Jinkee Pacquiao and Mommy Dionisia still believe Pacman won his fight against Bradley

Manny Pacquiao’s wife, Jinkee (lef), and mom, Mommt Dionisia (right), were interviewed by Showbiz Central a few hours after the controversial defeat of the Pambansang Kamao against American boxer Timothy Bradley, Jr.


Ilang oras matapos ang laban ni Manny Pacquiao kay Timothy Bradley, Jr. ay nakausap ng Showbiz Central hosts ang misis ng Pambansang Kamao na si Jinkee Pacquiao kahapon, June 10.

Nang ianunsiyo ng ring announcer na si Michael Buffer na si Bradley ang nagwagi sa 12-round fight nila ni Manny, nakita sa camera ang reaksiyon ni Jinkee na tila nabigla sa naging desisyon ng tatlong judges.

Pero ano ang eksaktong naramdaman ni Jinkee noong oras na ‘yon?

“Nagulat lang talaga ako.

“Kasi yung confidence ko is talagang na kay Manny, and kahit yung mga anak ko, hindi sila worried na matatalo siya kasi ang alam namin is…

“We believe na mananalo talaga siya, na panalo siya.

“So na-shock lang kami na yung desisyon is for Bradley,” pahayag ni Jinkee.

Gaya ni Jinkee, marami rin ang nagulat at nalungkot na si Bradley ang pinapanalo ng mga judges,

Nagkataon pang first time manood ng mga anak nina Manny at Jinkee sa Las Vegas.

Sabi ni Jinkee, “First time nila, pero hindi naman sila ano…

“Yung anak ko nga, sabi, ‘Don’t worry mommy, he’s still the winner, right?’

“Thankful pa rin kami na okay siya [Manny], ang importante is safe siya.

“Okay naman siya.

“Tinanong ko siya kanina kung nasaktan ba siya sa mga suntok ni Bradley, sabi naman niya hindi naman daw niya na-feel yun kasi puro lang daw jab, ganyan.

“Pero kahit siya, na-shocked din siya [sa resulta].”

Ano ang naging reaction ng mga bata—nalungkot ba o umiyak ang mga ito?

“Hindi naman sila nalungkot. Actually, sila pa nga yung parang nag-encourage sa akin na, ‘It’s okay, it’s okay!’

“Kasi katabi ko silang dalawa, ‘tapos nung in-announce na nga na talo si Manny, sabi nung isa kong anak, ‘Don’t worry, Mommy, he’s still the winner!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam nila na nanalo talaga si Manny.”

Dahil nandoon si Jinkee sa loob mismo ng MGM Garden Grand Arena, ano ang naging reaksiyon ng mga tao nang ianunsiyo na si Bradley ang nanalo?

“Actually nung ina-announce, parang wala, ano… parang nalungkot lahat, parang natahimik lahat.

“Na-shocked din sila, e. Na-shocked din sila na bakit si Bradley ang nanalo.

“Kahit naman yung mga ano dito, mga commentators, yung mga sa news, alam nila na si Manny ang nanalo.

“Pero wala tayong magagawa kasi in-announce nila na si Bradley so…”

Magkakaroon daw ng rematch sina Manny at Bradley sa November. Ano ang masasabi ni Jinkee dito?

“A, si Manny naman kasi, kung may rematch, depende na sa kanya kung may rematch.

“Okay lang, susuporta pa rin ako siyempre,” sagot niya.

Ano ang mensahe ni Jinkee sa mga tagasuporta ng mister niya?

“Sa lahat ng mga Kapuso, lahat ng mga Pilipinong sumusuporta kay Manny, maraming-maraming salamat sa suporta ninyong lahat at sa mga dasal ninyo.

“Keep on believing, na lahat ng nangyayaring ito, God has his purpose for Manny.

“Basta alam natin na nanalo siya and we will continue to pray na manalo pa rin siya sa lahat ng mga laban niya.

“Lahat ng ito, may purpose si God kung bakit nangyayari ito.

“In our hearts, we believe that Manny won this fight.”

Ayon pakay Jinkee, hindi muna sila agad uuwi sa Pilipinas dahil sasamantalahin na ng kanilang pamilya na magbakasyon muna sa Amerika ng isang buwan.

MOMMY DIONISIA. Nakausap din ng Showbiz Central host na si John “Sweet” Lapus kahapon ang ina ni Manny na si Dionisia Pacquiao.

Napabalita kasi na hinimatay daw si Mommy Dionisia pagkatapos i-announce na natalo ang anak niya sa laban nito kay Timothy Bradley Jr.

Pero pinabulaanan niya ito.

Ayon kay Mommy Dionisia, “Okay naman ako, parang nahihilo lang ako kanina kasi sobrang init dun sa prayer room ni Manny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya iyon talaga, nahilo ako sa sobrang init.

“Nahilo ako sa init, ang daming pawis sa katawan ko.”

Ano ang naging reaksyon niya nung nalaman niya na natalo si Manny?

“Kasi nagsigawan sila, pati yung anak kong babae, kasi ang pamilya ko doon sa Las Vegas, nag-iyakan sila, tumawag sa kapatid niya…

“May isa akong anak dito, umiyak siya at sumigaw, bakit natalo ang kapatid niya? Wala kahit sugat, kahit konti wala daw.

“Bakit natalo? Sobrang daya nito, daya talaga!

“Pangalawang laro na ni Manny na dinaya, sabi ko, ‘Huminto ka na sa paglalaro.’”

Paano kung matuloy ang rematch nina Manny at Bradley sa November?

“Kung mag-rematch sila ni Bradley, papayag ako, sasama na ako kung magre-rematch sila. Papayag na ako,” sagot ni Mommy Dionisia.

Ano ang mensahe niya sa mga supporters ng anak niya?

“Ang mensahe ko lang sa lahat ng mga tao, pati akong nanay natanggap ko na, wala na tayong magagawa, tapos na ang labanan nila.

“Alam na ng mga tao… alam ko, nakita ko sa mga mata ng mga tao, hindi matatalo si Many dahil maraming puntos, maraming score si Manny daw sabi ng mga tao sa akin.

“Nag-awayan ang ibang tao, nagagalit, bakit daw natalo ang anak ko.”

Ano naman ang mensahe niya kay Manny?

“Yung mensahe ko lang, ‘nak, kung magre-rematch ka kay Bradley, okay, mag-rematch kayo.

“At kung ang gagawin nila na kahit na lamang ka sa score, ‘tapos talo ka, mas mabuti tabihan ko yung scorer!

“Gusto ko pupunta ako, sasama ako, tatabihan ko yung scorer. Tatabihan ko yung scorer! Grabe!” natatawang sabi ni Mommy Dionisia.

To know more about the Pacquiao-Bradley fight, go to spin.ph


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN