ganito.”

Pinag-usapan sa Twitter na baka kaya wala siya sa kundisyon ay dahil natalo ang paborito niyang team sa NBA, ang Boston Celtics? Na na-depressed siya kaya wala siya sa wisyo?

“Wala naman, hindi naman… it’s okay ginawa naman natin lahat, binigyan ko sila ng magandang laban.”

Ayon pa kay Manny…

“Masaya ko na nandito ang mga anak ko, nandito ang pamilya ko, hindi sila nabahala dahil alam nila na panalo ako.”

To know more about the Pacquiao-Bradley fight, go to spin.ph


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN