Julie Anne San Jose “overwhelmed” by trust given by Kapuso network

Julie Anne San Jose is very thankful to GMA-7 for the continuous projects given to her. Aside from performing in Party Pilipinas and starring in the film Just One Summer with Elmo Magalona, she’ll star in the new Sunday afternoon teen-oriented show, Together Forever.


Isang malaking proyekto ang muling ipinagkatiwala ng GMA-7 sa young actress-singer na si Julie Anne San Jose.

Isa kasi siya sa lead stars ng upcoming Sunday afternoon teen-oriented show na Together Forever—ang papalit sa katatapos lamang na Tween Hearts.

Ilan sa makakasama niya sa naturang show ay sina Elmo Magalona, Steven Silva, Enzo Pineda, Sef Cadayona, Janine Gutierrez, Benedict Campos, at Renz Valerio.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng press si Julie Anne kahapon, Hunyo 10, sa set ng Together Forever sa Sienna College sa Taytay, Rizal.

Dito’y inamin niya na “pressured” sila dahil ang kanilang programa ang papalit sa Tween Hearts na tumagal sa ere ng 87 weeks.

“Siguro po somehow may pressure po sa amin,” pag-amin ng Kapuso star.

“Kasi mataas din ‘yon expectations nila sa amin. Like ‘yong expectations din before doon sa previous show—sa Tween Hearts nga po.

“Then, siyempre kami po, ginagawa din naman po naming lahat ng makakaya namin para mapaganda ‘yong show.”

JUST ONE SUMMER. Samantala, bukod sa bagong TV program niya, abala rin si Julie Anne sa pelikula nila ni Elmo na Just One Summer.

Matagal nang kinukunan ang naturang pelikula, na unang napabalitang ipalalabas noong Mayo.

Gayunman, dahil na rin sa paiba-ibang schedule ng cast nito’y nagkaroon ng kaunting delay.

Pero ayon kay Julie Anne, may natitira na lamang silang “four to five days” ng shooting.

Natapos na rin daw nila ang malalaking eksena, ’tulad na lamang ng kissing scene nila ni Elmo.

“Kinabahan po ako siyempre!” natatawang sagot ni Julie Anne nang tanungin kung kinabahan ba siya nang kunan ang naturang eksena.

“Kahit sino naman po na first time mo gagawin, kakabahan ka.

“Pero okay naman po, nakunan naman po namin nang maayos.”

BLOOMING CAREER. Bagamat baguhan sa industriya, sunud-sunod na magagandang proyekto ang ibinibigay ng Kapuso network kay Julie Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa kanyang home network dahil sa malaking tiwalang ibinibigay nito sa kanya.

“Of course, nagpapasalamat po ako kay Lord, kasi binigyan Niya po ako ng so much blessings at ng opportunities.

“Of course sa GMA-7, at sa lahat ng sumusuporta sa akin, supporters ko, family and friends, nandiyan lang sila.

“Siyempre parang nakaka-ano lang, ‘yong feeling mo na sobrang overwhelmed ka.

“Honored din po ako kasi nabibigyan po ako ng mga ganitong opportunities.

"And alam ko na maraming nag-a-aspire… parang sa position ko na ganito, parang ang daming naghahangad, and I’m so blessed nga na isa ako sa kanila.”

Kung mga kontrobersiya naman ang pag-uusapan, ito ang sagot ni Julie Anne:

“There’s always naman controversies, intrigues, ‘di naman po siguro mawawala ‘yon.

"Parang mas marami pang darating, alam ko. And I have to be ready always talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN