Melai Cantiveros on possible reconciliation with ex-boyfriend Jason Francisco: “Nakipag-break ’tapos makikipagbalikan? Ano yun, abnormal?”

Melai Cantiveros has apparently been into other relationships and she claims that none of her ex-boyfriends has ever come back for a reconciliation. She says: “At saka, so far, sa mga ex ko, wala namang nag-break na nagbalikan.”


Kung merong show sa telebisyon ngayon na masasabing sobrang nabuo ang magandang pagkakaibigan at closeness ng kasama sa programa,, isa na rito ang gag show ng ABS-CBN na Banana Split.

On- at off-cam, doon makikita ang bonding ng buong cast at maging ng produksiyon crew.

Ilang beses na itong pinatunayan ni Angelica Panganiban at iba pang cast ng programa na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ang pinakahuling nagpatunay nito ay si Melai Cantiveros nang makausap namin siya sa taping ng Banana Split noong nakaraang linggo sa Club Mwah.

Aniya, “Sobra kaming close. Nakikita n’yo naman dito, enjoy kami, tutulog lang. Parang barkada ang samahan namin.

“After ng taping namin, kumakain kami.

"Di ba, once a week lang kami nagte-taping? Nagba-bonding talaga kami.

“Minsan, once a week, nagkikita kami. Minsan every day, kapag walang taping nagkikita kami.”

MOVING ON. Nang tanungin namin kung wala ba siyang nami-miss na cast sa Banana Split, inunahan na kami ni Melai at nagbiro pa.

“Alam ko ang mini-mean mo, si Jason… Gainza!” natatawang sabi niya.

Alam ni Melai na ang tinutukoy ng PEP ay ang ex-boyfriend niya na si Jason Francisco.

Pero sa seryosong tono, sinabi ni Melai: “Hindi ko naman siya nami-miss.

"Dati, noong fresh pa lang, over-over ko siyang nami-miss. Umiiyak talaga ako.

"Pero ngayon, na-used na ako.

"Kumbaga, naka-move on na ako. Hindi na ako naghahanap.

“Siyempre dati, noong kaka-break pa lang, hahanapin mo talaga siya.

"Pero ngayon, hindi na.”

May four months na rin daw mula nang mag-break sila.

Dagdag ni Melai, “Hindi ko talaga alam sa move. Hindi talaga.

"Pero happy na ako. Kapag nagkikita naman kami, okay na.

“Happy na ako sa kanya.

"Dati, di ba, kapag first, ayaw mo talagang makita?

"Pero ngayon, wala na akong bitterness.

“Kapag nagkita kami, nagpapatawa pa rin siya sa akin. Parang dati na, normal na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi katulad dati na ayaw ko siyang kausapin.”

STILL FRIENDS. Nararamdaman ba niyang magkaibigan na sila?

“Oo. Hindi ko feel, friends naman talaga kami,” mabilis na sagot ni Melai.

Posible pa kaya silang magkabalikan?

“Hindi ko rin masabi," sagot niya.

Pero dugtong din ni Melai, "Nag-break kayo ’tapos magbabalikan?

"At saka, so far, sa mga ex ko, wala namang nag-break na nagbalikan. Wala namang ganoon.

"Siguro sa future, hindi ko rin masasabi. Pero mas okay ako na ganito.

“Siguro kung manligaw man siya, sasabihin ko na happy na ako ng ganito.

"Huwag na muna.”

Baka naman nanliligaw na si Jason sa kanyang muli?

“Hindi naman.

"At saka, bakit naman niya gagawin yun? Nakipag-break ’tapos makikipagbalikan?

"Ano yun, abnormal?” natatawang sabi niya.

Posible rin naman na na-realize ni Jason na mahal pala siya at hindi siya kayang wala sa buhay nito?

“E, mas na-realize ko na mas masaya ako ngayon. Kasi, mas inalam ko na ang sarili ko.

“Mas enjoy ko na ang sarili ko at mas na-realize ko na mas marami pala akong dapat i-focus—at yun naman ang gusto niya.

“Gusto niya yun. Friends naman kami.”

NEW ADMIRERS. Pinalinaw na rin namin kay Melai ang isyu na may nanliligaw na raw sa kanyang bago ngayon.

“Wala ay!” mabilis niyang tanggi.

“Alam n’yo, kuro-kuro lang nila ’yan. Walang nanliligaw sa akin.

"At kung may manligaw man, hindi ko alam, nanliligaw na pala! Abnormal!”

COME AND GO. Sa Banana Split, sila ni Angelica Panganiban ang masasabing close talaga.

At tulad niya, kagagaling lang din ni Angelica sa breakup nila ni Derek Ramsay.

Ano ang mga advice na ibinigay niya kay Angelica?

“Oo, nagkaka-share-an naman kami. Kumbaga, classmate nga kami.

"Sabi ko sa kanya, ganoon talaga ang life.

“May mga tao talaga na come and go.

“Dati, emosyonal talaga ako sa mga relationship. Ngayon, kapag nakakarinig ako ng mga maghihiwalay, okay lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganoon naman. Ngayon, parang ganoon talaga ang buhay. Kailangan mong tanggapin that they come and go.

“At saka, hindi naman sila mamamatay para ma-stress ka. Huwag mo nang i-stress ang buhay mo.

“Ganoon naman talaga. I-enjoy n’yo kapag kayo ang magkasama. Kung hindi na kayo masaya, let it go,” saad ni Melai.

TREND. Siya ang tila madalas na nakakasama ni Angelica noong nakipag-break ito sa boyfriend na si Derek.

“Oo, kami ang palaging magkasama. Kaming lahat sa Banana Split.

“At saka, ako ang first honor, si Angelica ang second honor.

"Third honor si Kuya John Prats sa mga breakup,” natatawa niyang sabi.

Si John ay kaka-break din lang kasi sa beauty queen na si Bianca Manalo.

Dugtong ni Melai, “At si Angelica, hindi na kailangang i-advise. Alam naman na niya ang gagawin. Ganyan talaga ang buhay.

“At saka kapag kasama niya kami, nakakalimutan na niya ang mga problema kasi nga, happy siya kapag kasama kami.”

Parang nagkasunod-sunod silang cast sa Banana Split na natapos ang realsyon. Biro namin kay Melai, sinadya ba nila yun?

Sagot ni Melai, “Hindi nga namin alam. Nangyari lang talaga. Ganoon lang talaga.

"Si Kuya John Prats, hindi rin naman kailangang i-advice, alam na niya.

“Ako lang talaga yung one month. Gumising na lang ako na ayoko na, tapos na.

“Dapat pala, i-enjoy mo lang din ang heartache mo. I-enjoy mo lang yun.

“Kunwari, nasa stage ka ng bankrupt, i-enjoy mo ang pagka-bankrupt mo—lahat talaga.

“I-enjoy mo ’yan dahil mari-realize mo, tama ang kasabihan na ’enjoy your life to the fullest.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN