Mike Tan on being groomed as dramatic actor: “Sana magkaroon din ako ng ibang oportunidad na hindi lang basta drama… na makapag-explore ako.”

Mike Tan on working with the industry’s icons: “Nasanay na rin ako nang nasanay at nagpapasalamat ako sa mga nakaeksena ko—si Lovi [Poe] at si Ms. Cherie [Gil], palagi kong kaeksena noon... si Tito Eddie [Garcia].”


Nagkaroon ng dalawang linggong pahinga si Mike Tan bago magsimula ang kasunod niyang teleserye pagkatapos ng Legacy, ang Faithfully.

Bago ito ay nag-overlap ang huling dalawang teleserye niya—Kung Aagawin Mo Ang Langit at Legacy.

Sa pagkakataong ito, magkasunod man, nagkaroon pa rin siya ng mga araw para sa guest appearances at regional shows.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mike noong June 8 sa Italianni’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

CLIMBING. Ayon sa young actor, hindi niya nagawang makaakyat ng bundok noong mga panahon na mayroon sana siyang oras. Ito kasi ang bagong hobby niya ngayon.

“I’m still looking forward na makaakyat muli ng bundok. Actually, yun ang naiisip ko hanggang ngayon.

“Yun nga lang, hindi rin kasi magawa dahil may mga biglaan din namang trabaho, lalo na ang regional [shows].

“At the same time, hindi rin naman kasi madaling magpa-sked ng akyat.

“Lalo na kung yung mga kasama mo, hindi rin nila sked na umakyat.

“Pero sana, yun ang isa sa gusto kong gawin talaga ulit. Nami-miss ko na rin umakyat ulit ng bundok.”

IMPROVED CHARACTERIZATIONS. Malaking bagay para kay Mike na nagkasunod ang mga teleserye niyang Kung Aagawin Ang Langit at Legacy.

Magkaiba kasi ang karakter na ginampanan niya rito at masaya raw siya sa mga feedback na natanggap niya.

“Natutuwa ako sa feedback dahil sinasabi nila sa akin na every time na lumalabas, pa-improve nang pa-improve.

“Na may nakikita silang bago kunsaan yun naman talaga ang target ko.

“Ang target ko nga, kada show, may improvement na makikita.

“Sa Legacy raw noon, kada labas, may improvement na nangyayari. Siguro dahil na rin sa mga eksena.

“Ako kasi, naging kumportable akong kaeksena si Ms. Cherie [Gil]. Sobrang naging palagay na ‘ko.

“Nasanay na rin ako nang nasanay at nagpapasalamat ako sa mga naka-eksena ko, si Lovi [Poe] at si Ms. Cherie, palagi kong ka-eksena noon... si Tito Eddie [Garcia].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Salamat sa kanila kasi ang dami kong napulot sa kanila.

"At sa totoo lang, kapag sila ang kaeksena ko, sobra talaga ang focus," saad ng StarStruck winner.

ACTING APPROACH. Mami-miss din daw ni Mike ang naging leading lady niya sa Legacy na si Lovi Poe.

“Si Lovi kasi, sa lahat ng nakasama ko, siya ang may kakaibang atake.

“Alam mo na kapag nakaeksena mo ang taong ito, huwag kang dedepende sa script.

“Kailangan alam mo rin ang script mo. Kasi siya, bilang aktres, hindi rin siya dedepende sa script.

“Kung ano ang kailangan mong emosyon, yun ang ibibigay niya sa ‘yo.

“At the same time, yung thought ng linya, nandoon. Kaya kapag hindi mo alam ang ginagawa mo, mawawala ka.

“Kung hindi mo siya kayang sabayan, ikaw ang mapapahiya.”

Given the chance, gusto pa rin daw na makatrabaho ni Mike si Lovi sa future projects nila sa GMA-7.

“Oo, ang dami kong natutunan sa kanya. At saka mabait siyang artista.

"Actually, sa kanilang tatlo—Lovi, Heart [Evangelista] at Alessandra [de Rossi]—mababait silang tatlo.”

Nakapag-taping na raw si Mike ng isang araw sa bago niyang pang-hapon na teleserye, ang Faithfully, na magsisimula nang mapanood sa June 18.

Sabi ni Mike, “Sa unang linggo, nandoon na ako, pero parang pasulpot-sulpot pa lang dahil nandoon pa yung mystery ng character.”

KAPUSO LEADING MAN. Masasabing isa si Mike sa ginu-groom ngayon bilang Kapuso leading man dahil halos hindi siya nababakante sa trabaho.

Ano ang masasabi niya rito?

“Palagi ko namang sinasabi na thankful ako sa network. Sa pagbibigay sa akin ng tiwala.

“Kasi, parang katatapos lang ng Legacy, ’tapos meron kaagad. Na bihirang mangyari, although nangyayari siya.

“Pero para ibigay sa akin, I’m really thankful dahil ibig sabihin, natutuwa sila sa trabaho ko.

“At ako, natutuwa ako dahil natutuwa sila sa akin dahil nagagampanan ko nang maayos kung anong trabaho ang naibibigay nila sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ramdam na niya ang pagiging leading man ng Kapuso network?

“Siguro nasa linyang yun, pero ang mindset ko kasi, ayoko nang iniisip na ganoon.

“Gusto ko, sa sarili ko, nagagawa ko pa rin ang gusto ko.

"Kung may grupo, ayoko na isipin na leading man.

“Kapag inisip ko kasi na ganoon, doon na huminto ang mundo ko.

“Baka isipin ko, ‘Eto na ’ko, ganito na ’ko, nakuha ko na ‘to, puwede na akong mag-lie-low.’

“Hindi, e, marami pa akong gustong marating sa pag-aartista at marami pa akong kailangang ma-prove talaga,” saad niya.

Para kay Mike, masuwerte siya dahil nabibigyan siya ng roles na iba-iba at mas nahahasa at natsa-challenge pa siya; ’tulad ngayon sa Faithfully.

“Siguro ang magiging diperensiya ng character ko ngayon, mas mabait kumpara kay Third [role niya sa Legacy].

“Hindi siya tuso, pero sindikato. Medyo kumplikado, pero sana magampanan ko nang maayos."


TIMESLOTS. Mula sa pang-hapong teleserye (Kung Aagawin Ang Langit), inilagay siya sa primetime (Legacy).

At ngayon, balik pang-hapon na naman siya bilang leading man sa Faithfully.

Okay lang ba sa kanya iyon?

“Oo naman,” mabilis niyang sagot.

“Ako, wala sa akin kahit pang-hapon, pang-gabi... I don’t mind. Basta ako, gusto ko ng trabaho.

“Basta may trabaho ako, masaya ako. Nagagawa ko ang gusto ko. Kahit anong ibinigay sa akin.

“Ang palagi kasing nasa utak ko, empleyado ako ng GMA. Kung anuman ang ibigay sa akin na trabaho, tatanggapin ko.”

Na-excite naman daw si Mike nang malaman na isa si Maxene Magalona sa leading lady niya sa Faithfully.

Nagkatrabaho na rin daw sila noon sa Trudis Liit.

Kuwento ng binata, “Noong magkita kami sa workshop, natuwa ako.

“Kasi ang huling trabaho namin, Trudis Liit pa. Nagsisimula pa lang si Jillian Ward noon.

“At siyempre, si Michelle Madrigal, nandoon din. Nagkasama kami sa Kung Aagawin

“At tingin ko, nakilala ko naman siya doon at nakilala ko naman siya bilang isang mabuting tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Isa pa rin sa excited akong makasama, si Marc Abaya. Hindi ko alam kung bakit.

“Pero para siyang si Sid Lucero na yung ugali, magugulat ka. At si Isabel Oli, nagkatrabaho na rin kami.”

Masaya rin si Mike na si Mike Tuviera ang director nila sa bago niyang teleserye.

“’Eto talaga, si Direk, first time kong makakatrabaho ang isang actor-director.

“Sa first time naming magkausap, sa first day rin ng taping ko.

“Para sa akin, nasabi na niya sa akin ang character ko sa buong magiging taping ko sa show.

“At nakakatuwa kasi sasabihin niya sa ‘yo lahat ng kailangan mong gawin.

“At nakakatuwa rin na hindi siya titigil hangga’t hindi mo ito nakukukuha nang maayos.

“Yun din ang nababalitaan ako at, para sa akin, magbe-benefit ang lahat ng artista sa kanya.

“At nakita rin natin yung trabaho niya sa The Good Daughter, sobrang galing.”


DRAMA KING? Sa drama siya nalilinya. Sunod-sunod ang mga projects niya na purong drama talaga.

Nararamdaman ba niyang doon talaga siya inililinya ng GMA-7?

“Well, yun din naman ang sabi nila sa akin, pero sana, magkaroon din ako ng ibang oportunidad na hindi lang basta drama… na makapag-explore ako.”

At saka ito nagbiro, “Actually, lahat po ng workshop, puwede kong puntahan.

“Huwag n’yo lang po akong pagsayawin, ayoko po talaga. Pinagda-dance workshop ako!” natatawa niyang sabi.

“Hindi na, tama na!

“Kahit ano na, huwag lang dance workshop, wala talaga!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN