Martin del Rosario gets first lead role in TV soap

After a series of supporting roles, Martin del Rosario gets his big break—a lead role in the "Pintada" series of Precious Hearts Romances Presents. The actor says, “Kinakabahan ako siyempre. First time kong mag-lead sa isang show tapos Precious Hearts pa. First time ko ring magka-loveteam simula nang mag-showbiz ako."


Pagkatapos na mapanood sa mga supporting roles sa mga serye ng ABS-CBN, ngayon ay gaganap na bilang bida si Martin del Rosario.

Nakuha niya ang lead role sa Precious Hearts Romances Presents sa series na pinamagatang "Pintada." Makakapareha niya dito si Denise Laurel.

Di maitago ni Martin ang excitement, saya, at kaunting pressure sa malaking break na binigay sa kanya ng Kapamilya network, nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News nuong Lunes, June 4, sa Studio 2 ng ABS-CBN.
“Siyempre nung nalaman ko, sobrang natuwa ako kasi first time kong mag-lead sa isang show.
“Kinakabahan ako siyempre. First time kong mag-lead sa isang show tapos Precious Hearts pa. First time ko ring magka-loveteam simula nang mag-showbiz ako,” sabi ni Martin.
Si Denise Laurel ang gaganap na leading lady ni Martin.
“Siyempre mayroon ding pressure... Sana tanggapin... Sana magkaroon din ng chemistry at sana magustuhan din ng mga tao [ang loveteam] namin."
Tinanong namin ang aktor kung anong preparasyon ang ginawa niya para sa series.
“Siguro studying the script, tapos magpapayat, magmukhang bata. Nag-gym ako, new hairstyle, pampa-bata.”

Since may pagka-sexy nga ang tema ng "Pintada," nangangahulugan kaya ito na handa na rin rumampa si Martin sa Cosmpolitan Bachelor Bash?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
“Okay naman sa akin kung rampa lang. Di pa ako nakaka-rampa, sa akin wala namang problema. Open ako to that," aniya.
THE HEALING. Tinatapos ni Martin ang pelikulang The Healing ng Star Cinema kung saan makakasama niya sila Kim Chiu at Governor Vilma Santos. Nagbigay siya ng update sa pelikula.
“Tapos na. Malapit na siyang ipalabas. Siyempre nakakatuwa kasi matagal-tagal naming shinoot yun. Since last year pa, magkakasamana kami.
"Two weeks ago, natapos na kami. It’s a horror movie na talagang nakakatakot.
“Halos lahat ng eksena ko kasama ko si Ate Vi. Sobrang bait niya. Tinuturuan niya ako sa bawat eksena," ang sabi ni Martin.
"Madalas ko ring kasama si Kim Chiu sa mga scenes. Masaya. Naging close na rin kami. Nakilala namin ang isa’t-isa kasi kapatid ko siya [sa pelikula].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN